Regsay Secret Files

Regsay Secret Files You can freely share your stories, confessions and secrets anonymously.. Send your stories here:

ht

Hello Regscies! We've been hiatus for far too long, so here's something we've prepared for you guys, hoping that we coul...
26/07/2018

Hello Regscies!

We've been hiatus for far too long, so here's something we've prepared for you guys, hoping that we could make it up for the times that we weren't there to listen hehe

Do you have something in your mind, heart or soul that seeks for an answer? You can ask us anything!

26/07/2018

7/30/2017
10:09:26
IKAW, IKAW LANG, IKAW NA

"Huling intrams na ika'y makakasama
Huling intrams na ika'y mapapanood
Huling intrams na ika'y masusulyapan
Huling intrams na ika'y machecheer
Huling intrams na ika'y makikita

Ngunit
Yung mga kamay mong malakas tumira
Yung mga mata mong matalas tumingin
Yung mga takbo mong humahabol sa bola't shuttlecock
Yung mga pawis mong tumutulo pag napapago't naglalaro ka
Yung buhok mong hinahangin kada tumitira
Yung mga tawa mong malakas para sa sarili at kabatch mo
Yung seryoso mong mukha kapag naglalaro ka
Yung bilis mong nakakatindig balahibo
Yung mga atake mong napapatumba ang kalaban
Yung mga hiyaw ng tao para sayo
Yung mga puntos na naisasalba't naibibigay mo

Yung mga tingin mo sakin kapag napapatingin ka
Yung mga snob na mukha mo sakin pag naiinis ka
Yung paghinga mo papunta sakin kapag napapagod ka
Yung pagkabibo mo sa harap ko kapag nagrerest ka

Yung mga bagay na sayo ko lang nagawa
Yung mga oras na sayo ko lang nailaan
Yung mga tawa na sayo ko lang naipakita
Yung mga jokes ko na sayo lang havey
Yung mga asar mo na nakakainis
Yung mga kurot at kagat mo sakin kapag naiinis ka

Lahat ng mga bagay na sayo ko lang nakita
Lahat ng bagay na sayo ko lang naranasan

Hindi ko maikailang katulad mo ako maiinlove ng ganito
Hindi ko akalaing mapupunta sakin ang katulad mo
Hindi ko alam na ganito kalalim nararamdaman ko para sayo

Gustong gustong gusto kita
Mula sa ngiting pinapakita mo't inaakit ako
Hindi ko inaasahang aabot sa puntong may IKAW AT AKO
Sa mundo ng HINDI PWEDE MAGING TAYO

Opo magkaparehas tayo ng kasarian
Ngunit kailanman hindi ito naging hadlang sa ating pagmamahalan
May isa o ilan mang sumisira sa relasyon natin
Wala silang magagawa dahil hindi natin to hinahayaan

Sa walong buwan na halos ikaw ang nakakasama
Sa walong buwan na ikaw laman ng puso't isipan
Sa walong buwan na nasanay akong kasama ka
Sa walong buwan na araw araw hanap hanap ka
Sa walong buwan na kahit magkadikit tayo namimiss kita
Sa walong buwan na pagmamahal na pinaparamdam mo sakin
Sa walong buwan na sayo umikot ang mundo

Asahan mong ako'y maghihintay sayo san ka man naroroon
Maghiwalay man tayo sa susunod na araw
Sayo lang ang puso ko, Sayo lang ako
Di magloloko't magiging tapat sayo

Hinihiling bawat oras kapiling ka
Hinihiling bawat araw makasama ka
Hinihiling bawat gabi katabi ka
Hinihiling bawat umaga ikaw unang nakikita

Sampong taon pa bago matupad ang mga pinapangrap
Mahihintay ko yan basta kapit ka lang
Wag mo sana akong iwan hangga't may ipaglalaban
Wag ka sanang magsawa sa paulit ulit mong nakikitang mukha sa iyong harapan

Ikaw ang mahal
Ikaw lang ang minamahal
Ikaw na ang huling mahahalin"

Salubong Kilay
19
Grade 12

29/07/2017

3/31/2017
1:36:15

PAALAM

Gusto ko lang sanang i-alay itong tulang ito para kay Remse Khen P. Marayag bago ka pumuntang PMA. Naiiyak ako habang ginagawa to dahil hindi ko alam kung kelan ulit tayo magkikita. alam kong naduwag ako pero sana mabasa mo to.

