13/08/2026
๐ฃ ๐๐๐
๐
๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Isinagawa ang Seminar on Gang Prevention and Intervention sa Bignay National High School sa pangunguna ng Task Force on Fraternities and Gang Intervention and Prevention (TAFFGIP) ngayong Miyerkules, Agosto 12, 2026, mula 9:00 AM hanggang 10:00 AM sa Senior High School Conference Room.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pakikipagtulungan at pagdalo ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni Dr. Rudy Fran Falcunitin (Principal IV), Gng. Rufina G. Tabino (Assistant Principal Designate), Gng. Rosalinda Siervo (SPTA President), kasama ang iba pang mga g**o at kawani ng paaralan.
Dinaluhan din ito ng mga opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG), Campus Integrity Club (CIC), at ng mga Pangulo mula sa iba't ibang baitang at pangkat ng BNHS bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kaligtasan, disiplina, at positibong paghubog ng kabataan.
Mga Pangunahing Paksa at Layunin ng Seminar:
Kahalagahan ng Pag-iwas: Pataasin ang kamalayan laban sa gang involvement, bullying, at iba pang mapanganib na gawain.
Maagang Pagkilala: Matukoy at maiwasan ang mga palatandaan at sitwasyong may kaugnayan sa gang recruitment at peer pressure.
Interbensyon at Paggabay: Magkaloob ng angkop na hakbang, positibong pagdedesisyon, at maayos na paglutas ng alitan.
Pagpapatibay ng Ugnayan: Palakasin ang pakikipagtulungan ng paaralan, pamilya, at komunidad sa pagprotekta sa mga mag-aaral.
Ligtas na Pag-uulat: Hikayatin ang mga mag-aaral na iulat ang anumang bantay-banta o recruitment sa mga kinauukulan at pinagkakatiwalaang matatanda.
Naging daan ang gawaing ito upang mapalawak ang kamalayan at mapagtibay ang sama-samang responsibilidad sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at payapang kapaligiran sa BNHS.
Patuloy nating gabayan at suportahan ang ating mga kabataan tungo sa ligtas at mas maliwanag na kinabukasan! ๐โจ
๐๐๐๐'๐ฉ ๐ก๐๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐จ๐ฉ๐ช๐๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐.
โ
โ๐๐๐ฎ๐ค๐ช๐ฉ ๐จ | Crissa Loraine San Roman (Public Information Officer)
โ๐พ๐๐ฅ๐ฉ๐๐ค๐ฃ โ๏ธ | Alecsa Marese D. Reyes (G7 Chairperson)
โ--------------------------
โFor more updates, follow us on:
โ๐๐๐๐๐๐ค๐ค๐ | Bignay NHS Supreme Secondary Learner Government
โ๐๐๐ ๐ฉ๐ค๐ | bignay.nhs.sslg