12/08/2026
๐ฏ๐จ๐ณ๐ฐ๐ต๐จ, ๐ฒ๐จ๐ฉ๐จ๐ป๐จ๐จ๐ต!
Magsisimula ang panawagang ito sa dalawang salitang โHalina, Kabataan!โโisang paanyaya sa bawat kabataan na tumugon at makiisa sa mga panawagan ng kasalukuyang panahon tungo sa magandang bukas para sa ating bayan. Gamitin natin ang ating husay, galing, at talino upang maging bahagi ng positibong pagbabago sa modernong mundo.
Tayong mga kabataan ay mulat at maalam sa larangan ng teknolohiya at politika. Bakit hindi natin gamitin ang ating kaalaman at kakayahan upang hikayatin ang bawat isa na makiisa para sa isang ligtas, payapa, at maayos na pamamahala sa ating bansa? Sa pamamagitan ng wastong paggamit ng social media, maaari nating labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Halimbawa, bago magbahagi ng isang balita o post, maaari muna nating suriin ang pinagmulan nito at ihambing ang impormasyon sa mapagkakatiwalaang sources. Sa ganitong paraan, hindi tayo nagiging bahagi ng pagkalat ng maling impormasyon, kundi nagiging responsableng tagapagbahagi ng impormasyon.
Maging sa mga usaping panlipunan at pampolitika, mahalaga ang ating tinig. Maaari tayong makilahok sa mga talakayan, magbahagi ng makabuluhang opinyon, at matutong makinig sa pananaw ng iba. Sa halip na gamitin ang sosyal media para sa pang-iinsulto o walang saysay na away, maaari natin itong gamitin upang magpalaganap ng tamang impormasyon, manghikayat ng makabuluhang diskusyon, at magbigay ng kamalayan tungkol sa mga isyung kinakaharap ng ating bansa.
Sa paggunita ng International Youth Day, nawa'y magsilbi itong paalala na hindi lamang tayo mga tagamasid sa mga nangyayari sa ating lipunan. May kakayahan tayong magsalita, makilahok, at kumilos para sa ikabubuti ng ating bayan. Maaaring maliit lamang ang ating mga hakbang, ngunit kapag pinagsama-sama, maaari itong maging malaking pagbabago.
๐๏ธ: Christine Collamar
,KABATAAN!
Youth Day