Tondonians Campus Integrity Movers

Tondonians Campus Integrity Movers

Share

Ang PANDAYAN (Opisyal na Pahayagan ng THS-CIM para sa Taunang Ulat)

Photos from Campus Integrity Crusaders-Office of the Ombudsman's post 30/04/2026

Congratulations po!!

A Love and Support ❤️🎉✨

From: CIC Tondo High School, DCS-Manila (THS-CIM Family)

26/04/2026

💨 HAZE ALERT SA METRO MANILA DULOT NG NAGPAPATULOY NA SUNOG SA NAVOTAS SANITARY LANDFILL 🔥
As of 10:00 PM, April 26, 2026, Sunday

Dahil sa nagpapatuloy na sunog na sumiklab sa Navotas Sanitary Landfill, asahan ang haze na dinadala ng kasalukuyang direksyon ng hangin sa ilang bahagi ng ngayong gabi:

METRO MANILA
• Navotas City
• Malabon City
• Valenzuela City
• Caloocan City
• Quezon City
• Manila City
• San Juan City
• Mandaluyong City
• Makati City
• Pasay City
• Taguig City
• Paranaque City
• Las Piñas City

Ang haze ay mapanganib sa kalusugan, lalo na sa mga bata, matatanda, at mga may sakit sa baga. Hanggang sa hindi pa humuhupa ang sunog, narito ang mga paalala sa lahat ng mga residenteng nakatira sa mga nabanggit na lugar:

• Manatili sa loob ng bahay at isara ang lahat ng bintana at pinto.
• Magsuot ng face mask kung kailangang lumabas ng bahay.
• Iwasan ang pag-eehersisyo o mabibigat na gawain sa labas.
• Uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated.
• Mag-ingat sa pagmamaneho dahil sa malabong paningin sa kalsada (low visibility).
• Agad magpatingin sa doktor kung nahihirapang huminga o sumasakit ang dibdib.

Manatiling ligtas at alerto! Mag-antabay sa mga susunod na updates.

Philippine Emergency Alerts Monitoring Center

11/03/2026

Every-Juan-iSmile Sa 11R's Buhay na Sirkular: (Maka-Kalikasan)
(Integrity, Social Responsibility and Accountability) TOnDO na To!
Tondonian's Campus Integrity Movers (THS-CIM)
Tondo High School, DCS- Manila
SY. 2025-2026

INTRODUKSYON :

Sinasabing malaking bahagi ng basura na nakokolekta araw-araw ay nanggagaling sa loob mismo ng ating tahanan. Samantala, tone-toneladang basura naman ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, at bakanteng lote na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit. Ang pagsusunog ng mga plastik, pagbabaon ng mga toxic waste materials gaya ng baterya na nagdudulot ng leachate na posibleng magkontamina sa tubig na ating iniinom o maaaring pagkatuyot ng lupa, at ang walang pakundangan na pagtatapon ng mga basura kung saan-saan ay maaaring magdulot di lamang ng tambak na basura kundi pulusyon sa ating hangin, lupa at anyong tubig na mga pangunahing pangangailangan ng lahat ng mga may buhay dito sa mundo.

Ang sanga-sangang mga kaganapang ito na ang dala ay banta at panganib ay hindi maikakailang dulot ng ating kawalan ng disiplina na kung magpapatuloy ay maaaring humantong sa lubusan na pagkasira o pagkawasak di lamang ng ating kalikasan maging ng buhay ng lahat ng nilalang sa mundo ito.

