DepEd Banalo Elementary School-Tingloy, Batangas

DepEd Banalo Elementary School-Tingloy, Batangas This is the official FB page of Banalo Elementary School–Tingloy, Batangas

"When the time is right, I, the Lord, will make it happen."— Isaiah 60:22God’s timing is always perfect! We are overflow...
03/08/2026

"When the time is right, I, the Lord, will make it happen."
— Isaiah 60:22

God’s timing is always perfect! We are overflowing with joy and pride as we celebrate your well-deserved promotion to Teacher II.

Your unwavering dedication, hard work, and passion for teaching have truly borne fruit. The entire Banalo Elementary School family is so proud of you and this wonderful milestone in your teaching journey.

May God continue to bless your hands, guide your heart, and inspire you as you shape the minds of our learners! Keep shining bright, Ma’am Kersha! ✨💙

Isang malaking karangalan para sa buong pamilya ng aming paaralan ang naging pagdalaw ng ating bagong Public Schools Dis...
29/07/2026

Isang malaking karangalan para sa buong pamilya ng aming paaralan ang naging pagdalaw ng ating bagong Public Schools District Supervisor na si Dr. Antonio M. Ilagan.

Maraming salamat po, Sir, sa oras at dedikasyon na inyong ibinahagi sa amin. Ang inyong ibinigay na Technical Assistance ay isang malaking tulong upang mas mapagbuti pa namin ang aming mga programa at serbisyo para sa mga mag-aaral.

Ang inyong masayang pakikitungo ay tunay na nagbigay ng inspirasyon at nagpatibay ng samahan ng ating mga g**o.
Tunay pong isang biyaya ang pagkakaroon ng isang lider na tulad ninyo. Maraming Salamat po, Dr. Ilagan!

✨ Success is best when it's shared! ✨Yesterday was a beautiful reminder of what happens when a community works together....
18/07/2026

✨ Success is best when it's shared! ✨

Yesterday was a beautiful reminder of what happens when a community works together. We are thrilled to share that the onsite validation for our SY 2025–2026 OPCR and IPCR Ratings was a resounding success! 🌟

Cheers to our phenomenal leaders— our School Head Ma'am Sheryl Bagos Jugueta, Sir Darnell Mortel, our Administrative Officer, and to our Master Teacher, Ma'am Evangelista Bambiee. Your hard work keeps our school shining bright! 👑💼

Our heartfelt gratitude to SDO Batangas Province Validation Team 4, led by CID Chief Sir David M. Nuay, along with Sir Emerson B. Dalangin and Ma'am Irene Grace Q. Gonzales, for keeping us grounded and inspired.

We also extend our love and thanks to our PSDS, Dr. Antonio M. Ilagan, and our hospitable hosts from Tingloy Central School, headed by Ma'am Marife Albo. ☕🌸

Most importantly, thank you, Lord, for holding our hands through it all. We couldn't have done it without Your grace! 🥰🙏

Isang Taos-pusong Pasasalamat mula sa Banalo Elementary School! ❤️"Undying support and unending love." Ito ang patuloy n...
09/07/2026

Isang Taos-pusong Pasasalamat mula sa Banalo Elementary School! ❤️

"Undying support and unending love." Ito ang patuloy na ipinadarama sa atin ng Barangay San Isidro!

Isang napakalaking biyaya po para sa 100% ng ating mga mag-aaral ang natanggap nilang mga donasyon—mga bagong payong na magagamit ngayong panahon ng tag-ulan, cotton face towel, at coloring materials na tiyak na magpapasigla sa kanilang pag-aaral.

Walang katapusang pasasalamat po kay Brgy. Captain Mario Bisa, sa mga masisipag na Brgy. Konsehal, Brgy. Health Workers (BHWs), at mga Volunteers na laging nandiyan para sa ating mga bata.

Mula po sa pamunuan ng paaralan sa pangunguna ng ating School Head, Ma'am Sheryl B. Jugueta, kasama ang mga g**o at magulang, MARAMING MARAMING SALAMAT PO! Ang inyong consistent na suporta ang nagbibigay-lakas sa amin upang ipagpatuloy ang paggabay sa kinabukasan ng ating mga pag-asa ng bayan. 🌟

🌈 Edukasyong may Respeto, Pagtanggap, at Pagkakaisa! 🌈Isang makulay na Happy Pride Month mula sa Banalo Elementary Schoo...
26/06/2026

🌈 Edukasyong may Respeto, Pagtanggap, at Pagkakaisa! 🌈

Isang makulay na Happy Pride Month mula sa Banalo Elementary School!

