19/05/2026
๐๐๐ฎ๐ ๐ฑ โ ๐๐๐ฆ ๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ ๐๐๐ผ๐ป
Patuloy ang dedikasyon ng mga g**o ng Alternative Learning System (ALS) sa Taytay sa pagsasagawa ng mapping sa ibaโt ibang lugar na nasasakupan ng pamahalaang barangay ng Brgy. Muzon. ๐๐
Kasabay nito, nagsagawa rin ng pagpupulong kasama ang mga Purok Leaders upang talakayin ang kahalagahan ng ALS at kung paano ito makakatulong sa mga out-of-school youth at adult learners na nais muling makapag-aral at makapagtapos.
Sa tulong ng barangay at ng buong komunidad, mas mapapalawak pa ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa oportunidad na hatid ng ALS para sa bawat isa. โจ
Lubos din po kaming nagpapasalamat kay Kapitan at sa buong staff ng Pamahalaang Barangay Muzon, Taytay, Rizal sa mainit na pagtanggap, pag-accommodate, at patuloy na pagtulong sa aming ALS mapping activity. Maraming salamat po sa inyong suporta sa edukasyon at sa komunidad. ๐ค๐
โEdukasyon para sa lahat, anumang edad at anumang estado sa buhay.โ ๐ช
16/05/2026
FUN FACT โผ๏ธ
Did you know?
12 public elementary schools in Taytay, Rizal now offer ALS Junior High School! ๐โจ
Because learning has no age limit! ๐๐ช
15/05/2026
DAY 4 MAPPING | Brgy. San Juan
Patuloy ang mga g**o ng Alternative Learning System (ALS) sa pagsasagawa ng mapping sa ika-apat na araw sa Brgy. San Juan. Nagpunta sila sa ibaโt ibang lugar at komunidad upang mahanap at mahikayat ang mga out-of-school youth at adults na muling makapag-aral sa pamamagitan ng ALS.
Maraming salamat sa Barangay San Juan, Taytay, Rizal, lalo na sa mga SK Chairman at SK Kagawad, sa kanilang suporta, pagsama, at pakikilahok sa mapping activity.
๐ Para sa mga nais mag-enroll sa ALS Elementary at Junior High School, maaaring kumuha at magsumite ng enrollment form sa mga sumusunod na paaralan:
๐ซ Bagong Pag-asa ES โ look for Mam Marivic
๐ซ Cresdaville ES โ look for Sir Jetot
๐ซ Kapalaran ES โ look for Sir Napz
๐ซ San Lorenzo Ruiz ES โ look for Mam Marivic
13/05/2026
Day 3 - Mapping at Brgy. Dolores ๐๐
Maraming salamat kay Nanay Imelda at sa mga staff ng Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal sa pagtulong at paggabay sa amin sa aming mapping activity para mas marami pa naming maabot na ALS learners.
Para sa mga nagnanais mag-enroll sa ALS, makipag-ugnayan lamang sa:
๐ Dolores ES โ Sir Jetot
๐ Taytay ES โ Mam Liza
๐ Hapay na Mangga ES โ Mam Maricel
12/05/2026
Day 2 Mapping at Brgy. San Isidro
Maraming salamat po sa pakikipagtulungan at mainit na suporta ng Pamahalaang Barangay San Isidro, Taytay, Rizal sa aming ALS mapping activity. Malaking tulong po ang inyong pakikiisa upang mas marami pa nating kababayan ang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral at maabot ang kanilang mga pangarap. ๐๐
Para sa mga nag nanais na mag-enroll na taga San Isidro, maaari po kayong magtungo sa San Isidro ES at hanapin lamang sina Mam Justine at Mam Cristina para sa inyong katanungan at enrollment. ๐
11/05/2026
Day 1 ng mapping sa Brgy. Sta. Ana!
