GNHS Creative Writing Outputs

GNHS Creative Writing Outputs

Share

This page aims to share creative writing outputs of GNHS learners to involve and influence others.

21/09/2023

Story Title: WHEN TWO WORLDS COLLIDE
Genre: ROMANCE
Written by: Marife Casballedo and Stephanie Ugaddan

CHAPTER 1
Sa probinsiya ng Maria Aurora, may mag-asawang nakatira na sina Charlotte Bautista at Benjamin Villanueva. Masaya silang namumuhay at mahal na mahal nila ang isat isa. Isang araw, nabanggit ni Charlotte sa kanyang asawa na gusto na niyang magkaroon ng anak at ganun din ang kanyang asawa. Lumipas and ilang buwan, nagtataka si Charlotte sapagkat hindi pa siya nireregla. Kinabukasan, habang nagbo-bonding silang mag-asawa, bigla na lang nagsuka at nahilo si Charlotte. Ngunit tuwang tuwa naman ang kanyang asawa dahil alam niyang magkakaroon na sila ng anak.

"Mahal, buntis ka siguro. Sa wakas magkakaroon na rin tayo ng anak!"

Nagulat naman ang babae dahil hindi siya makapaniwala na matutupad na ang kanyang hiling na magkaroon ng anak.

MAKALIPAS ANG ILANG NA BUWAN…

Malapit nang manganak si Charlotte. Tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil malapit na nilang makita ang kanilang anak.
“Ano ang nais mong ipangalan natin sa ating magiging anak? Masayng tanong ni Benjamin.

"Catherine ang nais kong maging pangalan ng ating anak, mahal,” sagot ng kanyang asawa.
Maganda nga yang pangalan, mahal. Bagay na bagay sa ating anak.”

“Mahal, sa wakas nadinig din tayo ng panginoon na mabiyayaan ng anak.”

“Kaya nga mahal! Aalagaan natin siya ng mabuti at palalakihin na may takot sa Diyos at may respeto sa kapwa.

Dumating na nga ang araw ng pagsilang ni Catherine. Bakas ang saya sa mukha ng mag-asawa nang makita at mahawakan na nila ito. Sa araw na iyon ay ipinangako na ng mag-asawa na aalagaan nila ito ng mabuti at palalakihin ng may respeto sa lahat.

CHAPTER 2
Lumipas ang ilang taon, si Catherine ay apat na taong gulang na at balak ng mga magulang niya na siya ay ipasok na sa kindergarten dahil marunong na siyang magbasa at magsulat.

(FAST FORWARD)
July 10 2019, sa araw ng pagtatapos sa kindergarten ni Cath, mayroong siyang nakuhang medalya. Tuwang-tuwa ang kanyang mga magulang!

Nang nakapagtapos na si Catherine sa kindergarten ay inenroll ulit siya ng nanay niya sa unang baitang sa paaralan ng Maria Aurora Central School (MACS).

Araw ng lunes, maagang ginising ni Charlotte ang kanyang anak para makapaghanda para sa unang araw ng pasukan. Masayang pumasok si Cath sa unang araw. Sabik na niyang makita at maka-usap ang kanyang kaibigan at mga dating kaklase. Hindi niya akalaing lalaki pala ang kanyang katabi. Nasanay siyang kaibigan niya ang lagi niyang katabi. Siya pala si Liam, bao niyang kaklase. Habang nag-papakilala si Liam, si Cath ay napatitig sa kanya. Ang gwapo at maamo ang kanyang mukha.

ITUTULOY......

21/09/2023

Story Title: AKO’Y LUPA
Genre: ROMANCE
Written by: DERIC BERAN

Ako nga pala si Kyle. Dito na ako ipinanganak at lumaki sa probinsya ng Cagayan. Napaka-simple lang ng buhay, malayo sa gulo. Masaya ang buhay dito dahil hindi rin ganun karami ang mga tao rito. Sa aming barangay ay walang isang daan ang mga bahay na nakatayo. May mga kapitbahay din kami ngunit di tulad ng Maynila na halos dikit-dikit at daanan na lamang ng tao ang pagitan ng kani-kanilang mga bahay. Dito sa amin ay likod pa lamang ng aming bahay, napakalawak na bukirin na kaagad ang bubungad sayo tuwing gigising ka ng umaga.

Ako ay anak lamang ng isang magsasaka kaya di na ako bago sa hirap. Sanay na sanay na. Kung ikumpara ko nga ang sarili ko ay para na din akong isang kalabaw. Bunso pala ako sa aming magkakapatid. Nag-iisa lang kasi akong lalake sa aming magkakapatid kaya kailangang magpursigi ako. Nagbabalak na rin akong huminto sa pag-aaral upang makatulong kina inay at itay. Tutal, nahihirapan na lang din naman ako sa pag-aaral ko at lalo na sa mga gastusin sa bahay. Hahayaan ko nang sila ate ang tumupad sa mga ambisyon ko sa buhay.