Paalam, yan ang gusto kong sabihin sayo
Ngunit may ibang gustong sabihin ang damdamin ko
Ikaw ay mahal ko
Noong tayo'y first year pa lamang, napukaw mo na agad ang damdamin ko
Ako'y sumulyap sulyap lamang sayo, Umaasang mahalin mo
Ngunit kuntento na akong nagnanakaw ng tingin sayo, dahil kahit dun lang sumasaya na ako
At ngayo'y lilisan ka na, sana pati yung nararamdaman ko sayo ay wala
Ngunit hayaan mo ako akong sabihin muna sayo ito
Tres Mahal na mahal kita, matagal na.

P.S tandaan mo paglabas mo jan sa PMA, may nagaantay at magmamahal pa din sayo kahit di mo ako kilala.

11095678089900
18
Alumna

19/03/2017

2/28/2017 15:52:27

BIGLAAN

"Ako'y nabigla nung una mo akong kinausap
At biglang napangiti dahil sa mga pabigla bigla mong pagsabi ng mabubulaklak mong mga salita
Ako'y iyong napaamo na tila sunodsunuran sayong mga gusto
Na tila'y nagmumukhang tanga na dahil naniwala sa mga salita mong akala ko'y totoo.
Oo! ako'y naniwala sayo
Naniwala sa lahat ng sinabi mo
Naniwala na mamahalin mo din ako
Naniwala na ipaglalaban mo ko
Ang tanga ko lang dahil naniwala ako sayo at hindi sa sarili ko!
Pero sana tandaan mo to
Na kahit niloko mo lang ako, hindi ko pinagsisihan na naniwala sayo kahit na iniwan mo lang ako ng BIGLAAN."

Nooseya
19
Grade 11

Hi guys!!! I am Kaye Maguddayao, i was the campaign manager of progressive party for two years (2013-2014 / 2014-2015) a...
01/03/2017

Hi guys!!! I am Kaye Maguddayao, i was the campaign manager of progressive party for two years (2013-2014 / 2014-2015) and I am asking you to vote Bryan Rumusud for President, i've known him since he was a freshman in RS and i saw how he strived to come out from his shell, how he worked hard to be in the honor roll and how he gave his full service to the kids of Iguig.

Itataya ko ang pangalan ko, because i know that he is capable of doing the right things and doing the things right.

Ps.
This is unsolicited campaign. So, yup! Vote Bryan for President!!! đź’™

Pangalawang bagyo na ng ating mahal na paaralan, sana ay kayanin niyo ang adjustments pag balik ng school.Stay safe and ...
20/10/2016

Pangalawang bagyo na ng ating mahal na paaralan, sana ay kayanin niyo ang adjustments pag balik ng school.

Stay safe and dry regsays!!!

Photo Credits: Winchel Gil Ruiz Galicinao

18/09/2016

Landi ng karunungan

Hinangad mong maging tayo
Pero mapili ako.
Libo-libo kayong naghangad na ako'y mapasainyo
Ngunit daang bilang lng ang nagtagumpay na mapasagot ako ng oo.

Unang taon ng akoy pinasukan nila
ngunit bakit tila nahihirapan sila??
lumipas ang ilang araw marami nang nasanay
at lumipas pa ang mga buwan ako ang kanilang naging kaagapay.

taon taong akong pinapasukan pero bakit sila ung nanganganak
sampung buwan ang lilipas bago mamunga ang pagmamahalan
meron din namang iba na di nakaabot ang kakayahan
pili lng kasi ang pwedeng mabiyayaan

lumipas ang panahon,nagbago ang sistema
pang-apat na taon na namin, bat nawawalan na ng gana
may dalawang taon pang pwede naming pagsaluhan
wag sana silang lumipat sa ibang paaralan

Ako ito... si RSHS NG REHIYONG DALAWA
nagsusumamo sa inyo na magtiwala naman sana
kaya ko namang ibigay dunong na nais nyo
katulong ang mga g**o, huhubugin namin kayo.

para to sa mga estudyanteng nais lumipat ng paaralan na pareho lng din naman sa RSHS ang pupuntahang academic track. MATATALINO NAMAN KAYO, KAYO NA BAHALA UMINTINDI SA TULANG GINAWA KO.

