Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-Andrews Campus

Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-Andrews Campus Opisyal na Pahina ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (CSU Andrews Campus)

๐๐€๐๐€๐๐†๐’๐€๐๐€๐“ ๐Š๐„๐ ๐๐€๐๐€๐†๐ƒ๐€๐˜๐€๐–Isang masayang pagsalubong ang hatid ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino sa mga Ka-KamFi...
21/09/2026

๐๐€๐๐€๐๐†๐’๐€๐๐€๐“ ๐Š๐„๐ ๐๐€๐๐€๐†๐ƒ๐€๐˜๐€๐–

Isang masayang pagsalubong ang hatid ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino sa mga Ka-KamFil na buong tapang na humarap sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) kahapon, Setyembre 20, 2026.

Kitang-kita sa kanilang mga labi ang ngiti matapos ang mahabang oras ng pagsusulit. Sa likod ng mga ngiting iyon ay mga araw ng paghahanda, pagod, at pagtitiyaga. Ngayon, isang yugto na naman ang kanilang nalampasan, dala ang pag-asang ang lahat ng kanilang pagsusumikap ay magbubunga ng tagumpay.

โœ๐Ÿป: Vanessa Taguinod
๐ŸŽจ: Gabriel Maddox Palatan

๐๐€๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐๐€ ๐Š๐„๐ ๐๐€๐๐€๐†๐ˆ๐“๐”๐‹๐”๐ƒSa araw ng Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT), muling pinatunayan ng mga ...
20/09/2026

๐๐€๐๐€๐†๐’๐€๐†๐€๐๐€ ๐Š๐„๐ ๐๐€๐๐€๐†๐ˆ๐“๐”๐‹๐”๐ƒ

Sa araw ng Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT), muling pinatunayan ng mga mag-aaral sa Filipino ang tunay na diwa ng pagkakaisa. Sa pamamagitan ng munting paghahanda at pagbibigay ng pagkain at meryenda, naging bahagi tayo ng lakbayin ng ating mga Ka-KamFil na humarap sa pagsusulit ngayong araw.

Higit pa sa pagkaing ipinagkaloob, ang bawat paghahanda at paghahatid ay naging simbolo ng malasakit, pagkakaisa, at paniniwalang kaya nilang abutin ang mithiin na matagal nilang pinaghandaan.

โœ๏ธ: Jamailah Domingo
๐ŸŽจ: Gabriel Maddox Palatan

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐ƒ๐€๐€๐๐† ๐๐Ž๐‘๐’๐˜๐„๐๐“๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Žโ˜˜๏ธโœจAng pagharap sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) ay hindi...
19/09/2026

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐ƒ๐€๐€๐๐† ๐๐Ž๐‘๐’๐˜๐„๐๐“๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Žโ˜˜๏ธโœจ

Ang pagharap sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) ay hindi lamang isang pagsusulit, kundi bunga ng mahabang panahon ng paghahanda, pagsisikap, puyat, at pananalig. Sa bawat isa na sasabak sa pagsusulit na ito, nawaโ€™y baunin ninyo ang lahat ng inyong natutuhan at ang tiwalang kaya ninyo itong lampasan.

Hindi man natin alam kung gaano kahirap ang bawat tanong, alam nating hindi nasusukat sa isang pagsusulit lamang ang inyong kakayahan. Gawin ninyo ang inyong makakaya, maniwala sa inyong sarili, at huwag kalimutang magtiwala sa proseso.

Nawaโ€™y makamit natin ang ISANG DAANG PORSYENTO para sa FILIPINO. Padagos, mga g**o sa hinaharap๐Ÿงกโœจ





โœ๐Ÿป: Eden Ariola
๐ŸŽจ: Gabriel Maddox Palatan

Matagumpay na naisagawa ang Final Coaching para sa mga LEPT takers na may Medyor sa Filipino. Ang makabuluhang paghahand...
19/09/2026

Matagumpay na naisagawa ang Final Coaching para sa mga LEPT takers na may Medyor sa Filipino. Ang makabuluhang paghahanda na ito ay pinangunahan ng ating mga masisipag at dedikadong propesor sa Filipino.

Sa bawat paalala, pagbabahagi ng kaalaman, at gabay, mas naging handa ang mga magiging g**o sa pagharap sa pagsusulit.

Sa aming mga Ate at Kuya, dalhin ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tiwala sa sarili, at ang mga dasal ng mga taong naniniwala sa inyo. Nawaโ€™y maging bunga ng inyong paghahanda ang tagumpay na matagal ninyong pinapangarap.

