Kumusta, mga Kapanitikan!
Panoorin ang masayang kulitan, tanungan, at tawanan kasama ang mga opisyales ng KANAFIL at ang mga aktibong PSUnians na kumasang sumagot at malagot sa mga inihandang katanungan para sa ating Pambansang Buwan ng Panitikan 2026.
Bahagi pa lamang ito ng mas marami at mas malawak pang mga aktibidad na ating aabangan sa Buwan ng Panitikan 2026.
KANAFIL - PSU Urdaneta City
Kapisanan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino | Bachelor of Secondary Education - Filipino Major |
18/04/2026
๐๐๐ง๐๐ ๐ค๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐จ?
Sa pagdiriwang ng ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ang ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ก๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น๐๐ฏ๐ต๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ (๐๐๐ก๐๐๐๐) ay buong siglang nagbubukas ng mga patimpalak na magsisilbing tanghalan ng husay, talino, at malikhaing pag-iisip ng mga mag-aaral ng PSUโUrdaneta. Sa Temang โ๐ฝ๐๐ รซ๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ ๐๐ฃ: ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฉ๐ฌ๐๐ง๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ ๐๐จ๐๐ฃ,โ inaanyayahan ang lahat na makilahok sa mga gawain na magpapalalim sa pag-unawa sa panitikan bilang sining, wika, at sandata ng kamalayan.
Sa larangan ng sining biswal at digital na pagpapahayag, inihahandog ang mga patimpalak na GUHITikan at Pani-KLIK-an, kung saan ang imahinasyon ay isinasalin sa biswal na sining at makabagong midya, na nagbibigay-buhay sa panitikan sa malikhaing pamamaraan. Samantala, sa larangan ng wika, pagsusulat, at kritikal na pag-iisip, tampok ang SULAT-tikan at Pani-THINK-an mga hamon na susubok sa lalim ng pag-unawa, husay sa pagbuo ng kaisipan, at kakayahang magpahayag ng malinaw, makabuluhan, at mapanuring ideya. Para naman sa mas masigla at interaktibo, inihahandog ang RUN-FUN-tikan at BINGO, kung saan ang kooperasyon, talino, at kasiyahan ay magsasanib upang higit na mapalalim ang pagkatuto sa panitikan sa mas dinamiko at nakakaengganyong paraan.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? I-tag na ang inyong mga kaklase at kaibigan na handang sumabak sa mga hamong ito na tiyak na magpapakita ng kanilang galing at husay bilang mag-aaral ng Filipino.
Ang rehistrasyon ay bukas hanggang ๐๐ฏ๐ฟ๐ถ๐น ๐ฎ๐ฐ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ๐ญ๐ญ:๐ฑ๐ต ๐ฃ๐ . Siguraduhing magparehistro agad sa mga link na makikita sa bawat larawan upang makakuha ng slot.
Tara naโt mag-bekรซt para sa panitikan, katwiran at kalikasan!
Isinulat ni: John Michael Fernandez
Disenyo ni: James Clyde Motea
17/04/2026
๐๐๐ก๐๐๐๐ | ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ง๐๐๐๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
"๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ฌ๐๐ฐ๐ฌ๐๐ฐ ๐ฌ๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ญ๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐๐ง๐๐ง ๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ค๐๐ฆ๐๐ญ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ง๐๐๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ -๐ฎ๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐ฅ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ."
Sa gitna ng mabilis na pagbabago ng panahon at ang banta ng kaisipang mapanira sa ating kalikasan at kasaysayan, ang panitikan ay nagsisilbing matibay na moog ng ating pagkakakilanlan. Hindi lamang ito imbakan ng mga kuwento, ito ay buhay na daluyan ng ating mga paninindigan at ang sulo na tumatanglaw sa madidilim na sulok ng ating kamalayan bilang isang lahi.
