BBEIS - Ang Hamaka

BBEIS - Ang Hamaka Opisyal na pahayagan sa Filipino ng BBEIS.

🎉 **CONGRATULATIONS!** 🎉Congratulations to the following students who have successfully passed the application process f...
16/07/2026

🎉 **CONGRATULATIONS!** 🎉

Congratulations to the following students who have successfully passed the application process for the **BBEIS Journalism Training and Workshop for English and Filipino**.

Your passion, dedication, and potential have earned you a place in our team of aspiring student journalists. We look forward to seeing you grow and excel in the field of campus journalism.

Welcome aboard, and best of luck on your journalism journey!

ENGLISH:

1. Ellery Sofia Tolentino 7- Rose
2. Princess Lousie Acuna 7-Sampaguita
3. Mick Jagger Mori 7-Dahlia
4. Julius Vincent Arnold S. Oliva 7- Daisy
5. Reyzelle Jane Ablejena 7-Tulip
6. Siochi B. Dematera 8-Felicity
7. Mariel Buenviaje 9- Jasper
8. Samara Melgar 9- Jasper
9. Kyleane G. Alcaraz 9- Onyx
10. Shianna Aeryle S. Ner 9- Ruby
11. Aeron Jay Cuadra 9- Jade
12. Michelle Anne Briones 9- Onyx
13. Melissa Zapanta 10- Del Pilar
14. Jienna Lucencio 10- Aguinaldo
15. Lorraine Diocado 10- Silang
16. Reina Jay B. Imotin 11- Mahogany
17. Jomar Medin 12- Silver
18. Carl Ocfemia 12- Silver

Filipino

1. Keeyan Reid O. Medin 7 - Daisy
2. Glaiza N. Obra 7 - Daisy
3. Allanis Dela Cruz 8 - Integrity
4. Faith Aphrodite C. Domiguez 8 - Loyalty
5. Danielle Ann C. Rueras 8 - Modesty
6. Salve Celine M. Balaoro 9 - Emerald
7. Kristian Ross T. Coronel 9 - Emerald
8. Rhyza Monique B. Naval 9 - Garnet
9. Nicole P. Perez 9 - Jade
10. Mariane Rae R. Facistol 9- Pearl
11. Raymark A. Huenda 9 - Ruby
12 Yvanne Mhyko M. Cruz 10 - Bonifacio
13. Mikaila Ella L. Dagsa 10 - Silang

Heads up ESGUERRIANS, Dealine of submission for aspirant campus writer is extended until Tuesday July 14, 2026 look for ...
11/07/2026

Heads up ESGUERRIANS, Dealine of submission for aspirant campus writer is extended until Tuesday July 14, 2026 look for your FILIPINO TEACHER or MR. JAYSON C. DUMANACAL -BBEIS School papeer adviser (Ang Hamaka)

HANDA KNB ESGUERRIANS maging bahagi ng ating PAHAYAGANG PAMPAARALANNaghahanap kami ng mga susunod na mga manunulat ng at...
05/07/2026

HANDA KNB ESGUERRIANS maging bahagi ng ating PAHAYAGANG PAMPAARALAN

Naghahanap kami ng mga susunod na mga manunulat ng ating paaralan

-PAGSULAT NG BALITA
-LATHALAIN
-EDITORYAL
-ISPORTS
-AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Magsumite ng sample ng inyong sariling likhang balita batay sa kategorya ninyong nais aplayan, ilagay ito sa isang folder short at ipasa ito sa inyong G**o sa Filipino o hanapin si G. Jayson Dumanacal G**ong Tagapayo sa Pahayagan (BBEIS- School Newspaper- "Ang HAMAKA")

Petsa ng pagsusumite ay hanggang JULY 10, 2026

kung may mga katanungan at concern p**i message si G. Jayson Dumanacal- BBEIS School Newspaper Adviser "ANG HAMAKA"

magSULAT, Maging BOSES, at Maging INSPIRASYON na may LAYUNIN.

BBEIS Gymnastics, Humakot ng 5 gintong MedalyaNagp**itang-gilas ang mga gymnast ng Benjamin B. Esguerra Integrated Schoo...
15/09/2025

BBEIS Gymnastics, Humakot ng 5 gintong Medalya

Nagp**itang-gilas ang mga gymnast ng Benjamin B. Esguerra Integrated School sa 2025 Taytay Municipal Sports Meet na ginanap sa San Isidro Elementary School nitong Agosto 30, 2025.

