31/07/2026
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ฃ๐ก๐ฃ ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฎ ๐๐ถ๐๐ ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐ก๐ฎ๐ด๐ฝ๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ด๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ฉ๐ก๐๐ฆ
Nagsagawa ng isang mahalagang diyalogo ang PNP Valencia City Police Station noong Hulyo 26, 2026 upang talakayin ang mga isyung inilapit ng pamunuan ng Valencia National High School (VNHS). Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PLTCOL Bryan Mesa Panganiban, ang Chief of Police ng lungsod.
Dumalo sa pagpupulong ang iba't ibang sektor at kinatawan upang pag-usapan ang kaligtasan ng paaralan. Kabilang sa mga nakilahok ang pamunuan ng VNHS, City Social Welfare and Development Office (CSWD), lokal na media, at mga organisasyon sa komunidad. Dumalo rin ang PNP Auxiliary kasama ang mga tauhan mula sa Women and Children Protection Desk (WCPD), Community Affairs and Development Division (CCAD), at Operations Section ng kapulisya.
Batay sa inilathalang pahayag sa opisyal na Facbook page ng PNP Valencia City, binigyang diin sa diyalogo ang malaking kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat sektor upang mapatibay ang seguridad sa loob at labas ng kampus. Layunin din nitong itaguyod ang pagpigil sa krimen sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon, mabilis na pag uulat ng mga insidente, at maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga miyembro ng komunidad at awtoridad.
Muling pinagtibay ng PNP Valencia City Police Station ang kanilang matatag na pangako na makipagtulungan nang malapitan sa mga paaralan, partner agencies, at sa buong komunidad. Ang hakbang na ito ay upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at angkop na kapaligiran para sa pag-aaral ng lahat ng mga estudyante, g**o, at kawani ng paaralan.
Dagdag pa sa pamunuan ng pulisya, ang pagbuo ng isang ligtas na paaralan ay nakasalalay sa pagiging alerto, maayos na pakikipagkapwa-tao, at sama-samang responsibilidad ng bawat isa.
Sa huli, ipinaabot ng kapulisya ang mensahe na sa pamamagitan ng pagkakaisa, kayang bumuo ng isang komunidad kung saan ang bawat mag-aaral ay nakakaramdam na sila ay protektado sa kanilang pag-aaral.
๐ฏ๐ช: ๐๐ฏ๐ต๐ฐ๐ฏ๐ช๐ข ๐๐ช๐ค๐ฐ๐ญ๐ฆ ๐. ๐๐ช๐ฆ๐จ๐ฐ
๐๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข: ๐๐๐ ๐๐ข๐ญ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ช๐ข ๐๐ช๐ต๐บ ๐๐ฐ๐ญ๐ช๐ค๐ฆ ๐๐ต๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