Ngayong Abril, buong kabuklod na ipinagdiriwang ng Kapisanan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (KANAFIL) ang ๐ฝ๐ช๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ ๐๐ฃ 2026 ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐ฉ๐๐ข๐๐ฃ๐ "๐ฝ๐๐ รซ๐ฉ ๐๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ ๐๐ฃ: ๐๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฉ๐ฌ๐๐ง๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ ๐๐จ๐๐ฃ." Ang konseptong bekรซt mula sa kulturang Agutaynรซn ay nagsisilbing paanyaya sa atin upang pagbigkisin ang ating mga talino at talento, isang panawagan na gamitin ang kapangyarihan ng salita upang protektahan ang ating kapaligiran at itaguyod ang katarungang panlipunan.
Bilang mga mag-aaral at tagapagtaguyod na nagpapakadalubhasa sa ating wika, naniniwala ang KANAFIL na ang bawat titik na ating isinusulat at bawat tula na ating binibigkas ay may kakayahang magpunla ng pagbabago. Tungkulin nating tiyakin na ang ating panitikan ay mananatiling tapat sa katwiran at mapagkalinga sa ating inang kalikasan.
Sa pagyakap natin sa diwa ng bekรซt, nawa'y maging masigla ang ating pakikilahok sa paglikha ng mga akdang hindi lamang nagpapaganda sa pahina, kundi nagpapakilos din sa masa para sa isang mas maliwanag at mas luntiang kinabukasan.
Tayo na't magkaisa, lumikha, at manindigan!
Isinulat ni: John Michael Fernandez
Disenyo ni: Joriz Carl D. Dalanon
04/04/2026
๐๐๐-you ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐! ๐ค
๐๐๐บ๐๐๐๐ฎ, ๐ฃ๐ฆ๐จ๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐!
Sa pagpasok ng buwan ng Abril, may isang bagay tayong dapat abangan, isang salitang hindi lang basta binabasa, kundi inuunawa at nararamdaman.
Kaya naman, samahan ang KANAFIL sa munting pagtuklas na ito,
kung saan ang bawat pahiwatig ay unti-unting bubuo sa hiwaga nito.
Kaya halinaโt makilahok, makibahagi at makihula, hanggang ang lihim na salita ay tuluyang maipakita โจ๐ฎ
Narito ang ikalawang hamon na susubok sa talas ng inyong isipan! ๐ง ๐งฉ
๐ Upang maging ganap na kalahok:
โข I-follow at i-like ang page ng KANAFIL
โข I-share ang post na ito
โข I-comment ang inyong sagot
โข Maghanda ng screenshot bilang patunay
Narito ang clue upang inyong masagutan ang nasa larawan:
โIto ay ang ginamit na apelyido at sagisag-panulat ng isang kilalang makata sa kaniyang mga akda bilang pagkilala sa kanyang katutubong pinagmulan.โ
Ang huling makapagbibigay ng tamang sagot hanggang 11:59 PM at makasusunod sa mechanics ang siyang mananalo! ๐
01/04/2026
๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐! ๐ค
๐๐๐บ๐๐๐๐ฎ, ๐ฃ๐ฆ๐จ๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐!
Sa pagpasok ng buwan ng Abril, may isang bagay tayong dapat abangan, isang salitang hindi lang basta binabasa, kundi ito ay inuunawa at nararamdaman.
Kaya naman, samahan ang KANAFIL sa munting pagtuklas na ito,
kung saan ang bawat pahiwatig ay unti-unting bubuo sa hiwaga nito.
Kaya halinaโt makilahok, makibahagi at makihula, hanggang ang lihim na salita ay tuluyang maipakita โจ๐ฎ
Narito ang unang hamon na susubok sa talas ng inyong isipan! ๐ง ๐งฉ
๐ Upang maging ganap na kalahok:
โข I-follow at i-like ang page ng KANAFIL
โข I-share ang post na ito
โข I-comment ang inyong sagot
โข Maghanda ng screenshot bilang patunay na nagawa ninyo ang una at ikalawang mekaniks.
