07/06/2026
ππͺπ»πͺπΆπ²π·π° πΌπͺπ΅πͺπΆπͺπ½, πΆπ°πͺ ππͺπ«πͺππͺπ·! ππ
Matagumpay nating nairaos ang Brigada Eskwela 2026, isang patunay na ang pagkakaisa at malasakit ng komunidad ay tunay na susi sa paghubog ng isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Sa ngalan ng buong Cabay National High School, taos-puso kaming nagpapasalamat sa ating mga alumni, mga magulang, mag-aaral, mga g**o, kawani, LGU, barangay officials, government at private partners, volunteers, at sa lahat ng ating stakeholders na naglaan ng kanilang oras, lakas, talento, at mga donasyon upang maisakatuparan ang adhikaing ito.
Ang bawat pinturang ipinahid, bawat silid na nilinis, bawat kagamitang ibinahagi, at bawat oras na inyong inilaan ay nag-iwan ng malaking ambag sa paghahanda ng ating paaralan para sa pagbubukas ng klase sa School Year 2026β2027.
Hindi lamang tayo naglinis ng paaralanβpinatatag din natin ang diwa ng bayanihan, pagmamalasakit, at sama-samang pananagutan para sa kinabukasan ng ating kabataan.
Mula sa aming puso, maraming, maraming salamat po! Nawaβy manatili ang inyong suporta at pakikiisa sa bawat hakbang ng Cabay National High School tungo sa mas mataas na kalidad ng edukasyon.
β¨ Sama-sama tayong magbubukas ng panibagong taon ng pagkatuto, pag-asa, at tagumpay.