09/11/2025
Sinuspinde ng Malacaรฑang, sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 106, ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa Lunes, Nobyembre 10, 2025, sa National Capital Region, Cordillera, at Rehiyon I, II, III, IV-A, IV-B, V, at VIII dahil sa hagupit ng Super Typhoon (Fung-wong) na nagdadala ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan sa Luzon.
Samantala, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa mga nabanggit na rehiyon, gayundin sa Rehiyon VI, VII, at Negros Island Region sa Nobyembre 10 at 11.