16/07/2026
ππ’ππ¬ π¦π£ππ₯ππ§ π ππ¦π¦
Bilang paghingi ng patnubay at pagpapala ng Diyos sa pagsisimula ng Taong Panuruan 2026β2027, pinangunahan ni Rev. Fr. Romel Limbo, Lingkod Pari ng ating Parokya, ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa Cabay Elementary School ngayong ika-16 ng Hulyo 2026.
Nakiisa sa banal na pagdiriwang ang mga mag-aaral, mga katekista, g**o, at mga kawani ng paaralan upang sama-samang ipagkatiwala sa Panginoon ang panibagong yugto ng pagkatuto, paglilingkod, at paghubog ng bawat kabataan.
Kasunod ng Banal na Misa ay isinagawa rin ang pagbabasbas sa isang bagong silid-aralan na ipinagkaloob ng Department of Education- Division of Quezon. Dalangin natin na ang bagong gusaling ito ay maging lugar ng ligtas na pagkatuto, paglinang ng mabubuting pagpapahalaga, at paghubog ng mga kabataang may takot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.
Nawa'y patuloy na gabayan ng Banal na Espiritu ang buong komunidad ng Cabay Elementary School upang maging mabunga, makabuluhan, at pinagpala ang Taong Panuruan 2026β2027.
"Ang tunay na edukasyon ay nagsisimula sa pananampalataya."