Cagayan Balik Islam Learning Hub

Cagayan Balik Islam Learning Hub

Share

For Islamic learning purposes only

28/09/2021

Mga Panuntunan sa Pagbibiro

Isang araw ay may isang matandang babae na dumating sa Rasulullah s.a.w. at sinabi niya rito, “Oh Sugo ng Allah, hilingin mo sa Allah na papasukin Niya ako sa Kanyang paraiso.” Ang sagot ng Rasulullah s.a.w. ay, “Oh Ummu Fulan (Fulan ang ginagamit sa isang di partikular na pangalan ng tao), katotohanang hindi makakapasok paraiso ang matanda.” Tumalikod ang matandang babae na umiiyak. “Sabihin ninyo sa kanya na siya ay hindi papasok ng paraiso na matanda dahil ang Allah ay nagwika: (Nilikha naming sila ng espesyal na paglikha. At ginawa naming silang mga birhen. Kaibig-ibig at magkakasing-edad.) [Surah Al-Waqiah:35-37]”

Ibig-sabihin ay makakapasok ang matandang ito sa paraiso. Allahu akbar! At lahat ng makakapasok ng paraiso ay magbabalik sa edad na 33 ayon na rin sa nabanggit sa hadith. Hilingin natin sa Allah na papasukin niya tayo sa Kanyang paraiso. Amin.

Hindi ipinagbabawal ng Islam ang pagbibiro paminsan-minsan subalit alalahanin natin ang ilang mga panuntunang ito upang hindi mahulog sa pagiging haram at hindi tayo magkasala.

1. Pagiging tapat sa pagbibiro ng walang halong kasinungalingan.

Itinuturing na malaking kasalanan ang pagsisinungaling kahit biro lamang dahil ang Rasulullah s.a.w. ay nagsabi:
(ويل للذي يحدث بالحديث ليضحك به القوم فيكذب ويل له ويل له) رواه أبو داود والترمذي وحسنه والنسائي والبيهقي
“Kapanglawan para sa nagkukuwento upang mapatawa ang mga tao na siya ay nagsisinungaling, kapanglawan sa kanya at kapanglawan sa kanya.” (Kapanglawan: hapis, kalungkutan, pagdurusa, hinagpis, kasamaang-palad)

Ang Propeta s.a.w. ay hindi nagbibiro maliban lamang at totoo. Sa hadith na nabanggit ay tatlong beses inulit ng Propeta s.a.w. ang katagang Waylun lahu (kapanglawan) na naglilinaw sa atin ng tindi ng parusa nito, wal iyadhu billah.

2. Maging katamtaman lamang sa pagpapatawa at pagtawa.

Huwag puro na lamang biro at dapat ay maiksing sandali lamang dahil ang labis na pagtawa ay nakamamatay ng puso, nakapagpapahina ng pananamplataya sa Allah at nagpapalimot sa araw ng paghuhukom. Sabi ng Rasulullah s.a.w.:
(لا تكثروا الضحك ؛ فإن كثرة الضحك تميت القلب) حديث صحيح رواه الترمذي
“Huwag dalasan ang pagtawa, dahil ang madalas na pagtawa ay nakamamatay ng puso.”

3. Pag-iwas sa pangmamaliit o panlilibak.

Iwasan ang pagbitaw ng mga biro na may pamimintas, tsismis, pagmamaliit sa iba at panlilibak.

4. Magandang intensyon.

Katulad na lamang ay upang pasiglahin ang mga kasamahan, o maaaring magpalakas ng pagkakaibigan, o paglimot sa problema at kalungkutan.

5. Pagpili ng tamang oras, lugar at tao na iyong bibiruin.

Hindi yaong palagi na lamang biro kahit na sa mga seryosong usapan. Hindi yaong puro na lamang biruan kahit nagkakapikunan na. Huwag sa oras ng pagsamba lalo na sa salah, pagbabasa ng Qur-an, pag-alala sa kamatayan o sa pakikipaglaban. Huwag magbiro sa bagong gising. May kasabihan nga sa Tagalog na: “Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.”