Kaya naman, bilang tugon ng mga kabataan/mag-aaral ng Tondo sa mga isyu at hamong pangkapaligiran na ito ay buong pusong inihahandog ang programa " (Integrity, Social Responsibility and Accountability) TOnDO na To!", handog ng Tondonians Campus Integrity Movers (THS-CIM) ngayong panuruang taon 2025-2026. Sa pangunguna ng butihing punongg**o ng Mataas na Paaralang Tondo na si Dr. Elena Camba Reyes katuwang sina G. LawRence Yaj Duque at G. Jerbrain Bron bilang mga CIC na Tagapayo, Falcon Ong Cabrera, Kasalukuyang Pangulo ng samahan, at mula sa masugid na pagsusubaybay nina Gng. Amalia C. Solis, EPS sa Dibisyon ng Maynila at Gng. Grace Gilo, Puno ng Kagawaran ng Araling Panlipunan at sa pagtitibay ng Campus Integrity Crusaders-Office of the Ombudsman ay inaasahan ang tagumpay nito mula sa sama-samang pakikilahok at pakikiisa ng lahat. Sinadyang inugnay mula sa DepEd Core Value, Maka-KALIKASAN Ang serye ng aktibidad sa ilalim ng proyekto: "Every-Juan-ISmile Sa 11R's Buhay na Sirkular-- na isang buong taon actibidad na inaasahang lalahukan Hindi lamang ng mga mag-aaral sa sintang paaralan gayun din sa mga barangay komunidad katuwang ng paaralan.

Hinihikayat ang lahat na magpadala (via comment) ng mga larawan ng inyong pakikikiisa upang tulungan iligtas ang kalikasan. Sa inyong mga simple ngunit makabuluhan na gawain ay may malaking tulong-ambag ito para sa pagpapanatili, pagpapaganda, at pagsalba ng ating inang kalikasan. 🌱☘️🌻🌿

Tondonians Campus Integrity Movers G. Lawrence B. Duque, Public School Teacher at DCS Manila Tondonian's Campus Integrity Movers (THS-CIM) Campus Integrity Crusaders-Office of the Ombudsman Dhona Reyes Dol Fenix Galicia Olhen Rence Duque Falcon Ong Cabrera LawRence Yaj Bati Duque











04/03/2026

Orange My World; Hashtag Campaign (Online Activity)




Hello! Bucaneg, Trias, and Joaquin ✋👋👇
Tondonian's Campus Integrity Movers (THS-CIM)
(Integrity, Social Responsibility, and Accountability) TOnDO Na To!
Tondo High School, DCS- Manila
SY. 2025-2026

Paalaala: Isang kampanya ngayong Buwan ng Kababaihan.

INTRODUKSYON:
Ang "OrangeTheWorld" ay isang pandaigdigang kampanya na pinamumunuan ng United Nations (UN) upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan at kabataan. Nilalayon ng inisyatiba na itaas ang kamalayan, isulong ang zero tolerance para sa karahasan, at suportahan ang mga biktima nito.

Sa pagdiriwang ng "Buwan ng Kababaihan o Women's Month" ngayon Marso ay inaanyayahan ang lahat ng mga mag-aaral mula sa Mataas na Paaralang Tundo na makiisa sa proyektong pangunguna ng Tondonian's Campus Integrity Movers (THS-CIM) mula sa panawagan "I Orange My World; Hashtag Campaign", isang birtwal na gawain na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay, women's empowerment at programang magwawaksi sa karahasan at diskriminasyon sa pamamagitan ng "PHOTO ART CAMPAIGN" na gawain gamit ang hashtag campaign na; , , "

Isang edukatibong hakbang ng samahan (THS-CIM) upang ipakita ang pagkundina at pagwaksi sa diskriminasyon at karahasan higit na nararanasan ng mga kababaihan at kabataan sa ating lipunan.

Layunin nito na:
- Maibukas ang isipan ng mga kabataan hinggil sa mga usapin at hamon panlipunan gaya ng diskriminasyon at karahasan.
- Mahikayat ang mga kalahok higit lalo ang mga kabataan na magkaroon ng inisyatibong hakbang hinggil sa pagwawaksi sa diskriminasyon at karahasan nararanasan ng mga kababaihan at kabataan sa lipunan na ating ginagalawan.
- Makabubuo ng isang produktibo at malikhaing gawain na nagpapahayag ng pagsuporta at pakikiisa hinggil sa mga usapin, isyu, at hamon na kanilang maaaring pakilahukan.

