01/03/2026
REST IN PEACE, SIR PAGSANJAN. 🕊️🙏
Malungkot naming ibinabahagi ang biglaang pagpanaw ng aming minamahal na Values Education teacher, si G. Ernesto Pagsanjan.
Napakahirap tanggapin ng balitang ito. Parang kailan lang ay naririnig pa namin ang kanyang mga aral at mga paalala sa loob ng silid-aralan. Si Sir Ernesto ay hindi lamang isang g**o, kundi isang gabay at huwaran na tunay na nagmamalasakit sa paghubog ng aming pagkatao.
Bilang mga Tondonian, malaking pagpapala na naging bahagi siya ng aming paglalakbay bilang mga mag-aaral. Ang mga aral na kanyang itinanim sa aming mga puso ay mananatili at patuloy naming dadalhin saan man kami magpunta.
Nakikiusap po kami sa lahat na isama si Sir Ernesto at ang kanyang pamilya sa inyong mga panalangin sa panahong ito ng pagdadalamhati.
Maraming salamat po, Sir Ernesto, sa gabay at inspirasyon. Mananatili kayong buhay sa aming alaala at sa mga pagpapahalagang itinuro ninyo sa amin. Nawa’y makamtan ninyo ang kapayapaan sa piling ng Panginoon. May your soul rest in peace. 😢