17/08/2026
TINGNAN: Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng San Ramon National High School kay Sir Robert Funelas, Administrative Officer III, para sa kanyang dedikasyon, propesyonalismo, at mahalagang paglilingkod sa ating paaralan.
Sa kanyang paglipat sa panibagong paaralan, buong pagpapahalaga naming kinikilala ang kanyang mga naging kontribusyon at pakikipagtulungan sa patuloy na pagsasakatuparan ng mga layunin ng SRNHS.
Nawa’y maging matagumpay at makabuluhan ang kanyang panibagong yugto ng paglilingkod. Maraming salamat, Sir Robert, at nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa inyong bagong paaralan.