* Makiisa at Makialam🙏🏻
Narito ang mga hakbang kaugnay sa inyong pakikilahok:

"I Orange My World; My Hashtag Campaign"
(Pumili ng isa alin man sa sumusunod)
: 🚫



1. Maghanap ng ano man larawan sa iyong cellphone/ o kumuha ng larawan na higit kapansin pansin ang kulay "Kahel o Orange".
2. Gumamit ng ano mang apps online, I-edito kasama ang personal na larawan (gaya ng ayos/porma sa ibinigay na halimbawa ng g**o) at ang napiling hashtag


🚫
I-save ng jpeg ang ineditong larawan kasama ng logo ng THS-CIM.
3. I- post/i-comment sa ibaba 👇🏻 (link na ibinigay ng g**o sa inyong pangkat) ang ineditong larawan kasama ang mga sumusunod na impormasyon;
A. Kumpletong Pangalan, Baitang/Pangkat, Kasarian
B. Project Title: "I Orange My World, My Hashtag Campaign"
(Ilagay ang napiling hashtag) 🧡✋
4. Buoin ang pahayag na:
"Kahel ang Kulay ng Mundo ko dahil .... " (ihayag ang dahilan sa pagtutol sa diskriminasyon, bullying o karahasan) 🚫 or

5. Para sa karagdagang puntos maaaring mag-challenge ng kahit na sino sa iyong kakilala/kaanak/kaibigan (I-add sa Group/Page ang Gusto Mong I-Challenge) 🧡 upang magbahagi ng kanyang personal na kampanya. Ikomento/mention sa iyong submitted photo ang kanyang pangalan gayun din ang kanyang tugon kaugnay sa gawaing ito.

"May Kapangyarihan ang Wika Mo, Gamitin mo ito upang ipakita ang Respeto"

Maraming Salamat sa inyong pakikiisa 🙏🏻

Para sa karagdagang Kaalaman at impormasyon kaugnay sa pagsusulong ng gawain na ito ay maaari mo pang mabása ang tungkol sa Bawal Bastos Law
sa https://pcw.gov.ph/faq-republic-act-no-11313/a.

CTTO: Credit (📸) to Komisyon sa Wikang Filipino 🙏

CIC President: Falcon Ong Cabrera
Co-Adviser: Jerbrain Bron
Adviser: Lawrence B. Duque
Dept. Head: Grace P. Gilo
Principal: Elena Camba Reyes Ph.D
EPS Araling Panlipunan: Amalia C. Solis


pcw.gov.ph











Tondo High School Campus Integrity Crusaders-Office of the Ombudsman LawRence Yaj Bati Duque Tondonians Campus Integrity Movers Dhona Reyes Dol Fenix Galicia

Photos from CCP Film, Broadcast and New Media's post 22/01/2026

Kaisa Kami! ✨👋 (Shared Post)

Powerful scriptwriting reminders from National Artist Ricky Lee ✍️ Writing and storytelling go deeper than we think.

Kaya't sumali na sa Open Mic Session at Short Shorts Film Competition this CCP Pasinaya 2026, February 7-8. Plus may Cinemalaya and Gawad Alternatibo screenings at workshops with special guests.

Stay tuned for more!

CTTO: Credit to the Rightful Owners. ✌️🎉

Photos from DepEd Philippines's post 22/01/2026

EDUKampanya 2026: Enhanced ALS ng DepEd
Tondonian's Campus Integrity Movers (THS-CIM)

Kaisa Kami ✨👋

Lahat ay pwede nang magbalik-aral, anytime!

Bata man, kabataan, o nakatatanda–ang bagong Enhanced ALS ay para sa iyo.

Bahagi ito ng patuloy na reporma ng DepEd at pamahalaan na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang bawat Pilipino na makapag-aral, kahit anong edad o sitwasyon. Suportado ito ni Pangulong Marcos Jr. at ni Secretary Sonny Angara, upang ang ALS ay maging tunay at lehitimong paraan ng edukasyon para sa lahat.

