18/02/2026
“Piloto ng pag-aaral ng mga bata.”
- Rommel C. de Guzman
Ibinahagi ni Rommel de Guzman na bagaman hindi natupad ang kanyang pangarap na maging piloto dahil sa kakulangan ng pera, nahanap niya ang kanyang tunay na lipad sa larangan ng pagtuturo,sa RMNHS' covered court, Pebrero 18.
Sa kasalukuyan ay isa na siyang ganap na international teacher na itinuturing ang sarili bilang "piloto ng mga pangarap" dahil sa kanyang dedikasyong ihatid ang kanyang mga estudyante sa kanilang mithiin sa buhay.