24/08/2022
Magandang balita mga ka-TESDA!
Kayo ba ay:
🎯Naghahanap ng trabaho sa Construction, Tourism, o Health Sector?
🎯Gustong mag enroll ng kursong TECH-VOC?
🎯Gustong mag apply ng Assessment para makakuha ng NC II?
🎯Gustong matuto ng Massage at Hand Spa?
🎯Gustong magpabakuna kontra COVID-19?
Kung oo, inihahandog ng Southern Isabela College of Arts and Trades ang World Café of Opportunities na gaganapin sa Agosto 25-26, 2022, alas-8 ng umaga. Ito ay naglalayong makatulong sa mga indibidwal na nais mag avail ng mga nakasaad na serbisyo sa taas sa pamamagitan ng:
✅Jobs Fair
✅National Enrollment Day
✅National Competency Assessment Application
✅Free Skills Demonstration for Massage and Hand Spa
✅COVID-19 Vaccination
Sa mga interesadong aplikante sa Jobs Fair, mangyaring dalhin ang inyong Resume/ Biodata, ID pictures (3 pcs. 2x2 or passport size) at School Credentials (Diploma, TOR, NC II, etc.)
Sa mga interesado naman na mag enroll, maaaring tignan ang mga requirements sa link na ito: https://sites.google.com/tesda.gov.ph/sicat-tesda/programs-services/requirements-for-admission
Ano pang hinihintay ninyo? Apply na!