At pumili ng taong bibiruin. Kailangan ay kilalanin mo muna ang iyong bibiruin at mag-ingat sa mga madaling mapikon o kaya ay yaong hindi mo ka-close o hindi mo kalahi, dahil maaaring magdulot ito ng away. At sa mga yaong nakakapagpababa sa respeto ng iba.

6. Bawal magbiro patungkol sa kasal, talaq (paghihiwalay ng mag-asawa), at pagbabalikan.

Ipinagbawal ito sa atin ng Rasulullah s.a.w. Kung halimbawang biniro mo ang iyong misis at sinabi mo sa kanyang, “Hiwalay na tayo.” ay nangyari ang talaq (paghihiwalay) sa sitwasyong ito. O kung ikakasal ka ng wali ng babae at tinanggap mo ito ng pabiro ay naganap ang kasalan. Ganundin sa ruj’ah o pagbabalikan ng mag-asawa. Sabi ng Rasulullah s.a.w.:
(ثلاث جدهن جد وهزلهن جد الطلاق والنكاح والرجعة) حسنه الترمذي
“Tatlong bagay na ang pagiging seryoso rito ay seryoso, at ang pagbibiro rito ay seryoso: paghihiwalay, kasalan, at pagbabalikan.”

7. Huwag bibiruin ang kasama sa pamamagitan ng armas.

O ng kutsilyo, batuta, baril at iba pang nakakasakit na bagay. Huwag ring kunwari ay sasagasaan ng minamanehong sasakyan pagkatapos ay bigla kang pepreno , o kunwari'y susuntukin. Kahit pa ito ay biro ay itinuturing ito ng Islam na malaking kasalanan dahil maaari siyang itulak ng masama o ng Shaytan at matuluyan ang binibiro. Naudhu billahi min dhalik.

8. Huwag gawing biro ang alinmang bagay na may kinalaman sa relihiyong Islam.

Iginagalang ng Muslim ang kanyang relihiyon. Anumang bagay rito katulad ng paraiso, impiyerno, Quran, Hadith, mga sahabah, mga anghel at lahat ng tanda ng Islam ay hindi niya isinasama sa kanyang biruan. Alam naman natin na nakalalabas ng relihiyon ang sinumang gawin niyang biro ang alinmang bahagi ng relihiyong Islam.

Nawa’y makapagbigay pakinabang sa atin ang aralin na ito. Hingin natin sa Allah na liwanagan Niya sa atin an gating mga puso, salita at gawa. Amin.

23/09/2021

AsSalam alaikom wa rahmatullahi wa barakatuh
For those who are interested to know more about Islam, please feel free to message us or contact
sister Maryam Sheryl T Sibbaluca
Brother Roger Iquin
Brother John Ali Cusipag and
Brother Eric Abdullah Evelyn Cusipag so that we can assist you anytime.
We will be glad to hear from you.

23/09/2021

Ang pagpasok sa Islam ay nagpapahintulot sa isang tao na tunay na maranasan ang pag-ibig ng Diyos.
Ang pagpasok sa Islam ay nagpapahintulot sa isang tao na makamit ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang gabay sa buhay - ang Quran, at ang tunay na mga katuruan at sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya ang kapayapaan at pagpapala). Nang nilikha ng Diyos ang mundo, hindi niya ito pinabayaan sa kawalang-tatag at kawalan ng seguridad. Nagpadala siya ng lubid, na matatag at matibay, at sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa lubid na ito ang isang hamak na tao ay maaring magkamit ng kahalagahan at walang hanggang kapayapaan. Sa mga salita sa Quran, ginawang lubos na malinaw ng Diyos ang Kanyang mga hangarin, gayunpaman ang mga tao ay may malayang kalooban at malaya sa pagpili kung gagawa ng ikakalugod o hindi ikakalugod ng Diyos.

