Philsin College Rizal, Inc.

Philsin College Rizal, Inc. Services Offered:
A.Basic Education:
1Nursery/Kinder1/Kinder2
2Elementary
3JHS
4SHS
B.Tertiary Educa

05/01/2021
Mapagpalang Bagong Taon Philsin Family!!!
31/12/2020

Mapagpalang Bagong Taon Philsin Family!!!

MERRY CHRISTMAS PHILSIN FAMILY!!!! GOD BLESS OUR FAMILY!!! πŸ™πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ™
24/12/2020

MERRY CHRISTMAS PHILSIN FAMILY!!!!
GOD BLESS OUR FAMILY!!! πŸ™πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ™

05/11/2020

Philsinian Throwback Thursday:
Post a school activity picture that is memorable for you... you may have an option to explain why...

05/11/2020

Are you the NEXT PHILSIN DANCE IDOL?....

Philsin Idol 2020 Mechanics:
04/11/2020

Philsin Idol 2020 Mechanics:

PHILSIN IDOL 2020
04/11/2020

PHILSIN IDOL 2020

04/11/2020

BE THE FIRST ONLINE PHILSIN IDOL 2020...
OPEN FOR PHILSIN STUDENTS AND ALUMNI/ALUMNAE...

Random Thoughts 2:"ML: MODULE LEGENDS"Bago pa dumating ang NEW NORMAL of Learning sa panahon naten ngayon busy ang mga g...
19/10/2020

Random Thoughts 2:
"ML: MODULE LEGENDS"

Bago pa dumating ang NEW NORMAL of Learning sa panahon naten ngayon busy ang mga g**o sa paggawa ng kanilang Lesson Plan o Daily Lesson Log sa bawat subjects na kanilang itinuturo. Nagbubuhos ng oras at pagod na may kasamang puso ang bawat hakbang na ilalagay para maituro sa mga mag-aaral ang bawat aralin na dapat nilang matutunan. Ang paggawa nito ay arawan o kaya naman ay lingguhan. At dahil na din sa pandemyang ito, nagkaroon nga tayo ng BLENDED LEARNING, na halo ang module at online class. Ngayon hindi na LP o DLL ang gagawin ni teacher kundi ang MODULE na mismo ang gagawin nya na makaaangkop sa ikatututo ng kanyang magaaral. Hindi biro ang paggawa ng Module, iba ito sa Lesson Plan, mas komplikado at maraming sangkap ang kelangan gawin (para ka na rin gumawa ng isang libro o activity book dito, para ka na rin Author kung tutuusin). Kelangang masigurado mo na sa bawat module ay talagang maiintindihan at mauunawaan ng iyong magaaral ang nilalaman nito. Kailangang mameet mo din ang kinakailangang standards sa bawat module (DepEd based). Mas matinding oras ang kailangang ibuhos dito dahil kailangan na lahat ng activities at laman nito para sa pagkatuto ay nakapasok sa module na ito. Mas matinding Brain Storming ang gagawin ni teacher na sya lang magisa(biruin mo yun babalansehin ni teacher ang naisip nyang gawain maging maayos lamang ito, isipin mo c teacher gagawa, c teacher mageedit at c teacher din magaapprove kung ilalagay nya sa module ang naisip nyqng gawain... πŸ€”πŸ€”πŸ€”). Magiisip pa ng mga panibagong gawain maitimo lamang sa isip ng magaaral ang dapat na matutunan sa bawat module. Magreresearch o magbabasa pa ng mga ibat ibang libro para makakuha ng mas mabisang technique sa pagkatuto (ikaw kaya magbasa ng mga reference books at maghagilap sa web ng mga materials...) Maglalaan ng oras para itype nya pa lahat ito sa kanyang computer o laptop, tapos ieedit pa nya ito at babasahin muli para sa proof reading nya... maglalagay pa ng mga design at pictures para colorful at presentable para hindi mabored ang mga magaaral na magbabasa (isama na din ang mga magulang na magbabasa din nito). Kapag nakagawa na si teacher ng module kelangan pa rin yan maicheck bago pa yan maipamahagi sa mga magaaral... Yan ang kailangang gawin ni teacher sa isang module sa bawat isang subject sa bawat grade level.Maging sa pagtulog at panaginip ni Teacher ay kasama nya pa rin ang paggawa ng modules.
Ang tanong! Nong!!! Nong!!! Nong!!!
E ilan bang subject ang hawak ni teacher? Ilang grade levels ba ang tinuturuan nya?
Ang dami din d b?...

