05/10/2026
๐
๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ ๐๐ข๐ค๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐๐ซ๐
Sulat ni Jackielyn Onido
Maraming nag-aakala na tapos na ang trabaho ng mga g**o paglabas nila ng classroom. Hindi nila alam na sa paglabas pa lamang ng classroom nagsisimula ang mas malaking bahagi ng kanilang tungkulin.
Bago paman sumikat ang araw, gising na si ma'am Marilou K. Y. Manzanilla, o mas kilala ng marami bilang ma'am Tata o maโam Taz. Gumigising siya ng maaga hindi upang gumawa ng lesson plan kundi mag asikaso muna para sa pamilya.
Bago siya maging g**o, nanay at asawa muna siya sa tahanan. Siya ang nag-aasikaso, nagluluto, at naghahanda para sa pamilya. Saka pa lamang siya humarap sa kaniyang tungkulin bilang g**o.
"Madalas maaga talaga akong gumigising kasi before ako magfocus sa school, may mga responsibilities din ako sa bahay at sa pamilya. Time management is very important to me kasi hindi lang teacher yung role ko, kundi nanay at asawa rin ako."
Ito ang hindi nakikita ng mga estudyante. Akala ng marami, ang buhay ng g**o ay nasa apat na sulok lamang ng silid-aralan. Ngunit hindi nila alam na sa likod ng pisara ay may mas malalim, mahaba, at mas makabuluhang kwentong hindi nakikita ng lahat.
Wala sa pangarap niya ang maging isang g**o. Nagtapos siya ng BSHRM at planong mag trabaho sa hospitality industry. Naging Front Desk Staff sa hotel at receptionist, at naging Assistant Purser sa cruise ship kung saan nahubog ang kaniyang kaalaman na hindi nakukuha sa libro.
"Honestly, di ko na-iimagine before na maging teacher ako. Parang "accidental teacher" ako as they say," pag-amin niya. "Pero [noong] nagka-family na ako, nagbago na rin ang priorities ko. I decided na mag stay and mag focus sa family, and at the same time, gusto ko magamit ang knowledge and experiences. That's why I decided to stay and work in the academe."
At sa unang araw niya sa classroom, tulad ng isang first year student sa unang tapak sa pinto ng silid-aralan kinakabahan din siya.
"May excitement at kaba. Noong first time kong pumasok sa classroom, ang daming tanong sa isip ko. Makikinig kaya sila? Maiintindihan kaya nila yung lessons ko? Kakayanin ko ba โto?"
Sa likod ng pisara, may isang g**o na nagdududa sa kaniyang sarili ngunit patuloy na lumalaban at natututong maniwala sa kaniyang sarili. Ang mga kaba na unti-unting nawawala at napalitan ng isang reyalisasyon: "Yes, this is something I can do."
Sa likod ng mga pagdududa at kaba niyang dala, naging inspirasyon niya ang kaniyang ina, na dati ring g**o at registrar. Sa nanay niya nakita ang tunay na dedikasyon. Hindi lang sa pagtuturo, kundi maging sa paghubog ng respeto, tiwala at pagpapahalaga sa sarili.
Sa likod ng pisara, may tambak na papel na kailangang e-check. May lesson plan na kailangang tapusin kahit na gabihin, mga meeting na kailangang daluhin kahit pagod na pagod na.
Minsan, pagod. Palaging puyat.
Ngunit hindi naging dahilan upang siya ay sumuko sa pagtuturo. Dahil sa likod ng mga pisara ay may mga mukha siyang naaalala. Mga mukha ng mga mag-aaral na dati'y mahiyain ngunit nagkaroon ng lakas ng loob; mga estudyanteng pinagsasabay ang pagtratrabaho at pag-aaral, ngunit handang matuto.
Kilala si maโam bilang mahigpit na g**o lalo na sa tuwing may pagsusulit. Bawal ang kopyahan. Kung kayaโt maraming nag aakala na siya ay istrikto. Pero sa likod ng pagiging istrikto ay may pagmahahal na dala.
"Sometimes, they may see me as a strict teacher, but I do it because I care for them. I want them to learn discipline, honesty, and responsibility because these are the values they will need in their future careers and in life", saad ni ma'am.
At kung may isang bagay na gusto siyang maituro na hindi nakasulat sa pisara, ito ang, "Attitude before knowledge".
"Pwede kasing marami kang alam na knowledge at skills. Pero kung wala kang good attitude, respeto, humility, at empathy hindi parin kumpleto. Yung skills natutunan, pero yung character at attitude kailangan talaga natin i-develop."
Sa huli, ang pangarap niya ay hindi lamang para sa sarili, bagkus ay pati na rin sa mga estudyanteng nangangarap at lumalaban ng patas sa hamon ng buhay.
"Gusto kung makita silang may trabaho, na-aachieve yung mga pangarap nila, at nagpapatuloy kahit anong challenges pa yan. At pag dumating yung time na maalala nila yung teacher nila, gusto ko hindi lang yung lessons na aking itinuro. Gusto kong maalala nila na may isang teacher na naniniwala sa kanila at nag- eencourage sa kanilang sumubok."
Sa mga likod ng pisara. Hindi lamang pambura at chalk, kundi sa likod din nito ang isang ina, asawa, dating hotelier, na piniling manatili sa kaniyang pamilya, at para sa mga estudyanteng naging bahagi na ng kaniyang buhay at itinuturing na rin bilang isang pamilya.
At doon niya nasukat ang tunay na tagumpay.
"[Ang] success ng estudyante, [ay siya ring] pinakamalaking success ng teacher."
Words by Jackielyn Onido