Sabihin mo [sa kanila O Muhammad]: "Kung tunay ngang kayo ay nagmamahal sa Allah, magkagayon ako ay Inyong sundin, at kayo ay mamahalin ng Allah at Kanyang patatawarin ang inyong mga kasalanan. At ang Allah ay Mapagpatawad, Ang Pinaka Maawain." (salin ng kahulugan Quran 3:31)

At sinumang humanap ng ibang relihiyon bukod sa Islam, ito ay hindi tatanggapin mula sa kanya, at sa kabilang buhay siya ay kabilang sa mga talunan. (salin ng kahulugan ng Quran 3:85)

Walang sapilitan sa pagtanggap ng relihiyon. Katotohanan, ang matuwid na landas ay malinaw kaysa sa lihis [maling landas]. Kaya, sinuman ang di-maniwala sa mga Taghut[2]at maniwala sa Allah, tunay na siya ay tumangan sa matibay na hawakan [o sa pananampalatayang] kailanman ay hindi mapuputol. At ang Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam. (salin ng kahulugan ng Quran 2:256)

23/09/2021

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh mga kapatid sa Islam kamusta po kayo LAHAT mga kapatid. Ipagpa umanhin sa mga pagliban ko sa ating pag aaral.

Nawa'y huwag natin pagsawaan Ang Pag aaral sa Islam sapagka't ito Ang maglalap8t sa atin Kay Allah at ito Ang tanging mababaon natin sa araw na tayo ay lilisanin na Ang Mundong ito. In shaa Allah!

Bakit kailangan ang isang tao na maging Muslim? Hindi ba maaaring sumunod na lamang sa anumang relihiyong nais natin?
Maraming taong sumusunod sa mga aral ng isang relihiyon sa pinakamainam ng kanilang makakaya at ang ibang naniniwala sa Diyos sa ilang paraan na walang pagsasabuhay ng anumang pormal na relihiyon. Marami ang iniwan na ang kaisipang may tunay na relihiyon dahil halos lahat ay nag-aangking tunay. At ang ilan ay pumapayag na ang lahat ng mga relihiyon ay tamang landas patungo sa Diyos at lahat ito ay tanggap sa Kanya. Kaya paanong ang Islam ay naiiba mula sa ibang mga relihiyon?

Ang Islam ay mayroong ilang natatanging mga katangian na mapapatunayan sa pamamagitan ng malalim na pag-aaral:

Ang Islam ay ang tanging relihiyon na ang mga pinagmulan ay nanatiling malaya sa pagbabago at panghihimasok ng tao.

Ang kapahayagang banal na ipinahayag ay umaayon sa napagtibay na katotohanan ng agham, maliwanag na nagtataglay ng tanda ng Tagapaglikha ng sangsinukob na ito.