Kaya nga hindi biro ang makagawa ka ng module... isang accomplishment ng teacher kung makatapos siya nito... (tunay nga naman, balikan mo ulit ang proseso sa paggawa... hirap din d b?) Isang LEGEND nga kung tutuusin kung makagawa si teacher ng module at dahil dito ay matututo ang mga magaaral kahit hindi pa man naten nakakaharap ng Face to face si teacher. Sa Module nangungusap si teacher kung anu ang nais niyang matutunan naten. Minsan pa nga ang module ay para sa isang linggo o isang araw mo lang babasahin para matuto tayo ng mga aralin (balikan mo ulit ang proseso, ilang araw kaya natapos ni teacher ang module na iyan?)
Wag naten balewalain ang module, minsan may makikita o mababasa tayo na parang may mali sa module na nabasa naten, oops wait lang ha, isipin muna naten kung talagang mali sya talaga... baka naman may mga aral na dapat nateng malaman? O baka may dapat tayong matututunan na ngayon lang naten nalaman kasi absent ka nung itinuro sa inyo nung nagaaral ka pa. Wag pumuna agad ng kamalian sa module, baka dahil sa pagod at puyat nagkatypographical error lamang. Oo nga kelangang ang laman ng module ay tama at accurate... pero isipin din naten minsan sa pagbabasa din kailangang gamitan din naten ng common sense, hindi nman cg**o lahat isusubo sa aten ng ating mga teacher kailangang ngumuya din tayo para maabsorb naten ang dapat naten matutunan... ang punto ko dito, hindi biro ang paggawa ng module... buhay at dedikasyon ng isang g**o ang inilaan para malikha ito, pahalagahan at iaapreciate naten ang bawat module na binabasa naten at tunay na mga LEGENDS ang ating mga G**o sa paggawa ng mga Modules na ito...
CONGRATS SA MGA G**O!!!