Hindi madali ang maging anak ng magsasaka. Iskwela sa umaga, araro sa hapon. Minsan inaabot na ako ng hating-gabi sa palayan dahil nga tinutulungan ko ang aking ama sa pagtatanim ng palay. Hindi rin kami nalalayo sa mga ibang tiga-Maynila na isang kayod, isang tuka. Minsan ay mas mayaman pa ang daga kaysa sa amin. Mabuti na lamang ay nariyan ang tindahan ni Aling Mila na aming pinagkukunan tuwing nauubusan kami ng perang pambili ng makakain. Kahit na minsan ay nakaririnig ako ng di magagandang salita galing sa kanya tulad ng "Ano ba yan Kyle? Utang na Naman ba? Mahiya aaman kayo!" Pero sa halip na sumama ang loob ko ay nilulunok ko na lang ang mga salitang iyon dahil kung susumbatan ko si Aling Mila ay paniguradong kakalam ang sikmura ng buong pamilya ko.

Nasanay na sila aling Mila sa ganung estilong meron ang pamilya ko, na sa tuwing makikita niya akong pupunta sa tindahan ay alam niyang uutang na aaman Ako. Tanghaling tapat ng utusan ako ng tatay ko na pumunta sa tindahan ni aling Mila upang mangutang ng makakain. Dali-dali naman akong sumunod dahil nga gutom na din si tatay dahil katatapos niya lang mag-araro sa palayan.

“Aling Milaaaa?? Aling Milaaaa?? May tao po ba dito?

Bumukas ang pinto ng tindahan, ngunit hindi makunat ang balat ng babaeng lumabas sa pintuan kundi isang parang anghel sa puti at papel sa kinis.

“Ano po iyon?”

Boses anghel kung ituturing ang boses ng babaeng magbebenta sa akin, este magpapautang.

“Si aling Mila nandiyan ba?” sumbat ko sabay ngiti sa kanya.

“Ay si lola? Wala siya kuya eh. Pumunta sa kabilang bayan namili ng mga paninda niya.”

“Ay ganun ba? Oh sige. Ay siya nga pala, wag mo na akong tawaging kuya. Ako pala si Kyle. Ikaw?” dumadamoves kong tanong.

“Ako si Hannah, apo ako ni Lola Mila. Nagbakasyon lang kami dito sa probinsya. Sariwa kasi ang hangin ditto, ‘di tulad ng hangin sa Maynila, amoy polusyon,” tugon niya sakin.

Nakupo! Apo pala ng matandang laging galit sakin ang babaeng ito. Di bale na.

“Ah ganun ba? Sige pautang muna sana ako ng dalawang delatang sardinas. Yung Isa maanghang ha? Pasabi na lang kay Lola, este Aling Mila,” sumbat ko.

“Sige kuya, este Kyle,” sabay ngiti niya sa akin.
Inabot na niya sa akin ang mga sardinas na inutang ko. Kahit na pagod ako at nadagdagan ang utang sa tindahan ay nakangiti parin akong naglakad pabalik sa bukirin.

“Ang tagal mo naman yatang sinermonan ni aling Mila?” salubong ng tatay ko.
“Oh bakit nakangiti ka?” tanong pa niya.
“Tay, kasi hindi si Aling Mila ang nagpa-utang sa akin e, apo niya galing Maynila. Nag-bakasyon sila ditto. Sobrang ganda niya, tay!” sabi ko sa tatay ko habang nakangiti akong magkwento.

“Oh e ano naman ngayon? Bakit natipuhan mo ba? Aba! Nagbibinata na itong bata ko,” naka-ngiting sagot sa akin ng tatay ko.

“Halikana, saluhan mo na ako dito sa pagkain,” dagdag niya.
Natapos na kaming kumain ng tatay ko at nagpapahinga na sa kubong silungan namin tuwing tanghaling-tapat. Napaka-presko ng hangin dito dahil nga nasa gitna kami ng bukid at ang kubong pinagpapahingahan namin ay nasilungan ng malaking puno ng akasya kung kaya'y ganun na lamang ka presko ditto.
Bumangon ako at naka-ngiti parin dahil hindi ko makalimutan ang muka ni Hannah. Tila ba’y tumatak na sa kokote ko ang itsura niyang parang anghel sa sobrang puti at sa ganda ng kanyang mga ngiti. Ngunit napawi na lamangang aing ngiti nang bigla lang sumagi sa isip ko na ako pala’y anak ng isang magsasaka lamang, mahirap ang buhay sa pang araw-araw. Langit siya, lupa ako, at malabong magkasalubong ang damdamin naming dalawa.