Maraming salamat sa Kapitan at sa lahat ng opisyal at staff ng Pamahalaang Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal sa inyong mainit na suporta at pakikiisa sa aming aktibidad. Malaking tulong ang inyong cooperation para mas mapalapit ang serbisyo ng ALS sa komunidad. ๐๐
Para sa mga nagnanais mag-enroll sa ALS, maari pong pumunta sa:
๐ Sta. Ana ES โ hanapin si Mam Justine
๐ Sitio Tapayan ES โ hanapin si Sir Joel
๐ Antonio C. Esguerra MNHS โ hanapin sina Mam Khim o Mam Gissels
Tuloy-tuloy ang pag-aaral para sa lahat! โจ
11/05/2026
๐ฃ Heads up SHS Learners!
Open na po ang enrollment for Taytay Senior High School sa May 18โ22. Pakitingnan na lang po ang attached photo para sa complete details.
For inquiries, you may contact Mam Myline and Mam Marissa.
Donโt miss this opportunityโsecure your enrollment on time!
08/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐โจ
Nagsagawa ng pagpupulong ang mga ALS teachers ng Taytay kasama ang mga barangay officials at si Mayor Allan De Leon bilang paghahanda sa isasagawang ALS Mapping sa Taytay, Rizal. Layunin ng gawaing ito na matukoy at mahikayat ang mga Out-of-School Youth at Adults na muling ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).
Sa pangunguna nina Sir Robert Jan at Mam Liza, tinalakay ang kahalagahan ng ALS, ang wastong pangangalap ng datos, at ang malaking papel ng komunidad sa pag-abot sa mga kabataang at matatandang nais magkaroon ng panibagong pagkakataon sa edukasyon. Ang pagpupulong ay minonitor ni Ma'am Grade T. Adriano bilang bahagi ng patuloy na suporta at paggabay sa implementasyon ng ALS program sa bayan ng Taytay.
Patunay lamang na sa pagtutulungan ng paaralan, lokal na pamahalaan, at komunidad, mas maraming buhay ang mabibigyan ng pag-asa at mas maraming pangarap ang muling mabubuhay. Dahil sa ALS, walang huli para magsimula at walang pangarap na hindi maaabot. โจ
04/05/2026
Enrollment is now ON-GOING for ALS Elementary and Junior High School for School Year 2026โ2027!
Narito ang listahan ng mga ALS schools sa Taytay, Rizal (please check the photo ๐ธ).
๐ Requirements:
โข Photocopy of Birth Certificate
โข School Card
โข 2x2 Picture
โจ Open para sa mga out-of-school youth at adults na gustong magbalik-aral at maabot ang kanilang pangarap!
๐ข Para naman sa ALS Senior High School (SHS), please stay tuned for more updates.
Mag-enroll na at maging bahagi ng ALS! ๐
29/03/2026
LOOK! ๐
Ngayong araw ay matagumpay na isinasagawa ang A & E (Accreditation and Equivalency) Test sa Rosario Ocampo Elementary School para sa ating mga ALS learners na patuloy na nagsusumikap maabot ang kanilang mga pangarap. ๐โ๏ธ
Ang nasabing pagsusulit ay minonitor nina Mam Jiselle Ulpina (Regional), Mam Rosemarie Blando (CID Chief) Mam Imelda Asuncion (PSDS for ALS), Mam Grace Adriano (EPS), at Mam Maricel Latina (Principal) upang matiyak ang maayos, mahinahon, at maayos na daloy ng pagsusulit.
Ang kanilang presensya ay nagpapakita ng patuloy na suporta ng DepEd sa programang Alternative Learning System (ALS) at sa mga learners na patuloy na lumalaban para sa edukasyon.
Padayon, ALS Learners! Good luck sa inyong lahat! ๐โจ
13/03/2026
Congratulations to our champions at RAAM 2026 held in Batangas City!
๐ฅ๐ฅ Mia N. Garcia
2 Gold Medals โ 50m & 100m Breaststroke
๐ฅ๐ฅ Queenie C. Caingles
Silver โ 50m Freestyle
Bronze โ 100m Freestyle
Your ALS Family is very proud of your achievements!
Keep swimming, keep winning! ๐โจ