12/06/2026
NARATIBONG ULAT SA OPENING BLOCK / PAGBUBUKAS NG KLASE
Hunyo 8–11, 2026
Tabuyoc Elementary School
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng taong panuruan 2026–2027, matagumpay na isinagawa ng Tabuyoc Elementary School ang Opening Block o pagbubukas ng klase mula Hunyo 8 hanggang Hunyo 11, 2026 sa pamumuno ng Punong-Guro na si Ma'am Rodalyn M. Soriano. Layunin ng gawaing ito na matiyak ang maayos, ligtas, at organisadong pagsisimula ng klase para sa lahat ng mag-aaral.
Sa unang araw ng pasukan, masiglang sinalubong ng mga g**o at kawani ng paaralan ang mga mag-aaral at mga magulang. Isinagawa ang oryentasyon tungkol sa mga alituntunin ng paaralan, mga programang pang-edukasyon, at mga inaasahang gawain sa loob ng silid-aralan. Nagkaroon din ng maayos na proseso ng pagpapatala para sa mga late enrollees at pag-aayos ng mga rekord ng mag-aaral.
Sa mga sumunod na araw, isinagawa ng mga g**o ang iba't ibang panimulang gawain kabilang na rito ang pagkilala sa mga mag-aaral at mga kupunan ng Tabuyoc ES, pagbibigay ng mga patakaran sa loob ng silid-aralan, pagkuha ng kanilang timbang at tangkad, pagsasagawa ng mga assessments tulad ng RMA, CRLA at Phil-IRI, at marami pang iba. Binigyang-diin din ang pagpapaunlad ng positibong ugnayan sa pagitan ng g**o at mag-aaral upang magkaroon ng maganda at produktibong kapaligiran sa pag-aaral.
Naging aktibo rin ang pakikilahok ng mga magulang sa oryentasyon at pagsuporta sa mga programa ng paaralan. Ang kanilang kooperasyon ay naging mahalagang bahagi sa matagumpay na pagsisimula ng taong panuruan.
Sa kabuuan, naging maayos, ligtas, at matagumpay ang Opening Block ng Tabuyoc Elementary School. Sa mahusay na pamumuno ni Ma'am Rodalyn M. Soriano at sa sama-samang pagsisikap ng mga g**o, magulang, at mga mag-aaral, naging makabuluhan ang unang linggo ng klase at naglatag ng matibay na pundasyon para sa isang produktibo at matagumpay na taong panuruan 2026–2027.