ITUTULOY…

21/09/2023

Story title: A TAIL OF ART AND WORDS
Genre: ROMANCE
Written by: BERNADETTE BOSI and MARK JOHN PAGULAYAN

PROLOGUE
Si Callista Veridian ay isang dalagang may mata na kulay ng kalangitan at buhok na kasing haba ng gabi. She was an independent woman who had a passion for art. Ngunit sa kabila ng kanyang kasarinlan, may isang bahagi ng puso niya na nag-aasam ng pag-ibig.

One sunny afternoon, habang siya ay naglalakad sa malapit na park, she noticed a guy seated on a bench. His name was Lucius, a young man with eyes that sparkled like stars. He was writing something and Callista couldn't help but be drawn to him. After so many months of always admiring him from afar, she mustered up the courage to approach Lucius and said, "Hi, can I sit here?"
Lucius looked up from his things, and his eyes met Cally's.

"Of course," he replied with a friendly smile. As they sat together on the bench, they started talking. Although she often sees Lucius in the park, she didn’t have an idea that Lucius is a writer. Calli learned that Lucius was a writer who found solace in the park for inspiration. Lucius, on the other hand, discovered that Callista was an artist who often painted scenes from this very park.
Time seemed to fly as they shared stories about their lives, dreams, and aspirations. Callista found herself captivated not only by words but also by his genuine kindness. As the sun dipped below the horizon, Lucius invited Callista for a cup of coffee at a nearby café. It felt like a natural progression of their conversation, and Calli gladly accepted. Over coffee, they continued to talk, and it became evident that they had a deep connection. Calli couldn't help but think that perhaps fate had a hand in their unexpected meeting. As the evening grew darker, Lucius walked Callista back to her car. It was a quiet moment filled with unspoken emotions. Before parting ways, Lucius asked for Calli's number, and she willingly gave it to him.

"Can I see you again?" Lucius asked with a hopeful smile.
Callista nodded, her heart beating a little faster.

"I'd like that."
And so, their story began with an unexpected meeting in the park.

CHAPTER 1
"Nasaan na ba kasi yung brush kong 'yon? Saan ka na naman ba nagsususuot!" Inis na saad ni Callista habang kinakalkal ang art kit nito.

Umabot ang limang minutong paghahanap ay paiyak itong nagdabog paalis sa liwasan buhat-buhat ang mga gamit niya sa pagpinta. Pinara niya ang parating na tricycle na huminto naman agad sa tapat niya. Mabilis siyang pumasok at mangiyak-iyak na ibinagsak ang sarili sa upuan.

"Sa dinami-daming pwedeng mawala, yung pinaka-importante pa!" Singhal nito na ikinagulat ng drayber.

"Jusko Panginoon ko, uuwian ko pa ng pandesal ang asawa ko." Bulong ng drayber ngunit narinig pa rin ito ni Callista.

Humihikbi siyang sumandal sa gilid ng traysikel at napabuntong-hininga habang punong-puno ng kaguluhan ang isip niya. Nagbayad siya at mabilis na pumasok sa tahimik at maalikabok niyang tahanan.

"Nasaan na ba kasi 'yon? Gusto ko ng matapos 'tong—"

Hindi na natuloy ni Callista ang sasabihin nang hawakan niya ang sarili niyang buhok. Napakagat-labi ang dalaga nang makapa ang kung ano'y nakatusok sa buhok niya upang maging gamit sa pagpuyod ng kanyang buhok. Natatawa niyang tinanggal ang brush at umupo.

"Kala ko nawawala ka." aniya pagkatapos ay bumungisngis ito.

Naisipan nitong tapusin ang pinipinta. Patapos na siya nang may biglang tumawag sa kanyang telepono. Sinagot niya ito nang hindi tinitignan ang caller.

"Calli....”

The ecstatic sound was pounding her ears and she started to tremble. Her hands were trembling that lead her to drop her paint brush. Napatayo ang dalaga ngunit nawala ito sa balanse na naging dahilan upang bumagsak ang katawan niya hindi sa sahig ngunit sa isang matigas na braso ng kung sino. Her eyes was half-opened and she started feeling dizzy. She couldn't see whose arms she fell off but it was familiar with her sight.

"Calli..." A familiar voice filled her ears until she lost her consciousness.

CHAPTER 2
Callista was preparing their breakfast when an arms with tough biceps wrapped around her waist then kissed her temple. She giggles and her cheeks were reddened in a second.

"You're tickling me!" Callista said while chuckling.

She turned her back to what she's doing and faced the person who kissed her. Her smile fell off and it was replaced by confusion. Nawala rin ang ngiti sa labi ng taong hinarap ni Callista. He stepped closer to her and whispered on her right ear.

"I am Lucius, your boyfriend. One and only," then he kissed her forehead and hugged her.

Callista was absorbing what Lucius said until her hand unconsciously started to wrap it around his body to hug him back as well. After they ate their breakfast, they decided to go to the park to get some fresh air.