Mababasa ang bagong guidelines sa: https://www.deped.gov.ph/2026/01/19/january-19-2026-do-001-s-2026-implementing-guidelines-of-the-enhanced-alternative-learning-system/

14/01/2026

Mga Uri ng Pag-iyak mula Kay Ricky Lee

12/01/2026

Oh My GAD!
The Annual TalenTONDO Youth for the Arts Festival -- Presents: Gayang-Gaya Eksena sa Pelikulang Pilipino (A Short Film/Movie Clip Making Contest)

Magandang Buhay Tondonian's !✨👋

Kaugnay sa inyong paghahanda na Likhang Sining para sa maigsing pelikula/eksena tampok para sa TalenTONDO na aktibidad ay narito ang mahahalagang tala/iskedyul ng PAGPASA;

Petsa/Output na Dapat Ipasa: Iba pang impormasyon.
1. Disyembre 2025 - Tala ng mahahalagang impormation ng pangkat (Hal. Pangalan ng Grupo/Mga Kalahok Atbp) kasama ang bidyo klip ng gagayahing eksena sa pelikula (kung Short Scene) o iskrip/banghay ng pelikula (If Short Film) - *For Approval Purposes

2. Enero 11- 12, 2026/Kopya ng Orihinal na likha logo ng sariling produksyon (saved jpeg copy for movie poster) animated logo of group production design (Use for video making): kasama ang sypnosis ng ginagawang pelikula (submit via messenger app).

3. Enero 14, 2026/Paskil ng Pelikula/Movie Poster: For Approval and posting purposes *For emoji react points system.

4. Enero 17, 2026/Pinal na Pagpapasa ng Short Film/Clip Movie Scene na aktibidad. *Final Output of Video/Film will be posted via THS-CIM YouTube Account

Note: Late Submission of said entries will deduct automatically to the points.

Others: Para sa pinal na pagpupuntos at birtwal na pagpaparangal mangyari na hintayin lamang ang itatalagang araw kaugnay sa kulminasyon nito. Salamat









10/01/2026

NAM2026: Oh My GAD! The Annual TalenTONDO Youth for the Arts Festival. 🎨
Tondonian's Campus Integrity Movers (THS-CIM)
(Integrity, Social Responsibility and Accountability) TOnDO Na To!
Tondo High School, DCS- Manila
SY. 2025-2026

Hello Tondonian's!! 👋

Sa papalapit na buwan ng Pebrero, kung saan gugunitain ang taunang paghahanda para sa selebrasyon ng Buwan ng Pambansang Sining (National Arts Month 2026), alinsunod sa Presidential Proclamation No. 683 idineklara noong Enero 28, 1991, ay buong pusong ipinagmamalaki sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) ang pagpapatuloy sa pagdiriwang ng kasiningan at pagkamalikhain ng mga Pilipino gamit ang pagsasagawa ng lokal na programa kaugnay sa selebrasyong ito. Ang pangkalahatang tema ngayon taong 2026, ay “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting”, para sa pagbibigay-diin kung paano itinataguyod ng sining ang katotohanan, katapangan, at pagtutulungan ng mga Pilipino para sa responsableng pagbuo at pagpapanatili sa kabuluhan ng mga komunidad o lipunan.

Ang temang ito ay naglalarawan na ang sining ay hindi lamang produkto ng malikhaing pag-iisip, kundi ang kinalabasan din ng ibinahaging karanasan at kolektibong adhikain ng mga tao. Bilang pagpapahayag ng katotohanan at kagitingan, ang sining ay nagiging bukal ng pag-asa at isang puwersang gumagabay tungo sa isang mas makatarungan at progresibong lipunan.

Kaugnay dito, ang Tondonian's Campus Integrity Movers (THS-CIM) ng Mataas na Paaralang Tondo sa Dibisyon ng Maynila na mas kilala bilang Campus Integrity Crusaders (CIC) likha at apilyado sa pamumuno ng Office of the Ombudsman, isang pampaaralang organisasyon o samahan binubuo ng mga kabataan, na may layuning magtaguyod ng katapatan, integridad, at responsibilidad sa lipunan sa mga mag-aaral na nagbibigay kapangyarihan sa kanila na labanan ang katiwalian sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pamumuno at mga proyektong nagtataguyod ng mga etikal na halaga at mapanagutan. Kaya naman, buong puso na inihahandog ang lokal na programa (school-based) para sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining, 2026 --- ang "NAM26: The Annual TalenTONDO Youth for the Arts Festival", serye ng mga paligsahan at palatuntunan (hybrid approach) na maaaring lahukan ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralang Tondo mula sa iba't-ibang baitang (Junior and Senior High) para sa panuruang taon (SY) 2025-2026.

