17/08/2026
ACADEMIC EXCELLENCE AWARD 2026
Flores National High School
Pagkilala sa Kahusayan, Pagpupursigi, at Mabuting Pag-uugali!
Ipinapaalam sa lahat ng mga Batang Floresians ang mga pamantayan para sa Academic Excellence Award:
✅ General Average na 90 pataas
✅ Walang Final Grade na mas mababa sa 80 sa anumang learning area
✅ Walang anumang derogatory record o disciplinary case sa loob ng buong school year
Kailan igagawad?
Ang Academic Excellence Award ay igagawad sa pagtatapos ng School Year bilang pagkilala sa mga mag-aaral na nagsikap at nagpakita ng kahusayan sa kanilang pag-aaral.
Paano kinukuwenta ang grado?
Final Grade (FG) – average ng Term Grades sa bawat learning area, na niroround off sa pinakamalapit na whole number.
General Average (GA) – average ng lahat ng Final Grades sa mga learning area na kinuha sa buong school year.
Sa Flores National High School, hindi lamang mataas na grado ang ating pinahahalagahan—kundi ang pagiging mahusay, mabait, responsable, at disiplinadong Batang Floresian.
Batang Floresians… Mahusay-Mabait!
United in Purpose, Unstoppable in Progress!
Batay sa DepEd Order No. 015, s. 2026 – Revised Guidelines on Classroom Assessment, Grading System, and Awards and Recognition for the K to 12 Basic Education Program.