"Lucius!" Callista shouted, finding her boyfriend.
Heavy footsteps were slowly heard by Callista coming her way.

"Yes, my love?" A baritone voice covered her ears that made her heart pound faster.

Wala pang sampung segundo nang dumating ang binata. Callista saw her boyfriend's soft smile towards her. She feels safe and at peace when he's around. He was her comfort zone. Pumitik ang binata sa hangin upang hingin ang atensyon ni Callista.

"Callista, back on earth!" Lucius said.

Callista was back on reality and smiled on him.

"Have you seen my paintbrush ba? Something that looks like vintage." Napataas ang dalawang kilay ng binata at napangiti.

"Yes—

"Where? Can I have it now?" Callista said that cut him.

Lucius chuckled while something is circling on his head.

"Hmm, before I give it to you, can I have a reward first?" He playfully said.

"Sure! Just give it back to me po." Calli smiled with soft look in her eyes.

"Give me a peck of kiss— “

Callista kissed his lips as if there's no tomorrow and quickly get off.

"Give me back my paintbrush," Lucius pulled something from her hair.

Nagtataka ang dalaga dahil sa ginawa ng binata hanggang sa nakita kung ano ang hawak nito. Napatitig ang magkasintahan sa bagay na iyon at natawa nang malakas nang mapagtanto kung ano iyon.

"You're really adorable, mi amore." Lucius said then handed her the paintbrush that he pulled from her hair.

Nakalugay na ang buhok ng dalaga na bumubungisngis na naging dahilan upang matitigan ito ng lalaki. Her natural red lips filled with happiness, her reddened cheeks covered with joy, at ang bagsak nitong mahabang buhok na makikintab at malambot kung hawakan. She looks like an angel with its natural beauty. She really deserves Lucius as his protector and lover. Nagpunta nga ang magkasintahan sa liwasan, lulan ng sasakyan ni Lucius. He held her hand until they were in the park.

Callista started to prepare her things to paint while Lucius prepared his things to write. They started to do their activities with fresh air around them. Dancing trees with the wind, birds chirping in the sky and people around them with their own worlds.

CHAPTER 3
Lucius was staring at a gorgeous woman beside him. His mind was full of her, picturing himself with her. Napangiti siya ng pumasok sa kanyang isipan ang ideya na mayroon silang maliit na bulilit na aalagaan. But then the thought that his girl would suffer excruciating pain in order to deliver their baby, that made his eyebrows meet. Natawa ang binata sa sarili, nahihibang na talaga siya. He's really crazy over her. Bumalik sa wisyo si Lucius nang tumayo ang dalaga at nagsabi sa lalaki.

"Naiihi ako, I'll go to the comfort room in a couple of minutes. Wait for me okay? Hold this paintbrush for me," Cally said then quickly took her steps towards the comfort room.

CHAPTER 4
When they got home Lucius started to put their things upstairs. Pinaupo niya muna ang dalaga sa k**a at nginitian ito. Tahimik lamang ang dalaga at walang imik na nag-obserba sa galaw ni Lucius. Tila ba ginigiling ng utak niya ang mga nakikita ngayon. Then Lucius got the medicine kit wherein it made Callista frown. Tahimik pa rin ang dalaga hanggang sa buksan ni Lucius ang isang gamot at i-abot ito sa kanya kasama ang isang basong may lamang tubig. Nagtaka ang dalaga ngunit nginitian lamang ito ng lalaki.

"Take this Callista, you are suffering from memory loss. We didn't meet earlier, we've been together for 8 years now."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Callista nang marinig ang sinabi ng lalaking kaharap niya ngayon. Hindi mawari ng dalaga kung nagbibiro ba o may katotohanan ang sinabi nito sa kadahilanang nakangiti pa rin ang lalaki sakanya ngunit kung may anong nararamdaman ang dalaga sakanyang puso na mayroon ngang katotohanan sa sinabit nito.

"Memory loss... then from what?" Callista asked.

"You and your both parents were traveling that day." Ani Lucius habang hawak na ang dalawang k**ay ngayon ni Callista.

"All of you were inside the airplane nang mangyari ang trahedya. Maayos ang pag-launch ng eroplano ngunit habang nasa byahe ay nagkaroon ng problema."

Nakatitig sa kawalan si Calli at tila ba iniintindi nito ang bawat salitang namumutawi sa bibig ng lalaki.

"Maniwala ka man sa hindi, ikaw ang nag-iisang tao na nakasurvive sa aksidenteng iyon."

Ang namumuong luha sakanyang mata ay bumagsak nang tuluyan at para bagang dinaanan ng 16 wheeler truck ang puso ng dalaga sa narinig.