โœ๐Ÿป: Carmina Bosi
๐ŸŽจ: Gabriel Maddox Palatan

๐“๐€๐“๐€๐Š ๐Š๐€-๐Š๐€๐Œ๐…๐ˆ๐‹ | Isang taos-pusong pagpupugay sa lahat ng ating mga Ka-KamFil na buong husay na nagningning, naghari, a...
06/09/2026

๐“๐€๐“๐€๐Š ๐Š๐€-๐Š๐€๐Œ๐…๐ˆ๐‹ | Isang taos-pusong pagpupugay sa lahat ng ating mga Ka-KamFil na buong husay na nagningning, naghari, at nagbigay-karangalan sa iba't ibang larangan ng Intramurals 2026!

Sa bawat laban, ipinamalas ninyo ang pambihirang gilas, tatag, talas, at pusong nag-aalab para sa tagumpay. Pinatunayan ninyong ang husay ng mga nagpapakadalubhasa sa sariling wika ay hindi lamang namamayani sa loob ng silid-aralan, kundi maging sa anumang larangang nangangailangan ng sipag, disiplina, pagkakaisa, at determinasyon.

Ang bawat tagumpay at karangalang inyong nakamit ay tagumpay na rin buong pamilya ng ating kapisanan.

Muli, pagbati sa ating mga kampeon! Patuloy ninyong dalhin saanman ang tatak ng husay, tatak ng galing, at tatak ng pusong Ka-KamFil.



โœ๐Ÿป: Glydhel Cusili
๐ŸŽจ: Anghelo Simangan

๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—— ๐—ž๐— ๐—™: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ป, ๐—œ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, isinagawa ang GAWAD KM...
29/08/2026

๐—š๐—”๐—ช๐—”๐—— ๐—ž๐— ๐—™: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ป, ๐—œ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ ๐—•๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€

Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, isinagawa ang GAWAD KMF bilang pagkilala sa sipag, dedikasyon, at paglilingkod ng mga opisyales sa nagdaang taong panuruan 2025โ€“2026.

Sa pamumuno ng dating pangulo ng KMF na si Mary Gold Gacias, naging makabuluhan ang sama-samang pagsisikap ng mga opisyales, na naging daan sa pagkamit ng Ikalimang Pwesto para sa 2026 Campus-Level Search for Most Outstanding Specialized Organization. ๐Ÿงกโœจ

Nawaโ€™y magsilbi itong inspirasyon sa mga naitalagang bagong lingkod ng KMF na ipagpatuloy ang nasimulang adhikain at paglingkuran ang samahan nang buong puso.

โœ๐Ÿป: Eden Ariola

๐—ช๐—œ๐—ž๐—”, ๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—”, ๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข, ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Matagumpay na ipinagdiwang ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KMF) ang ...
29/08/2026

๐—ช๐—œ๐—ž๐—”, ๐—ž๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—”, ๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข, ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Matagumpay na ipinagdiwang ng Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KMF) ang kauna-unahang aktibidad sa taong panuruan 2026โ€“2027โ€”ang Buwan ng Wika, bilang paggunita sa kahalagahan ng wika bilang salamin ng ating kultura at pagkakakilanlan.

Sa pamumuno ng Pangulo ng Organisasyon na si Gabriel Maddox Q. Palatan at gabay ng mga Punong Tagapayo na sina G. Jederich Balauag at Gng. Vanessa Campani, naging makabuluhan at masigla ang pagdiriwang. Tampok dito ang Laro ng Lahi, Sulat at Bigkas(SULKAS), Sinaunang Kasuotan, Tagisan ng Talino (Indibidwal at Pangkatan), at Pandalawahang pag-awit ng Kundimanโ€”mga gawaing nagbigay-daan upang maipamalas ang talento, pagkamalikhain, at diwa ng pagkakaisa.

Sa bawat laro, salita, awit, at pagtatanghal, higit na napahalagahan ang Wikang Filipino at kulturang ating ipinagmamalaki.

Sapagkat ang wika ay hindi lamang salitaโ€”ito ay puso ng ating pagkakakilanlan. โค๏ธ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang ating kultura! โœจ

โœ๐Ÿป: Manilyn De Leon

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜, ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น......๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญIsang araw na lang, matutunghayan na natin ang isa sa...
27/08/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜, ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น......๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช ๐—ก๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Isang araw na lang, matutunghayan na natin ang isa sa mga kapanapanabik na programa natin ngayong taonโ€”ang BUWAN NG WIKA! At bukas din, mabubuksan na ang pintuan para sa pagpupugay sa makulay at dakilang pamana ng pangkat ng mga Moro!๐Ÿ›–

Sabay-sabay nating saksihan kung paano nagkakaisa ang ating bansa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng ating mga wika at tradisyon.

Kitakits, mga Ka-Kamfil๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

โœ๐Ÿป: Eden Ariola
๐Ÿ–ผ๏ธ: Anghelo Simangan

Address

Tuguegarao City
3500

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-Andrews Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino-Andrews Campus:

Shortcuts

Share