21/08/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ | ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐
Ngayong araw, ginugunita natin ang Ninoy Aquino Day, bilang pag-alala sa buhay at mga naiambag ni Benigno "Ninoy" Aquino Jr. sa kasaysayan ng ating bansa.
Bilang mga kabataan at mag-aaral, mahalagang hindi lang natin alam ang mga pangalan at pangyayari sa ating kasaysayan, kundi pati na rin ang mga aral na maaari nating dalhin sa kasalukuyan. Ang araw na ito ay paalala sa atin ng kahalagahan ng kalayaan, demokrasya, pagkakaisa, at pagiging responsableng mamamayan.
Sa simpleng pag-aaral, pakikilahok, at paggawa ng tama, naipapakita rin natin ang pagpapahalaga sa ating bansa at sa mga sakripisyong bahagi ng ating kasaysayan.
Alalahanin ang nakaraan. Matuto mula rito. At gamitin ang kaalaman para sa mas magandang kinabukasan.
Layout by: SSC Public Relation Officer | Mr. John Paolo Almoguera
Caption by: SSC Associate Secretary | Ms. Adrienne Pagaling