21/08/2026
Buwan ng Wika 2026 ๐ต๐ญ
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto, masiglang nakibahagi ang mga mag-aaral mula SNED, Preschool hanggang Senior High School sa pamamagitan ng pagsusuot ng kani-kanilang magagandang kasuotang Pilipino. ๐ต๐ญโจ
Naging mas makabuluhan at masaya rin ang pagdiriwang dahil naghanda ang ating Filipino Coordinator ng isang masiglang Question and Answer tungkol sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlang Pilipino. Buong sigla at pananabik na sinagot ng mga mag-aaral ang mga tanong, na nagpapakita ng kanilang kaalaman at pagmamahal sa ating sariling kultura.
Nagkaroon din ng masayang salo-salo sa bawat silid-aralan, kung saan nagsama-sama ang mga mag-aaral at kanilang mga g**o upang ipagdiwang ang kagandahan ng ating wika at kultura.
Mabuhay ang Wikang Filipino! ๐ต๐ญ
Mabuhay ang Kulturang Pilipino! โค๏ธ๐๐