Ang Islam ay nagkakaloob ng mga sagot sa mahahalagang pangunahing mga tanong na nabubuo sa isipan ng bawat matalinong tao na yaong may kaugnayan sa layunin ng paglikha at buhay at ang kaugnayan sa malawak na pag-iral pagkatapos ng kamatayan.
Ang Islam ay ang tanging relihiyon na nagsusulong ng pagsamba sa Tagapaglikha lamang at lubusang itinatakwil ang pagsamba sa anumang aspeto ng nilikha.
Ang Islam ay iwinawaksi ang lahat ng tagapamagitan sa pagitan ng tao at Diyos at pinahihintulutan ang bawat isang makipag-ugnayan sa Kanya ng tuwiran. Sa gayun ay inaalis nito ang pagmamana sa pamumunong pangrelihiyon at iba pang mga pinagmumulan ng pagsasamantalang nakilala sa kasaysayan ng relihiyon sa buong panahon. Sa Islam ay walang kleriko o pamunuang mamamagitan sa pagitan ng tao at kanyang Tagapaglikha.
Habang ang monoteistikong mga pananampalataya ay nagsasalo sa pangunahing paniniwala sa Diyos at ang pagkaunawa nila sa Kanya ay nagkakaiba ng malaki. Ang Islam ay nagpapahayag na ang Diyos ay bukod-tangi at walang puwang na makatulad ng anuman sa Kanyang nilikha o nakipagkaisa dito sa anumang anyo. Ang Kanyang mga katangian ay yaong ganap at lubos na sakdal at walang anumang katiting na kapintasan o hangganan man.
Hindi kagaya ng ibang mga relihiyon o mga pananaw na nagpapahalaga sa ilang aspeto ng kalikasan ng tao kapalit ng kapinsalaan sa iba. Ang Islam ay kinukupkop lahat ang pampisikal pang-kaisipan at pang-espiritwal na mga aspeto ng tao. Ang mga paniniwalang Islamiko at mga kinagawian ay likas at umaayon sa sentido kumon. Ang mga ito ay nagpapakita ng balanseng programa ng buhay na pumupuno sa parehong pisikal at espiritwal na mga pangangailangan.
Ang Islam ay ipinagbabawal ang bulag na pagsunod ng walang kaalaman at ito ay nakabatay sa katibayan at lohika. Ang makatuwirang pag-iisip ay ang batayan para sa pananagutang pangrelihiyon. Ang lahat ng aspetong Islamikong paniniwala ay malinaw at walang malabo o alinlangan. Ito ay hindi naglalaman ng sumasalungat sa katuwiran o nakatambad na katotohanan at ito ay nananawagan sa mga taong pag-aralan at mag-isip bilang paraan ng pagpapatatag sa pananampalataya.
Ang pang relihiyon moral ekonomiya politika at pampamayanang etika ng Islam ay pangmalagian at patuloy na mananatili. Ang mga ito ay pinamamahalaan ng isang itinakdang hindi mababagong mga prinsipyo na kinabibilangan ng pandaigdigang pag-uugali bilang katarungan kalayaan pagkakapantay kapatiran at tungkuling panlipunan. Ang kasaysayan ay nagkaloob ng napakadakilang halimbawa sa huwarang Islamikong pamayanan na itinatag ni Propeta Muhammad [sumakanya ang kapayapaan at mga biyaya] at kanyang mga kasamahan at napanatili sa maraming dekada ng mga debotong Muslim na ang katotohanan at hayag katarungan at pagdadamayan ay ipinatutupad bilang mahalagang pagpapahayag ng relihiyon.
Ang Islam ay nagpapahayag din na ito ang relihiyon ng katotohanan, dahil ito ay binanggit ng napakalinaw sa Qur’an. Datapwat, ang Tagapaglikha ay hindi ipinipilit ang Kanyang pinili sa kaninuman. Nais Niyang ang tao ay tanggapin ng tamang patnubay sa pamamagitan kanilang sariling pagpili at malayang kalooban dahil dito sila’y magiging karapat-dapat sa Kanyang pagsang-ayon at gantimpala. Ang Qur’an ay nagpahayag:

“Walang sapilitan sa [pagtanggap ng] pananampalataya. Ang katotohanan ay ginawang maliwanag mula sa kasinungalingan.” [Maluwalhating Qur’an 2:256]
“Kung ninais ni Allah, talagang ginawa na sana Niya kayong isang kalipunan, ngunit [ninais Niyang] subukin kayo sa ibinigay Niya sa inyo. Kaya mag-unahan kayo sa mga mabuting gawa. Kay Allah ang kayo babalik lahat at ipinabatid Niya sa inyo ang hinggil sa inyong pinagkakasalungatan noon. [Maluwalhating Qur’an 5:48]

22/09/2021

Ang Adhan ay sumasakop sa lahat ng pangunahing bagay ng pananampalataya sa Islam sa ilang mga salita:

1. Nagsisimula ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kadakilaan ni Allah.

2. Ito ay testimonya ng tawheed (kaisahan) ni Allah at ng Kanyang natatanging karapatan na sambahin.

3. Ito ay nagtatanggi ng shirk - ang pagsamba sa lahat liban pa kay Allah.

4. Ang adhan ay pagsaksi na si Muhammad, sumakaniya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, ay Sugo ni Allah.

