19/08/2026
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ฎ๐: ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ฆ๐๐๐ฝ๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐๐น๐ฎ๐๐ฒ
Hindi lamang ang mga nakatatanda at mga nagtatrabaho ang naaapektuhan ng pabago-bagong panahon at biglaang pagbuhos ng malakas na ulan. Kabilang din dito ang mga estudyante at ang LGU o Pamahalaang Lokal na siyang may kapangyarihang magsuspinde ng klase.
Pagdating sa pagsususpinde, nakakalito kung ano nga ba ang dapat sundin. Ang mga inilatag na guidelines ng Kagawaran ng Edukasyon? O kaya naman ay ibabatay sa aktwal na lagay ng panahon sa bayan?
Hindi maikakaila na may mga pagkakataong hindi akma ang guidelines sa tunay na sitwasyon ng panahon dito sa atin. Kaya hindi ito nagiging madali para sa lahat, lalo na kung minsan ay nakakagulat na may anunsyo ng pagsususpinde kahit na taliwas ito sa lagay ng panahon. May mga araw na maayos ang panahon sa umaga, pero biglang bubuhos ang malakas na ulan sa tanghali. May mga pagkakataon din na binabaha na ang ibang lugar, pero wala pang anunsyo mula sa kinauukulan.
Dahil sa ganitong sitwasyon, mahalaga ang mabilis na komunikasyon at tamang impormasyon mula sa LGU at mga paaralan. Kailangan din ng pag-unawa mula sa mga magulang, g**o, at mga estudyante dahil ang kaligtasan ng bawat isa ang pangunahing layunin natin.
Kayaโt sa panahon ngayon, maging alerto tayo at maging maunawain sa anumang magiging desisyon ng kinauukulan para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat.
Ngunit laging tatandaan: sa gitna ng ulan at kalituhan, ang kaligtasan ng lahat ang laging unang prayoridad.
Isinulat ni: Ryn Elijah Bongalos
Likha ni: AJ Legion