15/07/2026
ππππππ ππππππππ πππππ ππππ ππππ, ππππππ πππππ ππ ππππ πππ ππππππππ ππ ππππππ.
Noong nakaraang taon, ilang mag-aaral ng Manuel Luis Quezon High School ang naapektuhan ng sunog. Sa panahong iyon, naging katuwang natin ang Lakandula High School sa pagbibigay ng tulong at pagdamay sa ating komunidad.
Ngayon naman, mga mag-aaral ng Lakandula High School ang naapektuhan ng sunog. Bilang pasasalamat sa kabutihang minsan nilang ipinakita sa atin, inaanyayahan namin ang bawat isa na makiisa sa ating Donation Drive upang maipakita ang tunay na diwa ng bayanihan at pagmamalasakit.
Sa mga mag-aaral na nais magbigay ng donasyon para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog, maaari kayong magdala ng mga sumusunod:
β’ Damit
β’ School Supplies
β’ Pinaglumaang Sapatos
β’ Pagkain
β’ Bottled Water
β’ Hygiene Kits (Soap, Shampoo, Toothbrush, Toothpaste, Sanitary Pads, Alcohol, at iba pa)
β’ Kumot o Blanket
β’ Anumang Halaga ng Donasyon
β’ Iba pang bagay na maaaring makatulong
Higit sa anumang materyal na bagay, ang ating taimtim na panalangin para sa kanilang kaligtasan, lakas ng loob, at mabilis na pagbangon ang isa sa pinakamahalagang maibibigay natin.
Ang bawat donasyong inyong ibibigay, gaano man ito kaliit o kalaki, ay malaking tulong para sa kanila. Panahon na upang suklian natin ang kabutihang minsan nilang ipinakita sa atin. Sama-sama nating ipakita ang tunay na diwa ng pagmamalasakit at bayanihan.
βοΈ John Carlo Cabrera - SSLG President
π¨ John Carlo Cabrera - SSLG President