29/08/2025
𝐈𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐊𝐁𝐀𝐍𝐆
Muling pinatunayan ng pangkat Gamasians na ang sigasig, tiyaga, at determinasyon sa pagsasanay ay magbubunga ng karangalan matapos nilang makamit muli ang unang gantimpala sa Tagisan ng Talino sa pangkluster na kulminasyon ng Buwan ng Wika na idinaos kahapon, Agosto 28, sa Paaralang Sentral ng Sibalom.
Matapos makuha ng apat napu’t limang puntos, matagumpay na nakuha ng pangkat ang unang gantimpla laban sa apat pang distritong lumahok.
Sa ilalim ng gabay ng kanilang tagapagsanay, Bb. Mariah Gailah T. Casidsid, muling tatangkain ng pangkat na kinabibilangan nina 𝑳𝒐𝒓𝒆𝒊𝒏 𝑯. 𝑫𝒐𝒍𝒂𝒕𝒓𝒆 (Baitang 10), 𝑱𝒖𝒍𝒊𝒂𝒏𝒆 𝑹𝒐𝒔𝒆 𝑺. 𝑺𝒂𝒏𝒕𝒊𝒂𝒏𝒆𝒔 (Baitang 9), 𝑨𝒓𝒊𝒆𝒍 𝑱𝒂𝒅𝒆 𝑺. 𝑹𝒖𝒃𝒊𝒏𝒐𝒔 (Baitang 8) at 𝑴𝒊𝒔𝒔𝒚 𝑹. 𝑷𝒂𝒎𝒊𝒏𝒊𝒂𝒏𝒐 (Baitang 7) na maipatuloy ang panalo sa pansangay na kulminasyon na gaganapin bukas, Agosto 30, sa Delegate Angel Salazar Jr. Memorial School.
Ang tagumpay na ito ay palaging ikinararangal ng inyong paaralan at nang kanyang komunidad. Nawa’y dinggin ng Panginoon ang hiling ng inyong mga puso.
𝑨𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝑮𝒂𝒎𝒂𝒔𝒊𝒂𝒏𝒔 𝒂𝒚 𝒍𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒔𝒖𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒉𝒂𝒏𝒈𝒂𝒓𝒊𝒏.