12/10/2020

***Random Thoughts***
"EDUKASYON SA PANAHON NG PANDEMYA"

Marso 16, 2020 naideklarang GCQ sa ating bayan dahil sa pandemyang sakit dulot ng COVID-19. Akala ko noong una tatagal lang ito ng isang linggo... nakahanda na sana para sa mga adjustments dahil final exam at clearance week ang natamaan ngunit naextend ang GCQ hanggang sa dalawang linggo... (hay)... isang buwan... (tagal na)... hanggang sa naapektuhan na ang schedule ng recognition at graduation rites(sayang ito pa sana ang huling pagkikita at pagsasama sama ng mga graduating class at mga g**o nila kasama na din ang mga magulang) ngunit hindi na nga ito natuloy(how sad)... hanggang sa dumating na ang buwan ng MAYO at quarantine p din... sarado na ang halos lahat na establisyemento kasama na din ang paaralan na naideklara na pansamantalang pagsasara... naisip ko bigla paano na ang natapos na SY? Paano makapagpapatuloy ang mga bata sa kanilang pagaaral? Papaano na ang mga g**o at nagttrabaho sa mga paaralan?(sa public man o sa private)...
Sa aking isipan,(opinyon ko lqng din naman) hindi naman kailangan maapektuhan ang edukasyon ng mga bata... kailangan gumawa ng mga kaparaanan para makapagbigay ng maganda at kalidad na edukasyon sa mga magaaral(lalo na sa panahon ngayon)... at gayun nga din ang iniisip ng DEPED at ADMIN ng paaralan na muling ipagpatuloy ang edukasyon sa mga gustong makapagaral... kaya naimungkahi na gwing Agosto ang simula ng pasukan para sa panuruang 2020-2021... kung kaya bago mqkqpagsimula ng bagong panuruan dapat munang tapusin ang nakapending na SY... (o hindi ba hindi rin basta dapat kalimutan ang nqiwang batch?) kung kaya sinimulan ng mga g**o na tapusin ang mga grado nito base na din s panuntunan na ibinigay ng DepEd para dito... para sa akin pa nga ay gusto ko pa din talaga makapagexam cla para masukat talaga ang kanilang mga natutunan ngunit hindi n din ito nangyari at tumalima na lamang sa gabay ng DepEd.... At naganap nq nga ang kauna-unahang VIRTUAL RECOGNITION AT GRADUATION RITES ng ating paaralan... nakaksabik man panoorin, masaya at malungkot pa din ito... masaya dahil mqraramdaman at kahit mapanood nila na sila ay nakatapos na... malungkot dahil ito n lang din sa mga video at monitor sila magkakasama-sama... exciting din ang nangyari dahil hindi pa din nila alam ang mga pwesto nila sa kanilang awards... (hindi ko talaga pinasabi para may element of surprise pa din sa knila) kung nasurprise nga sila... (Muli sa mga batang nakapagtapos at sa kanilang mga magulang, CONGRATULATIONS PO AT SALAMAT SA TIWALA NINYO SA ATING PAARALAN...)
At natapos na nga ang batch na un, simula naman sa panibagong panuruan na may napakalaking pagsubok na haharapin... mga tanong sa aking isipan na, may mga mqgeenroll ba na bago sa kabila ng pandemya? Ilan ang aalis sa paaralan dahil sa epekto ng pandemya? Tatanggap ba ang paaralan ng mga enrollees o magsasara? Paano makakapagklase ang mga g**o?... at marami pang mga katanungan sa isipan habang pinaghahandaan ang panibagong SY...
Sa kabila ng aking mga katanungan ay gayun din ang pagplano ng admin ng school para sa mga ito, mananatiling bukas ang paaralan at maglilingkod at magbibigay ng karunungan at edukasyon sa mga magaaral... at dahil nga dito, napagisipan nila na magkaroon ng pagbabago at pagbabawas ng matrikula sa lahat ng baitang para sa panuruang ito... (laking tipid na din na higit kumulang na 7k ang bawas sa matrikula) since ang plano nga din ng DepEd ay modular at online classes ang magaganap... laking bqgay at tulong din sa lahat ang ayuda na galing sa DepEd na mga voucher para sa mga JHS AT SHS dahil wala na silang babayaran sa paaralan dahil dito... (kaya enroll na!!!)... ang sumunod na dito ay ang mga pagpaplano naman kung paano maipromote ang paaralan at ang promotion nito para sa S.Y. na ito sa kabila ng quarantine... ang tanging pagasa ko ay ang mga taong patuloy na nagtitiwala sa paaralan na sila ang unang makapaghihikayat na sa ating paaralan sila makapagaral... Ilang meetings din ang naganap sa mga piling empleyado ng paaralan para sa mga pagbabago sa paaralan... gumawa at nagtalaga ng online classrooms para sa pagsasagawa ng mga online classes... at pinaghanda ang mga g**o sa mga gagamiting modules... lahat ay nangapa sa pagbabagong ito pero hindi nagpatinag sa mga hamon para lamang makapagbigay ng serbisyo na dekalidad na edukasyon para sa lahat... hanggang sa dumqting ang Sept 1, unang araw ng ONLINE CLASS para sa S.Y. na ito... lahat naghanda, nangapa sa kung anu ang gagawin... nataranta kapag nawawala wala ang signal ng internet... nahirapan maglog-in sa Zoom App... at marami pang iba... mga magulang na kumokontak para maisama ang anak sa mga GC... hanapan ng fb acct ng student at ng teacher (ung iba kasi bangdami ng acct)... nangamba sa module... nagkaproblema sa pagprint ng module... sa pagsagot sa online class... recitation... quizzes... at napakarami pang iba... nangangapa ang lahat sa panibagong mode of learning na ito... pero isa lang ang ibig sabihin nito...
HINDI TAYO MAGPAPATINAG SA KAHIT NA ANONG PAGSUBOK NA KAKAHARAPIN NATEN... KAHIT SA PANAHON NG PANDEMYA WALANG ANU MAN O SINO MAN ANG MAKAKAHADLANG PARA SA ATING EDUKASYON... HINDI ANG KAHIRAPAN O SA PAGKASALAT SA SALAPI.. KUNG TAYO AY GAGAWA NG MGA KAPARAANAN... KUNG MAGTUTULUNGAN TAYO SA ISAT ISA... AT MANANATILING MAY PANANALIG SA MAYKAPAL... WALANG MAKAHAHADLANG SA ATEN... TULOY ANG ATING PANGARAP... TULOY ANG ATING KARUNUNGAN... PALALAWAKIN AT PAPALAGUIN PARA SA ATING KINABUKASAN...

P.S.
para sa akin, bilang isang g**o, ang tagumpay na nakamit at makakamit ng aking mga naging estudyante ay siya nang aking tagumpay... hindi man nila ako maalala pero ang mga naituro ko sa kanila ay nananatili.... mahigitan man nila ako, tagumpay ko pa rin dahil mula sa aking mga naituro sa kanila ay naging pundasyon sa kanila bilang isang tao... maging tagumpay at maging produktibong miyembro ng pamilya at ng bansa... kuntento na ako at masaya.... 😊😊😊

Address

178 Philsin Compound Brgy. Dalig
Teresa
1880

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+9613828664

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philsin College Rizal, Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Philsin College Rizal, Inc.:

Shortcuts

Share

Category