05/02/2026
𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐒𝐈𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐋𝐀𝐒𝐄 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 𝐀𝐓 𝐏𝐑𝐈𝐁𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋𝐀𝐍
Upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, ipinababatid na suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Munisipalidad ng Upi ngayong hapon, ika-5 ng Pebrero, hanggang bukas, ika-6 ng Pebrero, dahil sa Tropical Depression “Basyang” na maaaring magdulot ng malakas na ulan, hangin, at pagbaha.
Sa kabila nito, pinapayuhan ang mga paaralan na mag-adopt ng alternative learning strategy para sa mga mag-aaral.
Inaabisuhan ang lahat na mag-ingat at sumunod sa mga itinakdang alituntunin sa kaligtasan.