31/08/2025
RANDOM PHOTOS: KULMINASYON PARA SA BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025
Sa pangunguna ng Filipino Club at ng mga g**o sa Filipino Department, ang mga mag-aaral ng Gregorio C. Catenza National High School ay nagkaisang magdiwang sa kulminasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025, noong Ika-28 nang Agosto. 🇵🇭
Makikita ang tunay na paggunita ng mga mag-aaral sa ating Katutubong Wika. Ang paaralan ay napuno ng naggagandahang mga binibini at nagkikisigang mga Ginoo.💃🕺
Tunay nga na ang Wika ay makasaysayan sa pagkakaisa ng ating bansa. Kaya't ito ay patuloy nating pagyamanin, pagyabungin at ipagmalaki sa madla! 📢