Nagkamit ng 3 gintong medalya si Sapphira Maybelle Manayon mula sa kategoryang Rhythmic Gymnastics (RG) at 2 ginto naman ang naiuwi ni Jhustin Talavera, hindi rin nagpahuli si Eugene Capistrano na nakakuha ng 2 pilak sa kategoryang Mens Artistic Gymnastics (MAG).
Nakapag-uwi rin ng 2 Pilak na medalya si Kendra Charice Cunot habang 2 bronze naman ang nasungkit ni Angelyn Morales mula sa kategoryang Womens Artistic Gymnastics (WAG).

Ipinamalas nila ang nakakakabang group at individual stunts, pagba-balanse ng bola, at pagbabato ng mga clubs sa ere na ikinamangha at binigyan ng masigabong palakpakan ng mga manonood.

Ayon kay Coach Ruel Tirados, ang gymnastics ay hindi lamang nangangailangan ng pisikal na lakas, pati na rin ang stable na pag-iisip.

Ibinahagi niya rin ang kanilang ginawang paghahanda bago sumalang sa Municipal Meet.

“In preparation, we focus on strength training and body conditioning, aside from the school training our athletes also attended training at Club Gymnastica in Pasig.”- Coach Ruel

Dagdag pa niya “Before the game we make sure that routines are flawless and thank God each of them performs well.”

Sa ngayon, mas paghuhusayan at paghahandaan pa nila ang pagsasanay para sa darating na Provincial Meet.

📸✍🏻 Eunice Gabriel

Sandata ng Tagumpay: BBEIS Arnis Team Humataw sa 2025 Municipal Sports MeetMuling nakasungkit ng mga medalya ang mga man...
01/09/2025

Sandata ng Tagumpay: BBEIS Arnis Team Humataw sa 2025 Municipal Sports Meet

Muling nakasungkit ng mga medalya ang mga manlalaro sa Arnis ng Benjamin B. Esguerra Integrated School (BBEIS ) sa naganap na 2025 Municipal Meet, nitong August 28, 2025 sa Rosario Ocampo Elementary School (ROES).
Sa laban ng mga lalaking arnisador kabilang sina Liomar Aggabao, Roderick Delima at Christian Nera sa mga nagkamit ng tatlong gintong medalya sa kategoryang Synchronize, solo weapon. Sa full contact naman nakapag-uwi sina Cristian Nera at Liomar Aggabao ang dalawang gintong medalya sa unang kategorya.

Nakuha rin nina Liomar Aggabao, Roderick Delima at Christian Nera ang tatlong silver medal sa kategoryang Double weapon at tatlong silver medal rin sa kategoryang Espada y Daga, at isang silver medal rin ang nakuha ni Hanzon Jil Delarora sa pangatlong kategorya.

Nakapag-uwi rin si Roderick Delima ng tatlong bronze medal sa Individual Category sa solo weapon, double weapon at full contact. Samantala, makuha naman ni Christian Nera ang isang bronze medal sa Individual Category, Espada y Daga.

Hindi rin nag patalo ang mga babaeng arnisador kung saan nasungkit ni Vennice Villas ang isang silver medal sa Individual Category, Double weapon at tatlong bronze medal sa synchronized, solo weapon, double weapon at full contact. Nakapag-uwi rin si Ellija Solpico ng apat na bronze medal sa Individual Category, Espada y Daga, synchronized, solo weapon at double weapon at full contact. Nakakuha rin ng tatlong bronze medal si Beatriz Alcantara sa kategoryang Synchronized, solo at double weapon at sa full contact unang kategorya.