"Parang himala ang lahat dahil wala kang major injury na natamo nang araw na iyon. Sa pagdaan ng araw, nagdalamhati ka nang mag-isa. Kita sa mga mata mo ang puyat at iyak na dinanas mo. Day by day dinamdam mo ang nangyari na naging dahilan upang magkaroon ka ng depresyon. In that case, depression caused you to have memory loss."

Patuloy ang pag-agos ng luha ng dalaga sa sariling pisngi nito. Panay rin ang pagpunas ng lalaki gamit ang sariling k**ay sa luha ni Calli.

"Then the day came when I had the urge to come to your life. I prepared myself for everything, for all of the consequences. I introduced myself to you at the park. Where I always see you everyday. You used to get some fresh air there, at doon tayo nagkakilala. Halos everytime na pupunta ka sa comfort room, I already know what will happen next. And it really does happen, my love."

Mas lalong bumuhos ang luha ng dalaga at nagsimula na itong humikbi. Ngayon lamang nagkaroon ng lakas ng loob si Lucius na ibunyag ito sa kasintahan.

"You always asked to sit beside me there and I also asked for your number. That's how our first meet up goes and we used to do it now. I would gladly consider your condition in order for us to cope up with and have improvement for the better. According to your doctor, you're really improving. Noon hindi mo naalalang may vintage paintbrush ka, but now you're always seeking for it."

May tila ba pumiga sa puso ni Lucius nang niyakap niya na nang tuluyan ang kasintahan. She really deserves the world, and he will give and risk everything for her.

"Its fine, vent it out. I feel sorry, I didn't have the courage to tell it to you earlier. I love you, love. Everything will be fine, take your time to heal from everything." Lucius said.

CHAPTER 5
After 2 years...
"You did a great job, Callista. This journey really improved something in you. You're such a strong woman. Now, you don't need anti-depressant for your medication. All you need to do is believe and be good to yourself. Congratulations, Ms. Callista," her doctor said.

It was really a journey with many memories to keep. Now she's totally healed from the past. Now, she will only think what's good in the present and in the future with her boyfriend.

"Lucius, alagaan mo pa rin ha. Baka naman pagkatapos ng session na ito ay pabayaan mo na 'yan. Malalagot ka sa akin," biro ng doctor nito.

Natawa naman ang tatlo pagkatapos ay nagpaalam na sa isa't isa. Callista and Lucius are now in the park. The place that witnessed their journey and trials. Callista started to paint some of their new little events in life while Lucius started to continue writing down their story. That is how they want to remember things in the near future. The sunset is now occuring on horizon and has this color purple sky. It made callista paint it on her canva with her pretty vintage paintbrush. While on the other hand, Lucius is nervous on what he was about to do.

"Love..." Pagtawag ni Lucius sakanyang kasintahan. Lumingon naman agad ang dalaga dito.

"Can you stop what you're doing right now? If you don't mind." Lucius carefully asked.

Callista took a deep breath. She hates when someone stops her from painting yet something inside her now just want to go with the flow.

Tumayo ang binata at nginitian ang dalaga. Sumabay sa agos ng paglalakad ang dalaga papalapit sa sulok kung saan ay kita lalo ang paglubog ng araw. Nang makarating ay ngumiti ang dalawa dahil sa tanawing nakikita ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga ang gagawin ng binata.

"Purple ang sky ngayon, love!" Callista clapped her hands and stared at the sky with amusement in her eyes. May namuong luha sa mata ng binata na siyang pinigilan niya. Habang nakatingala nga ang dalaga ay sinamantala ng lalaki ang pagkakataon upang lumuhod sa nag-iisang babae sa buhay niya na nais niyang pakasalan. The only woman he want to be with until their hair will be gray. Callista was drowning on the view up to the sky and smiling from ear to ear. Narinig nang dalaga ang hiyawan ng ilan sa mga natitira sa liwasan nang oras na iyon. Napatigil siya at balak lingunin ang madla ngunit nauna niyang nakita ang lalaking nakaluhod na sa harap niya. Unti unting namuo ang luha sa mata niya at para bang may humaplos sa puso niya. Lucius really proves everything to Callista, until now that his right knee is kneeling in front of her. A sign that he can even go lower just to be with her, in lifetime.

Tears ran down until Lucius said the magic word, "Marry me, Callista. Please."

May ngiti sa labi ng binata habang ang dalaga ay lumuluha sa nakikita.

Tumango siya ng ilang beses at inabot ang sariling k**ay sa lalaki.

"Of course, I am yours until eternity." Callista said with sparkling eyes while Lucius put the ring on her finger.

They hugged each other and kissed. One cameraman shot the view of two lovers and printed them out. The photo showed so much love decorated with the sunset and purple sky.

"Eto photocard oh, baka mamaya magalit ka sa akin. I stopped you from painting the view. Ito naman ipinta mo." Nakangiting ani Lucius.

