23/06/2026
Buong puso pong nagpapasalamat ang Magahis Elementary School sa TUY SOLAR POWER CORPORATION sa inyong kahanga-hangang kabutihang loob sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang 65-inch Skyworth TV at tatlong stand fans para sa aming paaralan.
Lubos din po naming kinikilala ang mahalagang papel ni Doc. Peter Cerrado Filler, Head of Tuy Municipal Civil Registrar, sa naging daan upang maisakatuparan ang napakagandang tulong na ito.
Ang inyong suporta ay malaking tulong sa paglikha ng mas maayos, komportable, at makabuluhang kapaligiran para sa pagkatuto ng aming mga mag-aaral. Ang inyong malasakit at pakikiisa sa larangan ng edukasyon ay lubos naming pinahahalagahan.
Maraming salamat po sa inyong kabutihan at patuloy na pagsuporta sa aming paaralan. Nawa’y pagpalain pa po kayo ng Poong Maykapal.
Maraming salamat po, TUY SOLAR POWER CORPORATION!