Sa isang interbyu inamin naman ni Aggabao na sa kabila ng hindi mabilang na pagkapanalo noon hindi niya maiwasan makaramdam ng kawalang pag-asa upang mag patuloy pa sa laro ngunit pinilit niyang bigyang motibasyon ang sarili.
"Yes, i motivate my self na kailangan kong mag patuloy kase para saan pa lahat ng pinag hirapan ko kung hindi ko naman mapap**ita o mapapatunayan kung ano ang kaya ko" -Liomar Aggabao

Pinayuhan rin niya ang mga gustong sumubok ng larong arnis na hindi madali ang larong ito ngunit makikita mo sa dulo ang resulta sa pag hihirap mo.
"Ang advice ko is hindi basta basta ang arnis kumbaga mahirap ang arnis although lahat naman ng sports mahirap pero kung mag papakatatag ka then makikita mo ang resulta in short, all your hard work will pay off” - Aggabao

Samantala isang araw matapos ang Arnis tournament, ginanap ang pormal na pagbubukas ng Municipal Meet 2025 noong Agosto 29, 2025, sa Taytay Sports Complex. Dinaluhan ito ng mga manlalaro at coaches mula sa iba't ibang paaralang elementarya at sekondaryang sa Taytay.

Dumalo rin sa pagbubukas ng seremonya sina Mayor Allan De Leon, Vice Mayor JV Cabitac, at ilan pang miyembro ng Sangguniang Bayan.

✍🏻: Carla Jane Olino
📷: Carla Jane Olino & Liomar Aggabao

BBEIS Taekwondo: Sumipa ng Gintong Medalya sa 2025 Taytay Municipal Sports MeetHindi nagpahuli ang Taekwondo team ng Ben...
30/08/2025

BBEIS Taekwondo: Sumipa ng Gintong Medalya sa 2025 Taytay Municipal Sports Meet

Hindi nagpahuli ang Taekwondo team ng Benjamin B. Esguerra Integrated School (BBEIS) na nagkamit ng tatlong gintong medalya sa ginanap na 2025 Taytay Municipal Sports Meet noong Agosto 29, 2025.
Kabilang sa mga umani ng dalawang gintong medalya sa kategoryang Poomsae sina Sophia Irish Anatacio at Renzel Dane Saguisag sa puntos na 6.700 at 6.900 at isang gintong medalya sa Kyurogi na nasungkit naman ni April Joy Mabag na sumipa ang puntos sa 10 pagdating ng finals.
Samantala, nagkamit ng pilak na medalya ang iba pang manlalaro na sina Jimella Rada, Angel Perez, Jenna Garcia, Ayesa Candelaria at dalawang tansong medalya sina Chelsea Armado at Sofia Quitan, sa Secondary Girls Kyurogi at nagkamit din ng tansong medalya sina Anghelo Cruz, Mike Lucero, James Subramaniam at Wilson Basallote sa Secondary Boys Kyurogi.

Sinimulan ang patimpalak sa kategoryang Poomsae, Binida ng mga mag-aaral ang kanilang nakakasindak na high kicks, back fists at front kicks, na umani ng palakpakan at hiyawan ng mga manonood at siya ring nakapukaw atensyon sa mga hurado.

Mabusising pinaghandaan nina Anatacio at Saguisag ang Municipal Meet, sinanay ang tiwala sa sarili at mga galaw na nag panalo sakanila sa laban, "Mag tiwala kalang sa sarile mo, at huwag ka mag isip ng negative," ani Saguisag.
"Pinag training kami, at tinulungan kami ipush yung confidence namin at saka mag relax bago lumaban," pahayag ni Atanacio.

Sa kabilang banda, matindi ang bakbakan sa labanan ng kyurogi(sparring), pinakain ni April Joy Mabag ng sipa ang kaniyang kalaban sa finals sa iskor na 10-3 sa Feather Weight Category, sinigurado ang pwesto sa Provincial Meet.
"Naramdaman ko nung unang training palang namin is parang nahirapan diko alam kung kakayanin koba then nung nandito na ngayon ako na, tulad napanalo ko proud ako sa sarile ko at sa mga naging coach ko sa mga nagturo sakin at kila sir dahil kung di dahil sakanila wala ako sa situation ko nato,"- Mabag

Samantala ibinahagi naman ng kanilang Coach na si Mark Jason Barzaga ang kanilang dibdibang paghahanda.
"There are many preparations that we have done to compete in Taekwondo - Municipal Meet such as, we make sure that our athletes have improved cardio, strength, flexibility and speed, second, they are mentally and emotionally stable before the competition, and weight management," pahayag ni Coach MJ.
Sinigurado din niya na mayroong kumpiyansa sa sarili ang mga manlalaro at tinutukan din ang pagtuturo ng iba't ibang teknik upang makapokus sa laro gayundin ang mga tactical at technical concepts na makatutulong sa mga manlalaro.
Bagaman ang iba ay unang salang pa lamang sa Municipal Meet, ay hindi ito naging hadlang sa kanila upang magpasiklab, maging inspirasyon sa iba at mag uwi ng sandamakmak na medalya. Ito ang nagsisilbi nilang motibasyon upang mas paghusayan at paghandaan pa ang Provincial Meet.