"If stopping me from painting and be with you in a lifetime then I will. Basta isulat mo rin ito." Natawa pa nang sabay ang magkasintahan. And after that day they still continued to paint themselves and write their story to remind themselves that Callista and Lucius were lovers full of love in their hearts. She's painting him while he's writing his point of view towards her.

21/09/2023

Story Title: ANG MANGKUKULAM NA TAGAPAGLIGTAS
Genre: FANTASY
Written by: REX PAMITTAN

CHAPTER 1
Si Maria ay lumaki sa pamilyang kilalang mangkukulam o nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan. Sila ay nakatira sa isla na kung saan base sa sabi-sabi, kilala itong lugar na ito bilang lugar ng mga mambabarang. Noong bata pa si Maria, ang kaniyang lola ang nag-alaga sa kaniya dahil pinatay ng kanilang kalahi ang kaniyang ina sapagkat taliwas ang ginagawa niya sa kaniyang kapangyarihan na imbes na pumatay o kumuha ng buhay ng tao ginagamit niya ito upang gumamot o tumulong. Ang kanyang lola ay isa ding mangkukulam ngunit ginagamit niya ito sa magandang paraan. Sila ay patago lamang kung manirahan sa kanilang bayan dahil natatakot sila na magaya sila sa nangyari sa ina ni Maria dahil sa lahat ng lahi nila, sina maria lamanng at ang kaniyang pamilya ang hindi ginagamit sa mali ang kapangyarihan.
Bata pa lamang si Maria ay hinahasa na siya at tinuturuan ng kaniyang lola upang magamit niya ng tama ang kapangyarihan na tinataglay niya.

“Ikaw ang magpatuloy sa kagustuhan ng iyong ina. Gamitin mo sa tama ang kapangyarihan mo. Ikaw na lamang ang natitira sa lahi ng puting mangkukulam,” wika ng kaniyang lola.
Kinagabihan, matutulog na sana sina Maria, ngunit sila ay nabulabog sa tunog ng itim na uwak.

Owk! Owk! Owk! Ang kalabog na nanggagaling sa kanilang bubong.

“Apo bumangon ka, maghanda ka, iba ang aking kutob,” wika ng lola sabay silip sa bubong.

“Ano yun lola? Bakit po, ano pong nangyayare?” wika ni Maria.

Biglang may demonyong may pakpak at matutulis na sungay ang pumasok sa kanilang bintana na may dalang sibat na tila ba may balak silang patayin, at hindi nga sila nag-kak**ali. Biglang lumipad ang demonyo papunta kay Maria upang patayin. Papalapit na sana kay Maria ang sibat ngunit biglang sinangga ng kaniyang lola ang dapat sana ay kay Maria itatama. Nagulat si Maria sa pangyayare at biglang naluha.

“Lolaaaaaaa!!!!!!” sigaw ni Maria.

“Tumakas kana Maria habang may oras pa,” wika ng kaniyang lola habang nag aagaw buhay.

Dali-daling tumalon sa bintana at tumakbo si Maria palayo sa demonyong sabik na sabik patayin siya. Hinabol siya ng demonyo. Hindi niya alam ang pupuntahan. Basta tumakbo na lamang siya ng tumakbo.

CHAPTER 2
Habang tumatakbo, nakakita siya ng kuweba at doon muna nagtago. Siya ay pagod na pagod kayat hindi niya namalayang siya ay nakatulog. Habang si Maria ay natutulog, bigla siyang nagising sa sinag ng araw.

“Umaga na pala. Saan na ako tutuloy nito wala na ang aking lola,” malungkot na saad ni Maria. Bumangon siya at nagdali-daling nag-ayos at lumabas sa kuweba. Siya ay naglakad papuntang bayan upang manghingi ng tulong. Noong siya ay nakarating sa bayan, nakita niya ang demonyong pumatay sa kanyang lola. Hinabol siya nito at naghabulan sila sa may bayan. Si Maria ay dali-daling tumatakbo habang humihingi ng tulong, ngunit walang gustong tumulong dahil alam nila ang katayuan ng angkan nila. Sila ay hindi na nagtangkang tumulong dahil natatakot na baka madamay pa. Si Maria ay tumakbo nang tumakbo hanggang sa hindi niya nakita ang batong nasa harapan niya, nadapa siya at natapilok, nahulog siya sa baba ng tulay.

“HAHAHAHA,” tawang tagumpay ng demonyo.

“Siguradong patay kana diyan naubos ko din ang mga lahi niyo,” wika ng demonyong gustong pumatay sa kanya.

Ngunit ang hindi niya alam, si Maria pala ay nahulog sa truck na punong punong ng gulay, ang truck na iyon ay papunta ng baryo ng Tuguegarao upang magdala ng mga gulay. Matapos ang habulang iyon, si Maria ay biglang nagising dahil sa alog ng sasakyan. Nagising siyang masakit ang ulo.