Ang unang makapagbigay ng tamang sagot at makasunod sa mekaniks ang siyang mananalo! ๐
31/03/2026
KANA-FEEL: Damdamin ng Kababaihan, Lakas ng Pamumuno
Nakiisa ang Kapisanan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (KANAFIL) sa pagdiriwang ng National Womenโs Month 2026 sa ginanap na โSHERO: Celebrating Historical and Contemporary Babaylansโ na inorganisa ng Alliance of Advocates for Gender and Development noong Marso 30, 2026 sa Student Activity Center.
Sa pangunguna ni Joriz Carl Dalanon, Pangulo ng KANAFIL, kasama ang mga kapwa opisyales na sina Khay C. Honrado (Tagasuri), Vealy Rendon (Kalihim), at Angela Ordoรฑa (Pangalawang Kalihim), aktibong nakiisa ang organisasyon sa nasabing aktibidad.
Layunin ng pakikiisang ito na higit pang mapalawak ang kaalaman at perspektibo ng mga kasapi, lalo na sa paghubog ng mas inklusibo at epektibong liderato.
Tampok sa programa ang mga makabuluhang talakayan mula kina Dr. Jeanilyn L. Villanueva, na nagbigay-diin na ang pamumuno ay hindi nakabatay sa kasarian kundi sa kakayahan, at Atty. Abigail C. Baรฑares, na nagbigay-linaw sa ibaโt ibang katangian ng liderato sa ibaโt ibang konteksto.
Naging bahagi rin ng aktibidad ang mga gawaing tulad ng Quiz Bee, Gaya-Gaya: Babaeng Bida, at Fireside Chat, kasama ang mga kalahok mula sa ibaโt ibang kampus gaya ng Asingan at Bayambang.
Sa kabuuan, ang pakikiisang ito ay hindi lamang naging pagkakataon upang makilahok, kundi isang hakbang tungo sa paghubog ng mas mulat, inklusibo, at responsableng liderato sa hanay ng mga mag-aaral.
29/03/2026
FUNTASTIKA: Aral at Likha
Nagpatuloy ang sigla at husay sa ikalawa at huling araw ng EDUKโs Week 2026!
Sa ikalawang araw, nagbigay-inspirasyon si Dr. Edna E. Fregillana sa pamamagitan ng kanyang talakayan ukol sa "Preparing Future Teachers for Real-World Classroom Challenges", habang ibinahagi naman ni Dr. Ma. Kimberly Zarate Velasco ang mahahalagang kaalaman tungkol sa "21st Century Teaching Skills for Future Educators". Ang bawat sesyon ay punong-puno ng ideya, motibasyon, at praktikal na gabay na huhubog bilang handa at mahusay na g**o ng bukas.
Pagsapit ng hapon, napuno naman ng saya, pagkamalikhain, at kompetisyon ang kapaligiran! Mula sa pagdidisenyo ng kakaibang kasuotan sa Trashion Show Making, patalinuhan sa Quiz Bee, patalasan ng salita sa Scrabble, hanggang sa tawanan sa Pinoy Henyo, bawat aktibidad ay naghatid ng enerhiya, pagkakaisa, at hindi malilimutang alaala.
Sa ikatlong araw, nagtapos ang selebrasyon sa isang makabuluhang webinar na may temang โEnhancing Ecosystem Education in Vietnam Through Climate Box Initiative,โ na nagbigay ng mas malalim na kamalayan sa papel ng edukasyon sa pangangalaga ng kalikasan.
Mula ikalawa hanggang ikatlong araw, tunay na naipamalas ang diwa ng FUNTASTIKA: Galak, Talino, at Likha, isang pagdiriwang ng talino, likha, at pusong edukador.
27/03/2026
FUNTASTIKA: Pagpapakita ng Galing at Pagkakaisa
Sumabog ang kulay, sigla, at enerhiya sa unang araw ng EDUKโs Week 2026! Mula sa makulay na Parade hanggang sa matinding labanan sa Carnival King & Queen, Bench Yell, at Organization and Block Banner, ipinakita ng bawat organisasyon at programa ang kanilang kakaibang galing at pagkakaisa.
