27/08/2026
๐๐จ๐๐ง๐จ๐ฅ๐๐ก๐ ๐๐จ๐๐๐ข๐
๐ฟ๐๐ฌ๐ ๐ฃ๐ โ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐จ๐โ ๐ฃ๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐ฝ๐๐๐; ๐ ๐ช๐ก๐ฉ๐ช๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ข๐๐ก๐๐จ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ช๐ง๐ค
Ipinakita ng mga g**o ng F. Bustamante National High School (FBNHS) ang diwa ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa kulturang Filipino sa pamamagitan ng isang photo session na isinagawa noong Agosto 27, 2026 bilang bahagi ng pagtatapos ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Dumalo ang mga g**o mula sa ibaโt ibang departamento na buong pagmamalaking nagsuot ng barong, Filipiรฑana, at iba pang katutubong kasuotan bilang pagsalamin sa mayamang kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
โNagtapos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 ng Mataas na Paaralang Pambansa ng F. Bustamante sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan ng bawat departamento na nakasuot ng kasuotang Filipino,โ ani Gng. Zenaida O. Teleron, Ulong G**o ng Departamento ng Filipino.
Binigyang-diin ni Gng. Teleron na naging makahulugan ang aktibidad dahil sa sama-samang pakikilahok ng mga g**o, na aniyaโy patunay na nagiging magaan ang anumang gawain kapag may pagkakaisa.
โWalang gawaing mahirap kapag ang bawat isa ay handang makiisa,โ dagdag ni Gng. Teleron.
Samantala, iniugnay rin ang photo session sa tema ng pagdiriwang, na nagbibigay-diin sa papel ng makabagong teknolohiya sa pagpapalawig ng gamit at pagpapahalaga sa wikang Filipino.
โSa pagtatapos ng Buwan ng Wika 2026, ating baunin ang aral mula sa tema na ang Wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) ay maaaring maging makapangyarihang katuwang sa paghahanap, pagsusuri, at pagbabahagi ng kaalaman,โ pahayag ni Gng. Teleron.
Sa pamamagitan ng aktibidad, naipakita hindi lamang ang makukulay na mukha ng kulturang Filipino kundi maging ang pagkakaisa ng mga g**o bilang isang komunidad na patuloy na nagtataguyod sa wika, kultura, at makabagong paraan ng pagkatuto.
Umaasa si Gng. Teleron na magsisilbing tulay ang wikang Filipino at makabagong teknolohiya tungo sa mas malawak na impormasyon, makabuluhang pananaliksik, at mas maliwanag na kinabukasan.
Kuha ni: Arnel Flores, Bhea Marie, Jelaiza Doblas
Idinesenyo ni: Lenard Allawan