04/10/2026
𝑺𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒕𝒊𝒕𝒊𝒌 𝒏𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒏𝒂𝒏, 𝒎𝒂𝒚 𝒈𝒖𝒓𝒐𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒕𝒖𝒕𝒐. Kaya naman, ang aming taos-pusong pasasalamat ay ihahatid namin sa simpleng A-BA-KA-DA.
A — Ang mga aral mula sa inyo ay isa sa mga binabaon namin sa araw-araw at dadalhin sa aming paglalakbay tungo sa magandang kinabukasan.
Ba — Bawat salita, payo, at gabay ninyo ay nagsisilbing inspirasyon upang patuloy kaming matuto, mangarap, at maniwala sa aming kakayahan.
Ka — Kayo ay nagsisilbing ilaw sa mga madilim na direksyon sa aming buhay, at ang bawat direksyong ito ay patungo sa tagumpay na aming minimithi.
Da — Dahil sa walang patid ninyong serbisyo, hatid namin ang walang sawang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo, tiyaga, at pagmamahal na inyong ibinibigay sa pagtuturo.
Hindi po kayo nagkulang sa pagtuturo, kaya po kami natutong mangarap nang mataas at buo. Hindi niyo po sa amin pinaramdam na hanggang dito lang, kaya mas lalo po kaming nagpupursigi nang may pag-unawa at galang sa bawat pagpasok namin sa paaralan.
𝑺𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒏𝒊𝒚𝒐 𝒑𝒐, 𝒎𝒂𝒔 𝒍𝒖𝒎𝒊𝒍𝒊𝒏𝒂𝒘 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒌𝒍𝒂𝒔𝒆𝒏𝒈 𝒈𝒖𝒓𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒖𝒔𝒕𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒓𝒂𝒘.
Maraming salamat po sa inyong sipag at pusong patuloy na bumubuo sa aming mga pangarap.
Muli, Maligayang Araw ng mga G**o po! 💛💙