Narito ang mga paligsahan na maaaring pakilahukan ng mga mag-aaral; 👉

A. Indibiduwal na Kategorya (Single Category)

(1)Malikhaing-Isip-KamayLigsahan (Poster-Slogan Making Contest)

(2) Ako'y May Tula-- Aking Itatala: -- Isang Masining at Malayang Pagsulat ng Tula. (Poem Writing)

(3) ArtScrap; Isang Inobatibong Paggawa ng Sining-Resiklo (An Innovative Works of Arts from the Scrap)

(4) TikTok: Who Got To Be! (A Search for Hugot King and Queen)

B. Pampakatang Kategorya (Group Category)

(5) Nakaka-Lokal TOURismo Sa Tondo, Batang Manileño-- Bidyo-Turismo na Kampanya (Local- Tourism Video Making)

(6) Gayang-gaya Eksena sa Pilikulang Pilipino (A Short Scene Film Festival of Talents)

Hintayin ang mga detalya at iba pang mahahalagang impormasyon kaugnay sa mga nakatalang aktibidad/patimpalak para sa nalalapit na NAM2026.

CTTO: Credit Photo to National Commission for Culture and the Arts 🙏

President: Falcon Ong Cabrera
Co-Adviser: Jerbrain Bron
Adviser: LawRence Yaj Duque
Dept. Head: Grace P. Gilo
Principal: Elena C. Reyes Ph.D
E.P.S Araling Panlipunan: Amalia C. Solis











Campus Integrity Crusaders-Office of the Ombudsman G. Lawrence B. Duque, Public School Teacher at DCS Manila Dhona Reyes Olhen Rence Duque Tondonians Campus Integrity Movers Falcon Ong Cabrera

Photos from Tondonians Campus Integrity Movers's post 08/01/2026

Project T.R.I.B.O (Tondo Youth Reaching Individuals Beyond Obstacles) Feeding Stray Cats and Dogs Activity.
Tondonian's Campus Integrity Movers (THS-CIM)
(Integrity, Social Responsibility and Accountability) TOnDO Na To!
Tondo High School, DCS-Manila
SY. 2025-2026

Mula sa kaibuturan ng aming mga puso, ang Tondonians Campus Integrity Movers Club ng Mataas na Paarala g Tondo na pinangungunahan nina G. Lawrence B. Duque, Public School Teacher at DCS Manila at G. Jerbrain Bron (Advisers) kasama ang mga Opisyales ng nasabing samahan ngayon panuruang taon 2025-2026 sa pangunguna ni Falcon Ong Cabrera (Pangulo, THS-CIM) at sa paggabay ng aming butihing punongg**o na si Dr. ELENA C. REYES at ng masipag na Puno ng Kagawaran ng Araling Panlipunan na si Ma'am Grace P. Gilo; ay lubos ang pasasalamat sa lahat ng nagpahatid ng tulong donasyon sa naging tagumpay ng proyektong ito. 👍

Nawa'y patuloy po na kayo ay laging sumuporta sa lahat ng aming programa ngayon at sa hinaharap na ating pagsasamahan. Maraming Salamat po! Ulanin pa po kayo palagi ng biyaya. 🙏 God Bless!! 🧨🎉✨










Campus Integrity Crusaders-Office of the Ombudsman Dhona Reyes Falcon Ong Cabrera Olhen Rence Duque LawRence Yaj Duque Cyrus Andrei Aborque Dol Fenix Galicia

Want your school to be the top-listed School/college in Tondo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Quezon Street , Bo. Magsaysay
Tondo
1012