Ang Marmol - Teresa NHS

Directions

Ang Marmol - Teresa NHS Opisyal na Pampaaralang Pahayagan sa Filipino ng Teresa National High School

๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐— ๐—ข๐—Ÿ | ๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ก๐—จ๐—š๐—จ๐—ง๐—”๐—กBuong pagmamalaking ipinakikilala ng Ang Marmol, opisyal na pampaaralang pahayagan ng Te...
30/08/2026

๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐— ๐—ข๐—Ÿ | ๐—Ÿ๐—จ๐—ฃ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ง๐—ก๐—จ๐—š๐—จ๐—ง๐—”๐—ก

Buong pagmamalaking ipinakikilala ng Ang Marmol, opisyal na pampaaralang pahayagan ng Teresa National High School, ang Lupon ng Patnugutan sa Taong Panuruan 2026โ€“2027 โ€“ mga kabataang mamamahayag na magsisilbing tinig ang katotohanan, tagapagdala ng impormasyon, at tagapaghatid ng mga kuwentong nagbibigay-inspirasyon.

Sa bawat pahina, larawan, at salitang kanilang lilikhain, mananatiling buhay ang adhikaing malaya, makabuluhan, at responsableng pamamahayag.

At mananatiling tapat sa kanilang paniniwala,
๐™๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™ฉ๐™–, ๐™†๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–

Mainit na pagbati sa mga mga mag-aaral na napabilang sa Top 5 (Ang Marmol) sa ginanap na 2026 School Press Conference no...
24/07/2026

Mainit na pagbati sa mga mga mag-aaral na napabilang sa Top 5 (Ang Marmol) sa ginanap na 2026 School Press Conference noong Hulyo 18, 2026!

Ipinamalas ninyo ang husay, talento, at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag. Nawa'y magsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito upang lalo pa ninyong paghusayin ang kakayahan at patuloy na linangin ang inyong galing sa pagsusulat at pamamahayag.

Pasasalamat din po sa mga magulang sa walang sawang paggabay at pagsuporta na naging sandigan ng mag-aaral sa kanilang nakamit na tagumpay.

Patuloy na magningning, magbigay-inspirasyon, at ipagpatuloy ang pagtataguyod ng katotohanan at kahusayan sa larangan ng pamamahayag.

24/07/2026
๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐— ๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—ฌ๐—˜๐—”๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐Ÿ“ฐSa loob ng buong taong panuruan 2025โ€“2026, maraming mahahalagang ...
31/03/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐— ๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—–๐—›๐—ข๐—ข๐—Ÿ ๐—ฌ๐—˜๐—”๐—ฅ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑโ€“๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐Ÿ“ฐ

Sa loob ng buong taong panuruan 2025โ€“2026, maraming mahahalagang pangyayari ang nagbigay-hugis sa buhay ng mga mag-aaral, g**o, at ng buong komunidad ng Teresa National High School. Mula sa mga akademikong tagumpay at mahahalagang programa ng paaralan hanggang sa mga kaganapang may epekto sa komunidad at lipunan, bawat kuwento ay maingat na naitala at inilahad. โœ๐Ÿป

Bilang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Teresa National High School sa Filipino, buong paggalang na inihahandog ng Ang Marmol ang School Year 2025โ€“2026 Newsletterโ€”isang komprehensibong tala ng mga balita, tampok na artikulo, at mahahalagang pangyayaring humubog sa buong taon ng panuruan. ๐Ÿ’šโœจ

โฌ‡๏ธ Para sa mas malinaw na bersyon, buksan ang link:

https://drive.google.com/drive/folders/1vLDg83JDlJn63KcxEOFa6aKqOAEj6KCP

๐‹๐”๐๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐“๐๐”๐†๐”๐“๐€๐ โœจ๐Ÿ’›Ipinagmamalaki ng ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Ž๐’๐’, ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Teresa National High School...
14/11/2025

๐‹๐”๐๐Ž๐ ๐๐† ๐๐€๐“๐๐”๐†๐”๐“๐€๐ โœจ๐Ÿ’›

Ipinagmamalaki ng ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Ž๐’๐’, ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Teresa National High School, ang mga ๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’‘๐’Š ๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’•๐’๐’–๐’ˆ๐’–๐’•๐’‚๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ป๐’‚๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’‚๐’๐’–๐’“๐’–๐’‚๐’ 2025โ€“2026โ€”mga kabataang tagapagdala ng ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด! โœ๐Ÿป๐Ÿ’š

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nanalo sa JOURN IS LIFE: 2025 District Schools Press Conference!Ang inyong ded...
13/09/2025

Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nanalo sa JOURN IS LIFE: 2025 District Schools Press Conference!

Ang inyong dedikasyon at husay sa pamamahayag ay naging susi sa inyong pagtatagumpay.
Ipagpatuloy lang ninyo ang pagiging boses ng katotohanan!

