20/09/2026
๐๐๐ง๐ฅ๐๐ง๐ข | ๐๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐.
Hinila na pababa ang kurtina sa entablado. Tapos na ang palabas. Tapos na ang kantaโiyon na pala ang huling hataw ko sa kampus.
At sa tatlong araw na iyon, hindi ko agad napagtantoโmarahil ay iyon na rin ang huling sayaw ko kasama kayo.
Mga paa sa sahig na habol ang bawat puntos, mga tinig na nagsisigawan sa bawat panalo, mga kantang umaabot hanggang dulo ng palakasan, at mga katawang ibinigay ang lahat na para bang wala nang bukas pang darating.
Hanggang sa bastaโt wala na lang umimik. Pinatay ang ilaw. At ang mikroponoโy bigla na lang tumahimik.
Naiwan ang mga bakas ng sapatos, mga kalat na alaala, at ang mga tawanan na kanina lamang ay umaalingawngaw.
Doon ko naisipโiyon na pala ang huli.
Ang huling larong ating pagsasaluhan, ang huling sayaw na ating ikukumpas, ang huling kantang ating aawitin.
Ika-apat na taon ko na pala sa kolehiyo, wala na palang susunod na taon.
Sa tatlong araw na iyon, hindi lang pala tayo naglaro. Nagpaalam na rin pala tayo nang walang kaalam-alam.
Letrato ni Reychelle An Petilos
Salita ni Eunel Symone Fabionar