21/04/2026
CNES family is so proud of you, anak Alexius Jionne Q. Ramos! Keep it up! May others follow you!
PAGPUPUGAY || Ipinagmamalaki ng aming barangay ang batang newly graduate ng Caritan Norte Elementary School na si Alexius Jionne Ramos na mula sa Zone 06, Caritan Norte, anak ni Ginoong Bon Ramos at Ginang Dianne Nora Quilente.
Si Alexius ay nagbalik ng pitaka kay Yvanne Rhod Orpilla na naglalaman ng kulang apat na libo at IDs. Napulot niya ang nasabing pitaka sa may kanto ng Deltra Street, habang naglalakad kasama ang lolo galing sa pamimili sa talipapa.
Bago rito, nitong nakaraang linggo ayon din sa kanyang lolo na si Janhezel Quilente, nakapulot at nagbalik rin ng pitaka si Alexius na naglalaman ng P100,000 na pagmamay-ari ng isang foreigner sa Sta. Ana noong sila ay nagbabakasyon doon.
Ang buong komunidad ng Caritan Norte ay ipinagmamalaki ka, Alexius! Isa kang magandang ehemplo na karapat-dapat tularan.