20/06/2025
PASABOG NA PASASALAMAT!
Mainit man ang panahon, hindi matutumbasan ang init ng iyong malasakit, Sir Syd Consulta Condino! 💛
Lubos po ang aming pasasalamat sa inyo sa donasyon ng 4 na electric fans para sa Misibis Integrated School. Hindi lang po kayo nagbigay ng kaginhawaan sa aming mga silid-aralan—nagbigay rin po kayo ng inspirasyon at pag-asa sa aming mga g**o at mag-aaral.
Ang bawat ikot ng bentilador ay paalala ng kabutihang umiikot din sa mundo—at isa po kayo sa mga patunay niyan. Salamat po sa inyong walang sawang suporta sa edukasyon at sa kinabukasan ng kabataan! 🙏
Mabuhay po kayo, Sir Syd! Isa kang tunay na bayani ng Misibis!