09/08/2026
For your information
Dahil sa power interruption at inaasahang pagbigat ng trapiko malapit sa festival sites at grand concert venue, SUSPENDIDO muna ang onsite at online classes bukas, August 10, 2026 (Monday), sa lahat ng antas dito sa lungsod ng Tuguegarao. Sakop ng kautusang ito ang mga pampubliko at pribadong paaralan, kabilang na ang graduate schools. Maaari namang magpatupad ng alternative delivery mode ang mga paaralan tulad ng asynchronous o modular learning.
Gayunpaman, maaaring magsagawa ang mga kolehiyo at unibersidad ng onsite activities hanggang 12nn.