13/05/2026
ANUNSYO: ISKEDYUL NG ORIENTATION AT CONFIRMATION OF ENROLLMENT -GRADE 9
Narito ang ating gabay at iskedyul para sa gagawing Orientation at Confirmation of Enrollment. Siguraduhing sundin ang mga hakbang at ang tamang oras para sa inyong baitang.
โ๐ PROSESO NG ENROLLMENT
โI. Para sa Grade 8 hanggang Grade 10
โ1. Kumuha at sagutan ang registration form.
โ2. Isumite ang Report Card at Registration form sa teacher in-charge o adviser.
โ3. Pirmahan ang acknowledgment form bilang kumpirmasyon ng inyong enrollment.
Mangyaring pumunta sa itinakdang oras at petsa para sa maayos at mabilis na transaksyon. Para sa mas mabilis na proseso, maaari ninyong i-download at i-print ang registration form at sagutan sa bahay bago pumunta sa paaralan.Huwag kalimutang magdala ng sariling ballpen at sumunod sa mga health protocols.
Upang madaling makilala bilang mga opisyal na estudyante ng ating paaralan, hinihiling namin sa lahat ng mga mag-aaral mula Grade 8 hanggang Grade 10 na isuot ang inyong CAYS Uniform sa araw ng inyong confirmation ng enrollment.
Para sa mga hindi makakarating o mahuhuli sa itinakdang oras (late) para sa kanilang baitang sa May 18, kayo ay pinapayuhang pumunta na lamang sa May 26, 2026 (8:00 AM - 12:00 NN) kasabay ng iba pang mga late enrollees. โMaraming salamat sa inyong kooperasyon!