12/07/2026
Babala ng DOST: Sobrang Paggamit ng Gadgets sa mga Kabataan, Maaaring Magdulot ng Obesity at High Blood Pressure
Nagbabala ang Department of Science and Technology (DOST) na ang mga kabataang labis ang oras sa paggamit ng gadgets o screen bawat araw ay mas mataas ang panganib na magkaroon ng obesity at hypertension o altapresyon. Ayon sa ahensya, ang matagal na screen time ay kadalasang nauugnay sa kakulangan sa pisikal na aktibidad, hindi sapat na tulog, at hindi malusog na pagkainโmga salik na maaaring magpataas ng panganib sa iba't ibang sakit. Dahil dito, hinihikayat ng mga eksperto ang mga magulang at kabataan na balansehin ang oras sa paggamit ng gadgets sa regular na ehersisyo, sapat na pahinga, at masustansiyang pagkain.
Source:
GMA News
Department of Science and Technology (DOST)