31/08/2025
ARTS AND DESIGN TRACK, NAGNINGNING SA BUWAN NG WIKANG PAMBANSA
San Rafael, Tigaon, Camarines Sur– Ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa Arts and Design Track ng San Rafael National High School – Annex Campus ang kanilang galing at talento sa iba’t ibang patimpalak sa naganap na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
Mula sa Baitang 12 – Abellada, nakamit nina John Zaccheus Belleza, Tiffany Brita, Carl Adrian Pallan, Benjamin Pesimo, Troy Paterno, Jhan Myka Cuadro, Nelly Quiobe, at Stefhani Angel Villaruel* ang ikalawang puwesto sa Katutubong Sayaw. Sa Mutya at Lakan, pumasok bilang 4th runner-up si Tiffany Brita, samantalang naging kalahok si Jan Ernest Morte.
Hindi rin nagpahuli sa Tagisan ng Talino sina John Patrick Acabado, Jan Carlo Mabana,at Benjamin Pesimo matapos masungkit ang unang puwesto. Lumahok din si Mark Anthony San Juan sa Isahang Pag-awit.
Samantala, nangibabaw naman ang Baitang 11 – D***l matapos magwagi ng unang puwesto sa Katutubong Sayaw sa pangunguna nina Keenjoe Avila, Jesse Alvarez, Earl Jaster Bonganay, Jaydee Paladan, Amalia Renalie Bolima, Jeshley Anne Brazal, Mary Scarlett Iballa, at Divine Mae Melgarejo.
Nakamit din ni Divine Mae Melgarejo ang ikalawang puwesto sa Pagguhit ng Slogan, habang si John Manuel San Isidro ay nag-uwi rin ng ikalawang puwesto sa Pagguhit ng Poster. Sa Dalawahang Pag-awit, nagtanghal sina Marian Marie Duazo at Jessie Jay Inutan na nagkamit ng ikatlong puwesto.
Sa Tagisan ng Talino, sina Carl Vincent Duazo, Jaydee Paladan, at Franz Angelo Royo ay nag-uwi ng ikatlong puwesto. Sa larangan naman ng Finas-Sarap, nakamit nina Yuma Dellosa at Prince Moran ang ika-apat na puwesto.
Bilang karagdagan, lumahok din sa Mutya at Lakan sina Kit John Adrian Lastrella at Karla Kathleya Frias.
Layout: Jan Carlo Mabana