31/07/2025
Tingnan: Ikalawang Pagpupulong ng Kaguruan sa Filipino at Opisyal ng SAMAFIL, idinaos!
Isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapalalim ng diwa ng pagkamakabayan ang matagumpay na isinagawang ikalawang pagpupulong ng mga kaguruan at opisyal ng SAMAFIL (Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino) bilang paghahanda sa nalalapit na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025. Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mga mungkahing gawain, tema, at adhikaing magsisilbing gabay sa pagsasakatuparan ng mga programang layuning itaguyod ang kahalagahan ng wikang Filipino at kulturang Pilipino. Buo ang suporta ng bawat isa sa layuning maging mas makabuluhan, makabago, at makatao ang pagdiriwang ngayong taon. Tunay ngang sa sama-samang pagkilos at malikhaing pag-iisip, mas mapapalalim pa natin ang pag-unawa at pagmamalasakit sa ating sariling wika at pagkakakilanlan bilang Pilipino.