SALAMAT... TIWALA LNG SANA KAHIT PAPANO

Kilala ako ng talang kilala ako
20
Grade 10

18/09/2016

Open Letter to the Girl who Changed

Hi Ms. A, the first time I met you, i was stunned by your beauty and admired you even more when I found out you were one of the brightest students of our batch. Everyone admired you for your looks and your wit. But years passed, you were starting to change, but unfortunately not for the better. Ever since you met the BI's in your life a.k.a your fake friends who brainwashed you and made you think you're one of them, which you are clearly not. YOU have wit and beauty. THEY are these so called "social-climbers" who just want you to be one of them so they can be more popular. You know you are more than that Ms. A. Please just go back to the way it was. You are not the person I knew 3 years from now. I terribly miss you.

The Aspirer
20
Grade 10

28/06/2016

Ulan

Shoutout nga pala kay rain sobrang happy ko kasi nakuha mo yung letter na nilagay ko dun sa bag mo noon. yun lang hahah, makikilala mo din ako at sana makaclose kita kaso...

Kurama
24
Grade 12

Tag na this! Have a wonderful schoolyear guys!
15/06/2016

Tag na this! Have a wonderful schoolyear guys!

First week of classes in many parts of the Philippines. We enumerate the different types of classmates. Which one are you?

Illustrations by Nico T Villarete.

14/06/2016

Make RSHS Great Again!

I really wanna go back to RSHS and see the school again. Im not sure though if I miss the campus or curious lang if it's still the same school that i used to love (and sometimes hate).
We made a lot of memories sa school, from the first year kung saan under construction pa yung building ng mga grade 8 ngayon and in-ruins pa yung second floor ng main building; until our last year when we realized na kami na pala ang mga ates/kuyas ng paaralan so we needed to be leaders.

Sa RS you'll meet different kinds of people kase, from the north, south, cagayan - iba't iba ang ugali: may mga iyakin, sobrang talino, backstabbers, caregivers, tsismosa, socialclimbers, singers, attention wh**es, naturally evil, sobrang sipag, happy-go-lucky, sobrang bait, bait-baitan, h*rny, tech geek etc. kaya pag pinagsamasama mo ay ONE HECK OF AN ADVENTURE TALAGA!

Pero remember guys na what we all have in common here is that we all just wanted to graduate and receive a diploma from this Great school. It's so easy kase to take your Regsay Education for granted once nakapasok ka na, but please don't. Uphold the school's reputation guys, tama na ang backstabbing, kopyahan, katamaran, more backstabbing and landian. Remind yourselves why you wanted to attend here in the first place.

Goodluck guys, we your ates and kuyas will be watching you! FIGHTING!!!

P.S Sa mga Alumni, comment your most memorable and worthiest experience sa RS

Enrique
17
Alumnus

13/06/2016

MGA ATE AT KUYA

"Hi, may mga naririnig akong kwento tungkol sa mga upper batch na nakikipag-away sa mga freshie; ngayon naman, may naririnig akong mga kwento tungkol sa mga ""ate"" na nagbabanta tulad ng ""sige ka pag dating mo sa rs,"" or ""baka di ako makapag timpi pag nagkita tayo sa rs,"" sa mga incoming freshmen.

Ito ba talaga gusto niyong maging image natin sa mga ading? Naiintindihan ko na maaring may mali yung mga ading natin pero hindi ba dapat bilang nakakatanda marunong dapat tayo magpasensya at magsettle ng away ng hindi parang kasing edad lang natin sila. TANDAAN NIYO, NAKAKATANDA KAYO.

Oo nga pala, naalala ko noon, noong freshie pa kayo tapos higher year kami, nagkocomplain din kami sa mga ugali niyo pero sinasabi lang samin palagi ""Taon-taon ganyan reklamo ng mga higher year, dapat maging mapasensya kayo at dapat maging mabuting example kayo hindi yung ginagawa niyo kung anong ginagawa nila.""

Implemented na ang k to 12, kung hindi kayo magtatransfer, mas matagal kayong magkakasama-sama. Be nice to each other. Regsay tayo, family tayo. "

scarlet witch
eighteen
Alumna

Address

Camp Samal, Arcon
Tumauini
3325

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Regsay Secret Files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Regsay Secret Files:

Shortcuts

Share

Category