Sa loob at labas ng ating mga silid-aralan, patuloy nating ipaglaban ang isang ligtas at inklusibong kapaligiran kung saan ang bawat bata at kawani ay kinikilala at pinapahalagahan.

Sama-sama nating isulong ang pagmamahal at karapatan ng bawat indibidwal na maging totoo sa kanilang sarili. ❤️🧡💛💚💙💜

Happy Birthday, Ma'am Floriza V. Sandoval! 🎉 Thank you for your dedication, patience, and for always inspiring our learn...
25/06/2026

Happy Birthday, Ma'am Floriza V. Sandoval! 🎉 Thank you for your dedication, patience, and for always inspiring our learners. Wishing you a wonderful day filled with joy, good health, and many more blessings. Have a fantastic birthday, Ma'am! ❤️

Ipinaaalam po sa lahat ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at mga stakeholders na opisyal nang binago ang pangalan ng atin...
25/06/2026

Ipinaaalam po sa lahat ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at mga stakeholders na opisyal nang binago ang pangalan ng ating opisyal na page alinsunod sa DepEd Order No. 007, s. 2026 (Media Management Guidelines).

Alinsunod sa Division Advisory No. 097, s. 2026, narito ang ating bagong pangalan:

🔹 Dating Pangalan: Deped Tayo Banalo Elementary School
🔹 Bagong Opisyal na Pangalan: Deped Banalo Elementary School

Ang pagbabagong ito ay epektibo upang mas mapatibay at mapag-isa ang pagkakakilanlan (branding) ng Kagawaran ng Edukasyon sa lahat ng antas.

Para sa mga katanungan o karagdagang gabay, maaari kayong makipag-ugnayan sa:
📞 0995 167 4316
📧 [email protected]

Ligtas at maayos na nakiisa ang buong komunidad ng Banalo Elementary School sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simult...
18/06/2026

Ligtas at maayos na nakiisa ang buong komunidad ng Banalo Elementary School sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw! ⛑️

Bahagi ng naging aktibidad ang isang mahalagang talakayan ukol sa Earthquake Awareness na personal na pinangunahan ng ating butihing School Head, Maam Sheryl Jugueta. Sa pamamagitan nito, mas pinalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at kawani ukol sa mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng sakuna.

Sa gabay ng ating mga g**o, SDRRM Team, matagumpay na naisagawa ng mga mag-aaral ang tamang proseso ng paglikas.

Ang tamang kaalaman at maagang paghahanda ang ating pinakamabisang sandata!

Isang mainit at buong-pusong pagbati ang ipinaabot ng Banalo Elementary School sa ating bagong talagang Public Schools D...
17/06/2026

Isang mainit at buong-pusong pagbati ang ipinaabot ng Banalo Elementary School sa ating bagong talagang Public Schools District Supervisor, DR. ANTONIO M. ILAGAN!

Isang malaking karangalan para sa amin ang magabayan ng inyong liderato, karanasan, at bisyon para sa higit pang ikauunlad ng ating mga mag-aaral at paaralan. Kami ay handang sumuporta sa lahat ng inyong mga adhikain at programa para sa Tingloy Sub-Office.

Mabuhay po kayo at maligayang pagdating, Dr. Ilagan! 💙

Buong-pusong nagpapasalamat ang Banalo Elementary School sa ating Outgoing Public School District Supervisor, Dr. Rodrig...
17/06/2026

Buong-pusong nagpapasalamat ang Banalo Elementary School sa ating Outgoing Public School District Supervisor, Dr. Rodrigo S. Castillo.

Maraming salamat po, Doc Rod, sa inyong walang-sawang dedikasyon, tapat na pamumuno, at sa patuloy na paggabay at suporta sa aming paaralan at komunidad. Ang inyong legasiya at mga aral ay mananatili sa aming mga puso habang patuloy naming itinataguyod ang kalidad ng edukasyon para sa ating mga mag-aaral.

Sa inyong susunod na paglalakbay, dalangin po namin ang inyong tagumpay, mabuting kalusugan, at mas marami pang pagpapala.

Isang karangalan po na makasama kayo! Maraming salamat at Good Luck po, Doc Rod!🥰

Address

Tingloy
4203

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Banalo Elementary School-Tingloy, Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to DepEd Banalo Elementary School-Tingloy, Batangas:

Shortcuts

Share

Category