07/08/2026
ᴘᴀɢʙᴜʙᴜᴋᴀs ɴɢ ʙᴜᴡᴀɴ ɴɢ ᴡɪᴋᴀ ᴀᴛ ᴋᴀsᴀʏsᴀʏᴀɴ 2026
Pormal nang sinimulan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2026 sa Mababang Paaralan ng Secante Bag-o sa ilalim ni Gng. Genefer D. Cababat, punongguro.
Sa pagpaparada ng mga natatanging kasuotang Pilipino, ang makabuluhang programang ito ay nagbigay-pugay sa ating wikang pambansa, mayamang kultura, at makulay na kasaysayan.
Nawa'y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang higit nating mahalin, pahalagahan, at ipagmalaki ang ating sariling wika at pagka-Pilipino. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagpapayabong ng ating kultura at kasaysayan para sa susunod na henerasyon.