Isang matagumpay na programa ang isinagawa noong Agosto 29, 2025 sa pakikipagtulungan ng Republic Cement Teresa Plant, 3...
05/09/2025

Isang matagumpay na programa ang isinagawa noong Agosto 29, 2025 sa pakikipagtulungan ng Republic Cement Teresa Plant, 3M Philippines, at EcoLoop sa pangunguna ng kanilang mga kinatawan: Atty. Angella Edralin (EcoLoop Director), Mr. Rodel Santiago, Mr. Ron Dayap, Mr. Marvin Noces, Engr. Yan Eso, Ms. Rochelle Bautista, at Sir Albert Velasco kasama ang kanyang team. Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng mga institusyon at paaralan tungo sa mas matibay na adbokasiya para sa kapaligiran at komunidad.

Sa kaniyang mensahe, ipinahayag ni Maโ€™am Connie A. Madrid, Principal IIl ng Teresa National High School, ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng katuwang na organisasyon na patuloy na sumusuporta sa mga kabataan. Nagbigay rin ng inspiradong mensahe si Sir Albert Velasco, habang si Sir Jimmy Torres naman ang naghatid ng closing remarks na nag-iwan ng paalala sa kahalagahan ng pagkakaisa at pakikipagtulungan para sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng kalikasan.

โœ๐Ÿป Johari P. Macarimbang
๐Ÿ–ผ๏ธ Allyn I. Buya
๐Ÿ–ผ๏ธ Johari P. Macarimbang

Upang gunitain ang ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng Teresa National High School, idinaos ng paaralan ang dalawang a...
08/08/2025

Upang gunitain ang ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng Teresa National High School, idinaos ng paaralan ang dalawang araw na Booth Fair na naghatid ng saya at sigla sa mga estudyanteng Teresaรฑo.

Sa pangunguna ng Student Council, katuwang ang ibaโ€™t ibang organisasyon at club, tunay na enjoy to the max ang mga mag-aaral at g**o sa makulay na selebrasyon. Tampok dito ang mga kapana-panabik na palaro at ibaโ€™t ibang masasarap na pagkain na lalong nagpasigla sa pagdiriwang!

โœ๏ธJerren Matthew San Buenaventura
๐Ÿ“ธ Cassandra Khate Moreno

Ang ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ay ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š. Halina't makiisa sa pagdiriwang na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubo...
01/08/2025

Ang ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ay ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š. Halina't makiisa sa pagdiriwang na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."

Hulyo 31 |  Nutri-Jingle ContestBilang selebrasyon ng Nutrition Month, idinaos ang Jingle Making Contest na dinaluhan ng...
31/07/2025

Hulyo 31 | Nutri-Jingle Contest

Bilang selebrasyon ng Nutrition Month, idinaos ang Jingle Making Contest na dinaluhan ng baitang 7 hanggang baitang 10. Lahat ng estudyante ay hindi nagpatalo. Kabog!

Kahit na natigil ang pagdiriwang ng Nutrition Month ng limang taon dahil sa lockdown at pagbabago ng school calendar, kayang-kaya pa ring makipagsabayan ng mga estudyanteng Teresaรฑo!

Nakaayon ang patimpalak sa temang: 'Food at Security, maging priority! Sapat na pagkain, karapatan natin.'

Pinangunahan naman nina Mr. Alvin Malaya, Mrs. Margie J. Valdez at Mr. Edward S. Juliano ang pagpili sa mga nanalo sa bawat baitangโ€”katuwang ang ibang g**o sa TLE.

Narito ang listahan ng mga nanalo:

Baitang 7
๐Ÿฅ‡ Admirable
๐Ÿฅˆ Generous
๐Ÿฅ‰ Prime

Baitang 8
๐Ÿฅ‡ Felipe
๐Ÿฅˆ Prime
๐Ÿฅ‰ Aquino

Baitang 9
๐Ÿฅ‡ Prime
๐Ÿฅˆ Anthurium
๐Ÿฅ‰ Begonia

Baitang 10
๐Ÿฅ‡ Prime
๐Ÿฅˆ Amethyst
๐Ÿฅ‰ Emerald

Hep, hep, hep! Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Ang mga nanalo sa lahat ng grade levels ay paglalabanin pa upang makuha ang GRAND CHAMPION ng Nutri-Jingle Making Contest ng Teresa National High School.

Back to zero ang lahat ng maglalaban-laban. Ang ibig sabihin nito? Lahat ay may tyansang manalo!

โœ๏ธLhian Jaira Ballesteros
๐Ÿ“ทMa'am Rosyl, Angelica Reignne Gibaga

Address

Juan Sumulong Avenue, Bagumbayan
Teresa
1880

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Marmol - Teresa NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category