16/08/2021
Paano mag-enroll sa Ternate Integrated National High School para sa S.Y. 2021-2022?
Kung WALANG internet/mobile data at hindi kayang makapagsagot sa pamamagitan ng online Google Form. Hindi problema iyan.
Gawin lamang ang 4 Steps na ito:
Step 1: Kumuha ng Modified Learner Survey and Enrollment Form (MLESF) sa Guard house ng Ternate Integrated National High School (ito ay isang pirasong papel lamang).
Step 2: Kumpletuhin ang mga datos na hinihinigi sa MLESF.
Step 3: Pagkatapos masagutan ang mga datos na hinihinigi sa MLESF, maaari itong ipasa sa pamamagitan ng paghuhulog ng form sa DROP BOX na matatagpuan sa TINHS Gate/guard house mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 am β 4:00 pm.
Step 4: Makipag-ugnayan sa iyong dating adviser at ipaalam sa kanya na ikaw ay nagpasa ng MLESF sa paaralan.
Kung MAYROON namang internet/mobile data at may kakayahang magsagot ng Google Form,
Gawin ang 3 Steps na ito:
Step 1: I-click ang link na ito na naglalaman ng Modified Learner Enrollment and Survey Form (MLESF).
LINK FOR ONLINE ENROLLMENT
Incoming Grade 7
https://tinyurl.com/TINHSIncomingG72021
Incoming Grade 8
https://tinyurl.com/TINHSIncomingG82021
Incoming Grade 9
https://tinyurl.com/TINHSIncomingG92021
Incoming Grade 10
https://tinyurl.com/TINHSIncomingG102021
Incoming Grade 11
https://tinyurl.com/TINHSIncomingG112021
Incoming Grade 12
https://tinyurl.com/TINHSIncomingG122021
Step 2: Sagutan ang LAHAT ng datos na hinihingi.
Kung may katanungan patungkol sa pagsasagot ng Online Form, makipag-ugnayan sa iyong dating adviser.
Step 3: Matapos masagutan ang Online Form, ipaalam sa iyong dating adviser na ikaw ay nakapagsagot na.
Maaaring magsend ng screenshot o magpadala ng mensahe sa inyong group chat.
Hintayin ang susunod na announcement ng paaralan o g**o patungkol sa LISTAHAN ng mga naitalang mag-aaral para sa S.Y. 2021-2022.
Para sa mga transferee o new student, ito ang mga kailangang dalhin:
Grade 7 β 10 (Transferee o Balik-aral)
1. Report Card
2. NSO/PSA Birth Certificate (photocopy)
Grade 11 β 12 (Transferee o Balik-aral)
1. Report Card
2. NSO/PSA Birth Certificate (photocopy)
3. Certificate of Completion/ Diploma (photocopy)
Para sa mga Open High School Enrollees, makipag-ugnayan sa Guidance Counselor ng Ternate Integrated NHS para sa detalye ng enrollment.
Tara na, Brigada na!
Inaanyayahan po namin kayong makiisa sa Brigada Eskwela 2021 ng Ternate Integrated National High School.
Sa kabila ng pandemya, ating ipagpatuloy ang pagtutulungan, pagkakaisa at pagbabayanihan.
Kaya, tara na! Maki-Brigada na sa Ternate INHS!
Nais mo bang makibahagi sa Brigada Eskwela 2021?
Para sa mga detalye at katanungan, makipag-ugnayan lamang po sa mga g**o ng Ternate Integrated NHS o sa BE Coordinator na si Mrs. Geldine G. TaΓ±ag at Guidance Counselor na si Mrs. Alma A. Justo.