18/08/2026
ASEAN MONTH AT INDIGENOUS PEOPLES’ DAY CELEBRATION 2026
Isang makabuluhang pagdiriwang ng ASEAN Month at Indigenous Peoples Day ang ating isinagawa noong Agosto 17–18, 2026 sa TAIS Covered Court, sa pangunguna ng mga g**o sa Araling Panlipunan (AP) Department ng Junior High School at Senior High School.
Sa pagdiriwang na ito, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, paggalang sa pagkakaiba-iba ng kultura at pagpapahalaga sa mga katutubong pamayanan. Naging bahagi rin ng selebrasyon ang paggunita sa Indigenous Peoples Day na may temang “Honouring Indigenous Midwives: Safeguarding Life and Well-being.”
Bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pakikiisa sa mga bansang kasapi ng ASEAN, nakiisa ang buong paaralan sa sabay-sabay na pag-awit ng ASEAN Anthem. Naging bahagi rin ng pagdiriwang ang pagsusuot ng ASEAN-inspired attire, na nagbigay-kulay sa selebrasyon at nagsilbing pagpapakita ng pagpapahalaga sa mayamang kultura at pagkakaiba-iba ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
Naging tampok din ang pagpapakita pagwagayway ng mga watawat ng mga bansang kasapi ng ASEAN, bilang simbolo ng pagkakaisa, pagkakaibigan at pagtutulungan ng mga bansa sa rehiyon.
Binigyang-diin din sa selebrasyon ang integrasyon ng mga konsepto at pagpapahalaga ng ASEAN sa mga aralin, upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang ugnayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya at ang kahalagahan ng pagkakaisa at kooperasyon sa rehiyon.
Nagsagawa rin ang mga g**o ng Araling Panlipunan Department ng mga oryentasyon para sa mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng ASEAN, mga layunin nito at ang papel nito sa pagtataguyod ng kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran sa rehiyon. Sa pamamagitan nito, napalalim ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng pagiging bahagi ng isang rehiyong nagkakaisa tungo sa mas magandang kinabukasan.
Kasabay nito, binigyang-pansin din ang IP Day, na naglalayong palakasin ang pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, karapatan at pagkakakilanlan ng mga Indigenous Peoples.
Ang pagdiriwang ay higit na naging makabuluhan sa pamamagitan ng mga mensahe, intermission numbers at iba pang gawaing naglalayong palaganapin ang diwa ng pagkakaisa, pagkakaiba-iba at pagpapahalaga sa kultura.
Sa sama-samang pagkilos at pagkatuto, patuloy nating isinasabuhay ang diwa ng ASEAN—“Navigating Our Future, Together.”
Mabuhay ang ASEAN! Mabuhay ang ating Indigenous Peoples!