04/10/2020
TIPS PARA SA MGA NAG-MOMODULE ๐
1. Magbasa.
Wag sagot ng sagot mga bata/ feeling bata (haha) Magbasa muna po ah. Wag masyado excited sa mga sasagutan. Hindi paunahan ang labanan dito. (Wag masyado magmadali.) I-prepare ang sarili para sa mga sasagutan. Dyan ka kasi sa binabasa mo makakuha ng sagot.
2. Magsulat.
Kapag tapos ka na magbasa, isulat mo yung mga importanteng details dun sa binasa mo. Para kapag ibinalik mo yung module, meron ka pa ring notes. May babalikan ka. Gets mo po?
Kapag may di ka naintindihan, it's time to ask for help. Kung may internet, pwede kay pareng Google. Kung wala, yung mga andyan sa bahay nyo, tanungin mo. Kung wala ka talagang makuhang sagot, ang best option ay kay Teacher, syempre. Sila ang mas nakaka-alam at mas may accurate na explanation sa mga tanong mo. Wag mahihiya magtanong Be polite sa pagtatanong. Hindi yung aporado ka, remember, hindi lang ikaw ang estudyante ng teacher mo. Okay po?
3. Mag-answer.
Ayan. Heto na ang pinakahihintay mo. Pwede ka na mag answer. Pero syempre, hindi naman masama magkamali. Dyan ka kasi matututo. Wag masyadong ambisyosa/so na kailangan perfect ka sa mga yan. Wag masyadong competitive. Mas importante na may matutunan ka.
At isa pa, ang answer key tinitignan kapag tapos ka na mag answer. Hindi yung habang nag aanswer titignan mo. Sinong niloloko mo po? Aber? Dyan kasi makikita kung may natutunan ka nga ba o wala. Puro check nga yang papel, tapos wala ka naman nagets. USELESS. Kaya be honest para matulungan ka ng teacher mo kung kailangan mo ng tulong.โฅ๏ธ๐ฅฐ
Most important tip: Magpray bago mag basa/answer ng module. Ask for knowledge, wisdom and guidance kay Papa God. His ways are different from our ways. Mas ok yung gumagawa ka nyan na may peace of mind para chill ka lang. Wag makikipag unahan sa pag answer. Kapag pagod na, magpahinga rin. Sa school nga may recess (favorite ๐) Hindi yung puro ka rant sa social media na pagod na pagod ka na tapos andami mo palang mga posts at share sa fb pero di ka pa nga nakakaabot ng page 5 sa isang subject mo. ๐๐
God bless everyone. Sana makatulong sa inyo.
That in all things God may be glorified!
Ctto