5. Binabanggit nito ang paniniwala sa isa sa pinakadakilang haligi ng Islam; ang salah (ritwal ng pagdarasal).

6. Pag-anyaya sa pagdarasal at ihinahalintulad ito sa kasaganahan, kaligtasan at tagumpay (sa Kabilang buhay).

7. Sinigurado nito ang gantimpala para sa Salah: kasaganahan para sa nagbubukod tangi kay Allah sa tawheed (kaisahan). Sumusunod sa Kanyang Propeta, nagtataguyod ng pagdarasal at iba pang mga haligi ng Islam.

8. Ipinahihiwatig nito ang kawalan ng isang hindi tumugon sa panawagan ng adhan at hindi nagdarasal.

Kasaysayan ng Adhan
Ang adhan ay ipinag-utos sa panahon ng unang taon ng Propeta sa paglikas sa Medina. Ito ay naituro sa pamamagitan ng panaginip ng dalawang kasamahan ng Propeta at ginawang bahagi ng buhay ng mga Muslim ng mismong Propeta. Si Abdullah ibn Zaid, isang kasamahan ng Propeta, ay nag-ulat:

"Nang ang Propeta ay pag-utusan na gumamit ng kampanilya upang tawagin ang mga tao sa pagdarasal, ay hinde niya ito nagustuhan sapagkat natutulad ito sa mga pamamaraan ng Kristiano. Habang ako ay natutulog, isang lalaki ang dumating sa akin na may dalang kampanilya. Sabi ko sa kanya 'O lingkod ni Allah, ipinagbibili mo ba ang kampanilya?'

Sabi niya: 'Anong gagawin mo dito?'

Sumagot ako: 'Tatawagin ko ang mga tao sa pagdarasal sa pamamagitan nito'

Tumugon siya: 'Nais niyo ba na ituro ko sa inyo ang kung anong mas mainam diyan?'

Sabi ko: 'Tiyak.'

Sabi niya: 'Marapat mong bigkasin:

Allahu akbar, Allahu akbar, Allahu akbar, Allahu akbar

Ashhadu alla ilaha illal-lah, ashhadu alla ilaha illal-lah

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah,

ashhadu anna Muhammadar-Rasool-lal-lah

Hayya ‘alas-salah, hayyah ‘alas-salah

Hayya ‘alal-falah, hayya ‘alal-falah

Allahu akbar, Allahu akbar. La ilaha illal-lah.’

At pagkatapos ay lumayo siya ng kaunti at sinabi, 'kapag itatayo na ang dasal' ay bigkasin:

Allahu akbar, Allahu akbar

Ashhadu alla ilaha illal-lahPagsapit ng umaga, pumunta ako sa Sugo ni Allah upang sabihin kung ano ang aking nakita, Sabi niya, 'Ang panaginip mo ay tunay, kung luloobin ni Allah. pumunta ka kay Bilal, at sabihin mo kung ano ang iyong nakita, at sabihin na gawin niya ang panawagan sa dasal, sapagkat siya ang may pinakamainam sa boses sa inyo.' Ako ay nagpunta kay Bilal at sinabi ko sa kanya kung ano ang gagawin, at ginawa nga niya ang pagtawag sa dasal. 'Si Umar ay nasa bahay niya ng marinig niya ito. Lumabas siya ng nakabalabal, at nagsabi 'Sumpa man sa Siyang nag angat sa iyo ng katotohanan, nakita ko ang tulad ng nakita mo.' Ang Propeta ay nagsabi, 'Lahat ng papuri ay para kay Allah.”[1]

Ang Propeta ay nagtalaga ng dalawang kasamahan upang magtawag ng adhan sa Medina sa kanyang mosque: Si Bilal na dating aliping Aprikano na binili ang kalayaan ni Abu Bakr, at si Ibn Umm Maktum para sa adhan ng Fajr. Tinalaga niya rin si Abu Mah-zura sa Mecca at Sa'ad al-Qaraz sa Quba'.

