12/08/2026
SBPC 2026 SA LINAO NHS, MATAGUMPAY NA PINASINAYAHAN
Sa makulay at makabuluhang pagbubukas, pormal na sinimulan ng Linao National High School ang School-Based Press Conference (SBPC) 2026 ngayong ika-12 ng Agosto hanggang ika-14 ng Agosto sa Paaralang Gymnasium, na may temang, “Beyond the Pen: Empowering Voices, Inspiring Change.”
Isang marangal na layunin ang gawaing ito na mahasa ang husay, palawakin ang kaalaman, at hubugin ang dangal ng mga mag-aaral sa larangan ng pamamahayag, upang makapili ng mga pinakamahusay na kakatawan sa mas mataas na antas ng paligsahan.
Mas lalo pang pinaganda ang pagtitipon sa pagdalo ng mga kagalang-galang na inanyayahang tagapagsalita. Sila ay magbabahagi ng kanilang mayamang karanasan at kadalubhasaan — isang natatanging pagkakataon upang matuto mula sa mga tunay na dalubhasa sa larangan.
Sa kanyang memsahe, binigyang-diin ni Gng. Eloisa M. Mabborang, Punong-Guro, ang dakilang misyon ng pamamahayag na maging tapat na tinig ng katotohanan at mabisang lakas ng pagbabago. Ang kanyang mensahe ay nagbigay-liwanag at nagpasigla sa puso ng bawat kabataang manunulat.
Ngayon, ang bawat kalahok ay bitbit ang pag-asa, husay, at pangarap — handang gamitin ang pluma bilang sandigan ng katotohanan at inspirasyon ng pag-unlad.