✍️: Harjay Guarnes
📸: Harjay Guarnes

Handa na ba kayo, ESGUERRIANS?Sana sulit ang long weekend at nakapag-review kahit konti, hindi lang puro ML at Netflix. ...
26/08/2025

Handa na ba kayo, ESGUERRIANS?

Sana sulit ang long weekend at nakapag-review kahit konti, hindi lang puro ML at Netflix. Ihanda ang ballpen, papel, at konting good luck galing kay crush/bf/gf. Syempre, samahan na rin ng dasal pero wag puro dasal lang, kailangan may effort din!

Tandaan! Walang imposible sa pusong may baon na reviewer at tiwala sa sarili. Kaya wag puro "bahala na si Batman," kasi baka pati si Batman magulat kung wala kang naisulat.😅

GOOD LUCK, ESGUERRIANS! Sabay-sabay tayong papasa claim it! 🤞🏻✨

TINGNAN : Nag anunsyo ng class suspension ang Department of the Interior and Local Government (DILG) bukas, August 26, 2...
25/08/2025

TINGNAN : Nag anunsyo ng class suspension ang Department of the Interior and Local Government (DILG) bukas, August 26, 2025, sa lahat ng antas at trabaho sa mga government offices sa ilang lugar, kasama rito ang Probinsya ng Rizal, dahil sa masamang panahon.

Pinaalalahanan ang lahat na mag ingat at mag antay ng iba pang anunsyo tungkol sa panahon.

Rizal Pride: Punongguro sa Taytay, Finalist sa 10th Gawad PatnugotSumailalim na sa ikalawang yugto ng balidasyon (Stage ...
22/08/2025

Rizal Pride: Punongguro sa Taytay, Finalist sa 10th Gawad Patnugot
Sumailalim na sa ikalawang yugto ng balidasyon (Stage 2 Validation and Verification of documents) ang punongguro ng Benjamin B. Esguerra Integrated School na si Dr. Maria Asuncion C. Sierra bilang bahagi ng proseso sa pagiging finalist sa 10th Gawad Patnugot (Regional level).

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing balidasyon ang mga kinatawan mula sa regional office kasama rin ang PSDS ng Taytay Aimee Asuncion, Kgg. Brgy. Captain Jean Lalaine P. Calderon at SPTA Jennifer Valle. Kasama rin ang ilang stakeholders kagaya ng The Great Lighthouse Foundation na kinatawan ni Benjamin Reyes, TODA President Jimmy Nayanga at benepisyaryo ng 4Ps na sumailalim sa interbyu ukol sa pamamahala ng punongguro.

Sa Stage 2 ng 10th Gawad Patnugot, tinalakay ni Dr. Sierra ang mga detalye ng tagumpay, implementasyon, at pagpapabuti ng paaralan. Ang kaniyang presentasyon ay nagbigay-diin sa propesyonalismo, pangako, at pagtugon sa serbisyo-publiko. Nabanggit din ang isa sa mga pangunahing proyekto ng BBEIS ang "Proper Waste Management Program" na kinilala dahil sa maayos nitong proseso.

Matatandaang nasungkit ni Dr. Sierra ang mga naunang patimpalak kagaya ng Gawad Hamaka (Municipal level) at Gawad Kampilan (Division level) na nagbigay-daan upang maging finalist sa Gawad Patnugot (Regional level).

Nagsisilbing patunay ang mga karangalang ito sa maayos at mabuting pamumuno ng punongguro. Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan ni Dr. Sierra ang ikatlong yugto ng proseso upang masungkit muli ang karangalan para sa paaralan.

✍🏻: Carla Jane Olino
📷: Apple Kaye Amoroso

Address

Sta. Ana
Taytay
1920

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BBEIS - Ang Hamaka posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share