21/08/2026
๐ข PAALALA SA ATING ONLINE COMMUNITY
Ang aming tanong tungkol sa transparent bags ay naglalayong makinig sa opinyon ng komunidad, lalo naโt may mga paaralan na nagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan at seguridad ng lahat.
Iba-iba man ang pananaw, hinihikayat namin ang bawat isa na maging responsable sa pagpo-post at pagbibigay ng opinyon online. Ang mga salitang ating ibinabahagi ay maaaring magkaroon ng epekto sa ibang tao at sa buong komunidad.
May isang komentong aming nabigyang-pansin at agad na sinuri. Matapos ang wastong pagmo-moderate, tinanggal na ang nasabing komento upang makatulong sa pagpapanatili ng isang ligtas, positibo, at maayos na online space. Alinsunod sa Data Privacy, hindi na namin ibinabahagi ang pagkakakilanlan ng nasabing account.
Bilang tagapagturo, patuloy nating itinataguyod ang pagiging Good Digital Citizensโmarunong mag-isip bago mag-post, gumagalang sa kapwa, at responsable sa paggamit ng mga digital platform.
๐จโ๐ฉโ๐ง Sa ating mga magulang at tagapag-alaga, sama-sama po nating gabayan at bantayan ang ating mga anak sa kanilang paggamit ng social media at iba pang digital platforms.
Magkaroon man tayo ng magkakaibang opinyon, piliin nating maging responsable, magalang, at makatao.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa. ๐