11/09/2021
Attention: Incoming pupils of Pallagao Elementary School
Christian greetings!
Ipinapaalam po namin sa lahat lalong-lalo na sa mga magulang na ang pagpapaenrol para sa Taong 2021-2022 ay magsisimula na ngayong araw, Agosto 16, 2021 at magpapatuloy po ito hanggang sa simula ng klase sa Setyembre 13, 2021.
Pinaalalahanan ang lahat na isasaalang-alang po natin ang health and safety measures na kinakailangan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Mga Alternatibong Pamamaraan na Dapat Tandaan sa Pag-enrol.
1. Remote Enrolment- Tatawagan po kayo ng dating adviser ng anak ninyo at may mga katanungan na sasagutin ninyo batay sa mga nakasaad sa Modified Learner Enrollment Survey Form(MLESF).
2. Maaari ring dumalo o pumunta ang mga magulang o guardians sa ating school at humingi ng MLESF form. Upang maiwasan ang pagkumpol kumpol sa paaralan , bigyan namin kayo ng iskedyul sa pamamagitan ng pagtawag sa inyo.
3. Kapag nasagutan at napirmahan na po ninyo ang Modified Learners Enrollment Survey Form ibalik ninyo ito sa paaralan.
4. Kapag pumunta kayo sa paaralan, mangyaring magsuot ng face mask at face shield at kung maaari, magbaon kayo ng alkohol.
5. Bawal po ang magdala ng bata sa paaralan o dili kaya mga bata na kukuha ng MLESF.
Sa lahat po ng babasa nito, mangyari pong tulungan ninyo po kami na ipabatid-alam sa lahat ng kinauukulan.
Maraming salamat! Godbless and Keep safe always 🙏
-2022