Hindi rin nagpahuli ang mga kalahok sa mga palaro tulad ng Amazing Race, Jump Your Luck, Laro ng Lahi, at Balloon Race, pati na rin sa online games na MLBB at COD, patunay na ang FUNTASTIKA ay hindi lang saya, kundi laban ng talino, diskarte, at puso!
Kapsyon ni: John Michael Fernandez
Layout ni: Joriz Carl Dalanon
19/03/2026
Nakiisa ang Kapisanan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (KANAFIL) sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng City Charter ng Lungsod ng Urdaneta sa pamamagitan ng pakikilahok sa "Istoryahan sa Parke" ngayong ika-19 ng Marso, 2026. Ginanap ang aktibidad sa Julio E. Parayno Sr. People's Park sa ganap na alas-4:00 ng hapon, na inorganisa ng Urdaneta City Library sa pakikipagtulungan ng Urdaneta City University at Pangasinan State University-Urdaneta.
Naghandog ang KANAFIL ng isang masining na pagkukuwento at pagsasadula ng maikling kwentong "Ang Prinsipeng Ayaw Maligo" na kinatampukan ng mga mag-aaral sa elementarya bilang pangunahing manonood. Sa pamamagitan ng malikhaing pagganap ng mga miyembro, matagumpay na naibahagi sa mga bata ang mahahalagang aral tungkol sa kalinisan at kalusugan habang ipinagdiriwang ang yaman ng wikang Filipino sa gitna ng selebrasyon ng lungsod.
Bilang bahagi ng adbokasya sa pagsuporta sa edukasyon, nagpamahagi rin ang KANAFIL ng mga school supplies para sa mga mag-aaral na dumalo. Ang munting handog na ito ay naglalayong magbigay ng karagdagang inspirasyon sa mga bata na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang may sigasig at kagalakan.
15/03/2026
Hiraya Manawari, Future LPTโs!
Sa bawat araw ng paghahanda, bawat gabing piniling magpatuloy sa kabila ng pagod, lahat ng ito ay bahagi ng isang pangarap. Isang pangarap na balang araw ay tumayo sa harap ng silid-aralan at magbigay-liwanag sa isipan ng susunod na henerasyon.
Sa araw na ito, patunayan ang inyong matagal nang pinaghandaan, gawin ang inyong 100% makakaya at higit sa lahat ipaubaya sa AMA ang mga susunod pa.
Pauna nang pagbati mga Future LPT's โ
- LET Marso 2026,
dala ninyo hindi lamang ang kaalaman,
kundi ang layuning maglingkod at maghubog ng kinabukasan.
Nawaโy magsilbing tanglaw ang inyong dedikasyon sa araw ng pagsusulit.
Para sa mga hinaharap na lisensiyadong g**o ng bayan hangad namin ang inyong tagumpay. ๐๐
-2025
11/03/2026
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐ง.๐ฃ. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ
โAng pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa kakayahan, kundi sa tapang na manindigan, maglingkod, at maging tinig ng nakararami.โ
Ipinagmamalaki naming ipakilala ang mga bagong halal na opisyales ng Kapisanan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (KANAFIL) para sa Taong Panuruan 2026โ2027. Sila ang mga mag-aaral na pinagkatiwalaan ng tungkulin upang manguna sa pagpapatuloy at pagpapaigting ng misyon, bisyon, at mga adhikain ng ating samahan.
Taos-pusong pagbati at pagpupugay sa inyong pagkakahalal. Nawaโy magsilbi kayong huwaran ng tapat, responsable, at makabuluhang pamumuno para sa kapakanan ng bawat kasapi.
Nawaโy maging matagumpay at makabuluhan ang inyong panunungkulan bilang mga lider ng KANAFIL. ๐ต๐ญโจ
Kapsyon ni: ๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ฒ๐ง ๐. ๐๐จ๐ญ๐จ๐ง
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Website
Address
Urdaneta
2428
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |