30/05/2026
BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF PROGRAM
Magandang araw!
Inaanyayahan po ng Mabalodbalod Elementary School ang lahat ng mga magulang, tagapag-alaga, alumni, mga stakeholder, at volunteers na makiisa sa Kick-Off Program ng Brigada Eskwela 2026 sa darating na Lunes, Hunyo 1, 2026, sa ganap na ika-7:00 ng umaga sa Mabalodbalod Elementary School Ground.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at bayanihan, maihahanda natin ang ating paaralan upang maging malinis, ligtas, at handa sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral.
๐น Magsuot ng komportableng damit.
๐น Maaaring magdala ng mga kagamitan sa paglilinis tulad ng walis, pala, itak, bolo, basahan, at iba pang maaaring magamit sa paglilinis ng paaralan.
๐น Hinihikayat din po ang lahat ng magulang na magpalista/enrol ng kanilang mga anak para sa School Year 2026โ2027 upang masiguro ang kanilang maagang pag-enrol.
Ang inyong pakikiisa at suporta ay mahalagang ambag sa tagumpay ng ating paaralan at sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Tara na at makiisa sa Brigada Eskwela 2026!
Sama-sama nating ihanda ang Mabalodbalod Elementary School para sa ating mga mag-aaral.
๐๐ Maraming salamat at mabuhay ang diwa ng bayanihan!