“Aray! Buti naman at ligtas ako. Nasaan na kaya ako? Ang sakit ng ulo ko,” wika ni Maria sa kaniyang sarili.

Pagkahinto ng sasakyan, dali-daling tumalon si Maria at tumakbo. Hindi kalaunan, nakalayo na siya sa kinalalagyan ng truck.

“Asan na kaya ako?” tanong ni Maria sa sarilli.

Siya ay napadpad sa lungsod ng Tuguegarao na matatagpuan sa mayayabong na tanawin sa lambak ng Cagayan. Siya ay naglakad ng naglakad hanggang sa nakakita siya ng maliit na silong.

“Dito na muna ako pansamantala, kaunting ayos lang to pwede ko nang gawing bahay. Tutal parang wala namang naninirahan ditto,” wika ni Maria.

Doon na nga tumira si Maria hanggang siya ay nag-dalaga. Nagustuhan ni Maria ang tumira doon dahil malayo siya sa gulo at sa demonyong gustong pumatay sakanya. Nagsimula siyang gumamot ng mga tao sa baryong kinatatayuan niya at dahil doon siya ay nakilala. Siya ay nakilala na nagtataglay ng mga pambihirang kapangyarihan at nabalitang isa siyang mangkukulam, isang makapangyarihang mangkukulam. Ngunit ang presensya ni Maria sa lungsod ay kinatatakutan at iginagalang.

CHAPTER 5
Hinasa pa lalo ni Maria ang kanyang mga kasanayan sa sinaunang sining ng mga halamang gamot sa pagpapagaling, panghuhula, at pag-gamit ng mga mahika. Sa kanyang kaalaman at koneksyon sa mundo ng mga espiritu, maaari niyang gamutin ang mga karamdaman at mag-bigay ng gabay sa mga nangangailangan. Gayunpaman, ang kanyang mga kakayahan ay nakaka-akit din ng pansin mula sa mga taong may pag-aalinlangan na natatakot sa hindi nila naiintindihan dahil ang tingin nila ay isa siyang masamang tao at baka gamitin niya ang kanyang kapangyarihan sa masamang gawain. Ngunit may isang pangyayari ang sumira sa larawan ni Maria sa mga Tuguegarawenyo.
Isang araw, may pumuntang mag-ina sa bahay ni Maria. Ang kanyang anak ay pa ika-ika kung maglakad at puro galis ang katawan.

Nakita ito ni Maria at tinanong, “Napano ang iyong anak?”

“Madami na kaming napuntahang espesyalista ngunit hindi parin nila nalulutas ang sakit niya,” sagot ng ina.

“Sige, maupo muna kayo.” wika ni Maria.
Sinimulang pahiran ng sikretong sangkap at bigkasan ng sikretong orasyon ang anak niyang pa –ika-ika at parang nanghihina.

Makalipas ang kaganapan, nakauwi na ang mag-ina.

Makalipas ang isang lingo…
“Owk! Owk! Owk!” huni ng uwak.

Gabi na at oras na para matulog wika ni Maria. Sa tahimik na gabi at kasarapan ng tulog ni Maria, bigla siyang nabulabog sa sigaw.

“Lumabas ka Maria!” malakas na boses na nanggaling sa labas.
Pagkasilip ni Maria, ito pala ay ang ina ng ginamot niya nang nakaraang lingo.

“Huminahon ka. Anong nangyare?” wika nika ni Maria.

“Harapin mo ako! Papatayin kita! Pinatay mo ang anak ko!” saad nang inang nanghihingi ng katarungan para sa kaniyang anak.

Dahil sa kaganapang iyon, ang akala ng karamihan ay namatay dahil sa kulam ang batang ginamot niya, kaya siya itinuring na mangkukulam. Ngunit ang totoong nangyare ay nagpak**atay ang kanyang anak dahil sa panlalait gawa ng kaniyang kalagayan. Dahil sa mahal na mahal ng ina ang kaniyang anak, hindi niya ito matanggap kaya’t isinisi niya ito kay Maria.
Sa pangyayaring iyon, nasira ang larawan ni Maria sa mga Tuguegaraowenyo .Kakaunti na lamang ang naniniwala sa kanya.

CHAPTER 6
Napanghinaan ng loob si Maria dahil sa pangyayareng iyon, ngunit sa kabila ng paminsan-minsang pag-aalinlangan, tinanggap ni Maria ang kanyang tungkulin bilang isang manggagamot at tagapagtanggol ng kanyang komunidad. Siya ay nakikipagsapalaran sa kalapit na kagubatan at kumukuha ng mga pambihirang halamang gamot na may makapangyarihang mga katangiang panggamot na matatagpuan mo lamang sa masukal na kagubatan ng Tuguegarao. Ang kanyang mga intensiyon ay makapagpagaling ng mga may sakit na walang simuman ang kayang gumamot kahit pa ang modernong pagamutan o espesyalista.