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah

Hayya ‘alas-salah, hayya ‘alal-falah

Qad qaamatis-salah, qad qaamatis-salah

Allahu akbar, Allahu akbar. La ilaha illal-lah.

Pagsapit ng umaga, pumunta ako sa Sugo ni Allah upang sabihin kung ano ang aking nakita, Sabi niya, 'Ang panaginip mo ay tunay, kung luloobin ni Allah. pumunta ka kay Bilal, at sabihin mo kung ano ang iyong nakita, at sabihin na gawin niya ang panawagan sa dasal, sapagkat siya ang may pinakamainam sa boses sa inyo.' Ako ay nagpunta kay Bilal at sinabi ko sa kanya kung ano ang gagawin, at ginawa nga niya ang pagtawag sa dasal. 'Si Umar ay nasa bahay niya ng marinig niya ito. Lumabas siya ng nakabalabal, at nagsabi 'Sumpa man sa Siyang nag angat sa iyo ng katotohanan, nakita ko ang tulad ng nakita mo.' Ang Propeta ay nagsabi, 'Lahat ng papuri ay para kay Allah.”[1]

Paano ang Pagtawag ng Adhan?
Ito ang mga binibigkas sa adhan.

Allahu akbar

Si Allah ay Dakila

Allahu akbar

Si Allah ay Dakila

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako'y sumasaksi na walang dios kundi si Allah

Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako'y sumasaksi na walang dios kunid si Allah

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah

Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah

Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah

Hayya ‘alal-falah
Halina sa Tagumpay

Hayya ‘alal-falah
Halina sa Tagumpay

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

La ilaha illal-lah[8]
Walang dios kundi si Allah

21/09/2021

Pangunahing mga Turo ng Propeta Muhammad
Ang mga klasikal na mga pantas ng Islam ay pinaikli ang mga turo ng Propeta Muhammad (pbuh) sa ilang mga pahayag. Ang mga komprehensibong pahayag na ito ay nakaantig sa bawat aspeto ng ating buhay. Ilan sa kanila ay:

1) Ang mga gawain ay hahatulan sa layunin sa likod ng mga ito.

2) Ang Diyos ay Dalisay at hindi tumatanggap ng anuman maliban kung ito ay dalisay at ang Diyos ay inutusan ang mga matatapat ng anumang iniutos Niya sa mga propeta.

3) Ang bahagi ng magandang pagsunod sa Islam ng isang tao ay iwanan ang walang kinalaman sa kanya.

4) Ang isang tao ay hindi maaaring maging isang ganap na mananampalataya maliban kung ibigin niya para sa kanyang kapatid ang iniibig niya para sa kanyang sarili.

5) Hindi niya dapat pinsalain ang kanyang sarili o ang iba.

6) Huwag pagtuunan sa buhay na ito ang pagkamal ng mga makamundong bagay o kapakinabangan at ang Diyos ay mamahalin ka. Huwag kang mabahala sa kung anong mayroon ang mga tao, at mamahalin ka nila.

# Cagayan Balik Islam Learning Hub
Islam cagayan.

15/09/2021

Urwah bin Ruwaim narrated that Ibn Ad-Dailami rode looking for Abdullah bin Amr bin Al-Aas. Ibn Ad-Dailami said: I entered upon him and said: O Abdullah bin Amr, did you hear the Prophet Muhammad (ﷺ) say anything concerning Khamr? He said: Yes, I heard the Prophet Muhammad (ﷺ) said: “If a man among my Ummah drinks Khamr (Wine), Allah will not accept his Salah for forty days.”
Sunan Nasai 5664 (5667)]

09/09/2021
Photos from Cagayan Balik Islam Learning Hub's post 08/09/2021
Want your school to be the top-listed School/college in Tuguegarao City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Libag Sur
Tuguegarao City
3500