Isang nak**amatay na araw, isang mapangwasak na tagtuyot ang sumalubong sa Tuguegarao. Ang dating malago na mga bukid ay naging mga tuyong lupain. Ang mga desperadong magsasaka ay humingi ng tulong kay Maria na nagmamakaawa sa kanya na magpaulan sa kanilang mga pananim. Si Maria na nauunawaan ang kahalagahan ng mga magsasaka, ay gumawa ng isang makapangyarihang ritwal na tumawag sa mga espiritu ng ulan.
Sa malalim na gabi, nakatayo si Maria sa gitna ng mga bukid. Siya ay umawit ng mga sinaunang enkantasyon. Ang kanyang boses ay umaalingawngaw sa tahimik na gabi.

“Awoooooooooooo!” parang tunog ng isang lobo, at ang mga itim na uwak ay nagsiliparan sa kanyang paligid.
Biglang nagtipon ang maitim na ulap sa itaas at bumuhos ang ulan sa uhaw na lupa. Ang mga magsasaka ay nagalak, naniniwalang ang mahika ni Maria ay nagdala ng kaligtasan sa kanilang mga pananim. Sa kabila ng kanyang pambihirang kapangyarihan, si Maria ay namuhay ng mapagpakumbaba. Siya ay may malalim na paggalang sa kalikasan at madalas na makikitang nagmumuni-muni sa tabi ng paikot-ikot na ilog o nakikipag-usap sa mga espiritu ng lupain. Ang kanyang pakikiramay at karunungan ay nakakuha ng tiwala at katapatan ng mga taga-Tuguegarao, na gumagalang at humingi ng patnubay sa kanya sa panahon ng kahirapan.

Bagama't binansagan ng maraming tao si Maria bilang mangkukulam, ang mga tunay na naka-kikilala sa kanya ay nakakita sa kanya bilang isang tagapag-alaga ng lungsod. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan hindi para sa pansariling pakinabang kundi para protektahan at i-angat ang buhay ng mga nakatagpo niya. Ang kanyang mabait na puso at pagiging di-makasarili ay kitang-kita sa bawat kilos niya, saksi ang kanyang mga natulungan kung gaano siya kabait at matulungin.

Pagsapit ng umaga kung saan lumabas ang sikat ng araw, lahat ay naging malungkot dahil sa kanilang nalaman na balita na si Maria ay umalis na. Para bang lahat ay nawalan ng pag asa, ngunit sila ay nabigla habang sila ay nag mumukmok. May narinig silang isang kanta na ang kantang iyon ay ang kantang madalas i-alay ni Maria sa kanyang diyos. Nagsilabasan ang mga tao sa loob ng kanilang pamamahay. Silang lahat ay ngumiti at nag pasalamat sa mga naging tulong ni Maria sa kanilang buhay. Si Maria ay umalis na sa baryo ng Tuguegarao.
Marami ang napapatanong, sino nga ba si Maria? Buhay pa kaya siya?

CHAPTER 7
Sa paglipas ng mga taon at iba pang henerasyon, ang presensya ni Maria ay naging mahalagang bahagi ng kultura at kasaysayan ng Tuguegarao. Ang kanyang kuwento ay ipinasa sa mga henerasyon. Ang bawat mananalaysay ay nagdaragdag ng kanilang sariling mga palamuti. Si Maria, ang Mangkukulam ng Tuguegarao, ay naging simbolo ng pag-asa, karunungan, at katatagan ng espiritu ng tao. At sa gayon, ipinagpatuloy ni Maria ang paghahasa ng kanyang mahika, na nag-iwan ng hindi maalis na marka sa Tuguegarao at sa mga naniniwala sa kapangyarihan ng kanyang mga engkanto. Ang lungsod ay umunlad sa ilalim ng kanyang mapagbantay na mata, nagpapasalamat magpakailanman para sa kanyang presensya at mga himala na kanyang dinala. Ang inaakala nilang mangkukulam ay isang masamang tao dahil likas na sa ating mga taga-tuguegarao na ang salitang kulam ay masama, ngunit si Maria na nabiyayaan ng hindi pang-karaniwang kapangyarihan ay ginamit nya ito sa tama.

SA KASALUKUYAN…

“Nay, sino si Maria? Nasaan ba talaga siya nakatira? Saang baryo sya lumipat?”

“Aba! Aba! Matulog na kayo mukang nag enjoy kayo sa kwento ko (sabay saran g libro).

“Kwento-kwento lang iyon,” wika ng kanilang ina.

“Sige po, inay” sagot ng anak.

(Nagsalita sa isip ang ina) “Kumusta na kaya ang dating baryong tinulungan ko? Sana tuloy tuloy na ang kanilang pag-unlad.”

Want your school to be the top-listed School/college in Tuguegarao City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Gosi Norte
Tuguegarao City
3500